So kahapon yung 2nd day namin ng school, bagong sched naman. Una sa lahat ang aga ko nagising para magblower ng buhok ko, kasi di ako umaalis ng di nagbloblower, kasi parang kapag di ako nagblower mas maraming kumakapit na microorganisms Hahaha. Joke, ayoko lang talaga ng basa ang buhook pag lumalabas kasi kunware bagong ligo tapos syempre may shampoo yun tapos pag nasa labas ka pag di nablower parang maghahalo sa pawis mo parang babaho ka pa. Hahaha. Tapos nun biglang nagbrown out ng mga 6am. Edi weew sakto my hair is dried Hahaha! Tapos nun mga 6:30 umalis na ako ng bahay, aga kasi ng chem lab namin eh, hays hays. So ayun, Ako pa first na nandun akala ko mali yung pinuntahan ko hindi pala. Nagsidatingan na yung mga kaklase ko habang nagcycytus ako. Tapos fastforward, Chem na namin, grabe si sir PC ulit, yung anaphy namin last sem. Hays, scary. Hahaha. Ayun meron si sir na student assistant ewan ko kung anong school pero grad naman na ata or nagschoschool pa? Ewan. Basta yun so na-group na kami, maganda naman mga naging kagrupo ko, pero andun yung babaeng naiinis ako ng mejo. Oks lang sana, kung di siya plastic eh, pero alam mo yun nakakainis. Haha. Basta yun. Tapos ayun ako yung parang leader ulit. Binigyan na kami ng mga gamit ganun chineck namin bumili kami ng manual ng grupo at ng padlock ng aming locker for our lab apparatus tapos yun. Next subj Chem lec naman akala namin iba na teacher namin, si sir PC pa rin, edi wow. Haha. Binigyan niya kami course outline, kinokopya ko pa pero di ko na tapos kasi naman kinollect niya agad. Tapos Nagpaquiz agad siya. Buti na lang nagpareview siya ng mga 10minutes nung Periodic Table, kung hindi baka boya kaming lahat. After nun supposed to be may mga 2 hrs break kami.Galing ako ng mcdo ginawa ko yun Funda ko, tapos pumunta na ako ng school mag 12:30 na kasi tapos wala pa naman yung teacher namin syempre kinabahan kami kaya naman, nagtanong kami kung ano ba talaga sched namin kasi super gulo talaga. Tapos yun punta dito, punta diyan, punta kay Dean tapos ayun sad to say TThS eh 4-7pm edi wow! Tapos yun umuwi muna ako para gawin funda ko ilalagay ko sa ano ling bond paper kasi gagawa kami ng parang film na scroll na tv ewan basta yun. Tapos yunmag 4 na kaya umalis na ako, dumating ako sa school, andun grabeh yung may gusto sa kin pero friend lang turing ko siyempre nakakailang din. Tapos yun ang ganda ng room namin, akala namin yun na yun tapos grabe nahiwalay ako sa friends ko room a silaa room b ako, edi wow. Hahaha. Ayun after nun nandun na kami sa room b tapos yung mejo discussion ng shiz. (POST KO LATERS YUNG MGA KAILANGAN NAMIN, SUPER DAMI :() Tapos after nun, uwian na, kasabay ko sila Nicole, pero ako tatawid pa para mag jeep tapos yun nakita ko yung Crush ko haha tas yung nagkakacrush sa akin edi wow. Hahaha magkasabay pa sila. Tapos yun malapit na ako sa jeep tapos yung may crush sakin sabi āMitz! May kasabay ka?ā Tinignan ko lang tas di umimik tas pumasok na ko, akala ko magjejeep din si crush pero hindi Haha. Tae tinabihan pa niya ako :( hayss. Sana si crush na lang haha. Yung crush kung yun eh di naman sa like na like parang napopogian lang ako. Hahaha. Ayun umuwi na ako tapos sinabi ko kela mama yung mga kailangan, tapos grabeh nakakainis kasi naman di ko naman talaga alam na bawal magkulay mg hair pag nursing eh, yun lang sinabi ko tapos sumasagot na daw ako. Tapos haysss nakakainis sasabihin nilang di ko sila na-aappreciate, hays sermon all the way nakakainis kasi ineexpect nila akong maging perf daughter. Tapos sila nga di naman perf parents tanggap ko na yun pero sila alam mo yun pag sinabi nila kunware dati tas sasabihin mo na sinabi nila eh parang di pa nila i-admit na mali sila edi wow. Nag-sorry na nga eh oo na lang ako para tama na tapos ish. Sinusunod mo sila tapos ikaw pa masama edi wow. diĀ po kasi clear yung instruction niyo pa-iba iba. Umiiyak nako nun, kasi naman meron ako tas andali ko masaktan pag sila yung parang nagsasabi. Hindi ko daw sila na-aappreciate, wala daw sila consuelo galing sakin. Edi wow grabe. Hindi pa ba consuelo yung nag-aaral akong mabuti, wala akong bisyo, ginagawa ko naman sinasabi nila. Muntik nako masampal ni papa kasi naman sinasabi ko lang naman eh, pero sagot na daw yun. Pag di naman ako magsalita magagalit din, eh ano ba talaga. Pero grabeh sila mang ungkat ah. Kapag may mali sita agad tapos sasabihin lagi ko daw ginagawa, eh hindi na nga eh, grabeh. Ish. Minsan iniisip kong magpakamatay Hahha. Pero sayang ang buhay. Hahaha. Hays sana makagraduate nako. KasiĀ minsan naisip ko bakit pa kasi sila nag sex tas binuo nila ako kung ganto din lang. Edi wow. How can I act like an adult if you always treat me as a kid. Haybuhay. De bale balang araw... Hahahah. :)))))