My trading journey 1 my first investment (GME)
2017 ng nagkaroon ako ng konting awareness sa stock market at sa crypto currency. Medyo malaki ang kinikita ko 'non at kuntento na ko sa buhay ko kaya naman hindi ako masyadong naging interested.
The price of Bitcoin during that time is almost 50,000 pesos lang.
Ngayon na medyo magkakapamilya na ako at narealize ko na gusto ko mag retire ng maaga, ayun doon lang ako nagka interes sa cryptocurrency and stocks.
Pero medyo late narin ata ako kasi nung nag umpisa ako nasa almost 1,000,000 pesos na ang bitcoin. Ngunit sabi nga nila, it's never too late to invest basta nasa tamang direction ka lang. Bago ako pumasok sa cryptocurrency ay pumasok muna ko sa stock trading.
Mga around February of 2021 ako nag umpisa sa stock market, during the Gamestop Corp (GME) short squeeze at isa ako sa mga nahumaling kasi nga ang dami ng yumayaman sa GME noong panahon na 'yon. I chose E-toro as a platform kasi medyo user friendly siya at mas madali. Zero knowledge ako nung pumasok ako sa stock trading at ang pinaka una kong binili na stock ay 'yung GME na sobrang hype na hype noon sa Reddit. Nakabili ako ng GME around $70 at gumamit ako ng leverage para mas mataas yung kitain ko. Ang problema hindi ko alam 'yung risk ng leverage kaya 'ayun, umangat nga siya sa $200 level ngunit biglang nagkaroon ng massive dump o 'yung malakihang pagbebenta ng stock kaya ang resulta, na-liquidate 'yung pera ko. Liquidation means nalusaw 'yung pera ko, which is maiiwasan sana kung hindi ako gumamit ng leverage. Kung hindi ako gumamit ng leverage 'non, edi sana tumubo pa ako, kasi after nung massive dump ay lumipad siya sa $300+ level. May natira pa akong pera 'non so bumili ako around $200 level at 'ayun nga, umabot siya ng $300+ pero ang problema, naging greedy ako, hindi ko binenta. After niya umabot ng around $340 nagkaroon muli ng massive dump at 'yun na nga, nag tuloy tuloy na nga. Isa ako sa mga naipit doon at lusaw ang kalahati ng investment ko! Ano mga natutunan ko? 1. Mag aral muna ng basics ng trading. 2. Wag gagamit ng leverage. 3. Wag papadala sa hype at maging greedy. 4. Sell kung happy. Sa awa naman ng Diyos, mababawi ko na 'yung nawala sakin kasi sumakay ako ulit sa GME noong nag hype ulit ito noong March. Then medyo marunong nadin ako mag take profit at hindi na ko nagiging greedy kaya hindi ako naipit sa GME for the second time. Pero sa totoo lang, mas maganda talaga na mag aral ka muna ng basics ng trading kasi madami ang naiipit sa mga hype stocks.













