Dear God,
Thank You for this wonderful day you have given me. You have showed me true wonders of Your holiness, nakakanta po ako kanina sa simbahan not for myself but to glorify You! Lahat po ng ginagawa ko is for Your honor and glory!
Lord, salamat din po ng isang magandang regalo po kay Papa. Na mabibigyan ko po siya ng mas magandang memory for this year's Father's Day, although may mga bumabagabag pa din po saken I already surrendered everything to You na po, para yun po yung isa sa pinakang magandang natutunan ko this year - so far - ang complete surrender ko po sa Inyo. Salamat din po sa weekend na to, you have allowed me to share this weekend with our complete family.
Maraming salamat po talaga Lord sa blessings na natanggap ko po galing sa inyo. You have made this Sunday something to remember for!
Lord God, I pray for Ivan. Yung seminarista po ng Siniloan, yung nag-iisang seminarista po ng Siniloan, sana po pagtibayin niya po ang pananampalataya niya sa Inyo. Lord, pinagdadasal ko po na sana sa kanyang mga pag-aaral yung mga lesson po is namnamin niya at mapag-aralan ng tama para po hindi niya mamali ang mga taong naghahanap din po sa Inyo.
God, si Louis Angelo Mangunay din po God, sana wag Ninyo po siyang papabayaan. Lord pagigtingin Ninyo pa po ang pagmamahal ni LA sa Inyo! Salamat din po sa pagpapahiram sa kanya kahit saglit na oras lang po, [Lord wag niyo naman pong patayin ang akin lang po may natutunan po ako kay Brûlée na patungkol po sa Inyo. Wag niyo po munang kunin Lord God please! Madami pa po yang tuturuan na katulad ko, madami pa yang mai-inspire na kilalanin Kayo.] kahit ilang buwan ko lang po siyang nakasama madami po akong natutunan sa kanya at nainspire po ako Lord na mas kilalanin po Kayong mas mabuti pa! Lord ipapanalo Niyo na po ha? Gawin Niyo na pong ganap na pari yan, sana mabawasan din po yung pagiging mainitin ang ulo ni LA, aminado siya dun Lord, at yung mga worries po niya sana po mabawasan. Let him trust You fully Lord God.
Lord I also pray for my country the Republic of the Philippines. Let those who are in power remember who put them in that position, let them remember that they are not in the position to serve themselves, their personally interest. Please God, let them remember that they are in power to serve the Filipino People. Kami po na naghalal sa kanila ang boss nila, kami po ang pagsilbihan nila at hindi po yung mga taong bumastos po sa Inyo at sa pinakamamahal Niyong Anak na si Hesukristo!
Lord, I also pray for those who are sick, neglected, those who felt abandoned by society. Lord God, I pray for peace. May we all remember that You are not a God of war and hatred, but You are a God of peace and love. Lord, heal those who needed healing may it be spiritual, physical, emotional or intellectual; may they feel Your presence in their life, Your love in their life! Hindi po sila totoong nagiisa, dahil nandyan po Kayo, kilala Ninyo po kaming lahat God, kung ano po ang nasa puso po namin.
Lord, I surrender everything to You na po. Align myself with Your will, Your plan. Kung papasok po ako sa kumbento, kung para po talaga ako dun sa buhay na iyon, I pray for that sign. Alam Niyo na po yun, just give me that sign Lord God and a month after po magsearch-in na po ako at ipapatuloy ko po ang plano Ninyo po para sa akin. Sorry din po kung may pagkukulang pa po ako sa Inyo, sisikapin ko pa pong sundin ang mga pinaguutos Ninyo po sa akin. Maraming salamat po God!
All these I pray in the name of your most beloved Son's name, Jesus Christ!
Thank You Lord God! Thank You Jesus! Thank You Holy Spirit! Thank You Mama Mary! Thank You St Joseph! Thank You My Guardian Angel! Amen.














