Gusto Kita
Gusto kita, hindi bilang biro, kundi sa paraan na tahimik pero totoo. Yung tipong sapat na sa akin ang makita ka, kahit sa malayo, kahit saglit lang, sapat na.
Hindi ko alam kung anong meron sa'yo, pero bawat ngiti mo, parang may bagyong buo. Gusto kitang piliin sa araw araw, kahit hindi sigurado kung pipiliin mo rin ako.
Hindi ako nagmamadali, hindi rin nag aabang, nandito lang, marunong umunawa, marunong magmahal. Kung sakaling tanungin ng tadhana ang puso ko, ikaw ang sagot, paulit ulit, kahit masakit minsan.
Kaya sasabihin ko na, kahit nanginginig ang tinig, gusto kita, at hindi ko iyon ikakaila kahit sandali. Kung may pag asa man na maging tayo balang araw, panghahawakan ko iyon, hanggang sa dumating o tuluyang mawala..
#UnsaidThoughts
#UnspokenWords
















