Ang Love story ko.
Sinong nagsabing matagal ang dalawa o isang taon? Eh bukas paggising ko, isang buwan na pala ang nakalipas. Sana nga gano'n ang panahon. Kung gaano kaabnormal ang pag-iisip ko, sana gano'n din nangyayari sa paligid ko.
May kwento ako. Buong buhay ko (actually almost one half lang). Ganito nalang. 2nd year ako nong nakilala ko siya. Mga bandang October 2008. Biruin mo, nakalipas na ang ilang buwan na pasukan bago ko siya napansin. Transferee siya sa school namin. At hindi siya gano'n na kapansin pansin. Wala akong pakelam sa mga tao sa paligid ko maliban sa mga malalapit na kaibigan or classmates ko lang. Halos walang klase buong araw ‘yung school namin noong panahon na 'yon. Ewan ko kung anong meron noong araw na 'yon at hindi nagpakita ang mga subject teachers sa'min. Ang mga estudyante kanya kanyang tambay sa iba’t ibang room. Habang ako nasa classroom lang naggigitara. Andoon siya at nakatingin. Yung para bang, hindi mo siya mahuhuling nakatingin sa'yo kung hindi mo siya tinitignan din. Napasulyap lang ako, kasi kahit naman kayo 'pag may nakatingin sa'yo mararamdaman mo din naman 'yon eh. Well, balik sa kwento. Bago pa man 'yon yung classmate niya (actually ibang section pero ka-year niya) Ewan ko lang ah, pero nagbalak daw 'yon manligaw. Noong kinausap ako nong “classmate” niya, ang torpe dude. Hahaha. Nagbabanggit siya ng ibang pangalan na kung pwede daw manligaw sa'kin imbis na sarili niya, obvious naman eh. Pero hindi ko siya gusto. Sakto naman dumaan sa'min yung si Ej ('yan name niya) Kaya inasar din siya sa'kin. Suplada ako. Hindi ko sila pinapansin. Close ko yung mga classmate niya kaya madalas ako nasa room nila. Hanggang yung mga classmate niya nagyaya ng inuman sa'min (kahit hindi talaga ako umiinom). Hindi siya kasama syempre. Pero yung mga classmate niya, bangag. Ang dami nilang ininom hanggang sa wala na 'kong kausap na matino, tinulugan ako ng mga gaga. Haha. Nanghiram ako ng cp sa isa sa kanila tapos siyempre walang magawa, nagbasa ako ng kung ano ano sa inbox. Textmoso, haha. Hanggang sa may nag gm na isa, kaya nireplyan ko. Sobrang cool niya katext, ang weird niya. Yun pala, siya si Ej. Nagkapalitan kami ng number hanggang sa sinoli ko na sa may ari yung cp. Nagkatext din kami sa tunay kong number at madalas hindi rin ako nagrereply. 'Pagdating sa school, lagi niyang sinasabi “ba’t 'di ka nagrereply?”, linya niya yan lagi 'pag nagkakasalubong kami, magkatabi lang kasi ang classroom namin. Lumipas pa ang mga araw, parang wala lang. Ganon ako pagdating sa mga lalaki. Never pa 'kong nagBF at hindi ko naiisip 'yon nong mga panahon na 'yon. Puro ako aral at tahimik na tao. Period. Dumating ang araw ng Camping ng buong highschool. Yehey! Sa tingin ko masaya 'yon, kaya sumama ako, compulsory naman din eh. :P Night before the camping, nagtext siya, kung ano daw gusto ko sa lalaki, 'yan una niyang line, siyempre ano pang kasunod niyan? Hahaha. Sinagot ko yan, nagreply ako ng gusto ko kahit hindi cute basta matangkad at mabait. Haha. Ewan ko basta may masabi lang. Pero wala sa katangian niya 'yung matangkad (medyo). Wala naman siyang reaksyon pero sunod na text no'n. Alam na. :D Kung pwede nga daw hmmm. Pero siyempre pakipot, hindi ko sinagot yan. Dumating ang araw ng camping, nagkasalubong kami, ewan ko kung aksidente pero hinihintay niya daw ako, tapos nagtanong siya ulit. Nagsabi ako ng “ewan ko”. Madalas naman ganyan sagot ng mga babae eh. Pagdating namin sa Camping site. Lagi siyang tumatabi sa'kin. Hanggang sa mapansin ng iba namin schoolmates pati teachers. Inaasar kami lagi. Dumaan pa ilang araw, andyan na ang paghihintay sa'yo tuwing uwian at paghahatid sa bahay, pag uusap sa likod ng classroom 'pag recess o walang klase. Text text. Ilang linggo na pala, nahulog na 'din ako. November 06, 2008 - Thursday, mga bandang lunch, 12pm something, sa likod ng classroom naging kami official. Naging kami ng una kong pag-ibig. Masaya ako no'n, gano'n pala pakiramdam ng may boyfriend, siyempre ng first kiss din. :) Nasa kanya ang katangian na hindi ko aakalain mamahalin ko ng ilang taon. Hanggang sa naggraduate siya, hindi ako umattend kasi break kami no'n. Nahihiya ako. Actually saglit lang naging kami, halos isang buwan tapos break, nakipagbalikan ako, college na siya no'n, bumibisita pa rin kasi siya sa school namin kahit walang dahilan. 'Pag nakikita ko siya, bumabalik lang lagi feelings ko. Hindi ko maintindihan. July 20, 2009 naging kami ulit. Nagsisi pa nga 'ko no'n kasi parang napilitan lang siya. Lumipas na naman ang isang buwan, mismong kinabukasan ng monthsary pa, August 19, 2009. Nakipagbreak siya through text. August 20-21 exam namin. Ang sarap magsagot ng test paper habang brokenhearted ka. 'Yong tipong isipin mo muna ang exam, mamaya ka na mag emo. Salamat sa Diyos, nasagot ko naman. Half day kami, hindi ko ineexpect pupunta siya. Magpapaalam lang pala siya ng harapan, pinipilit kong hindi umiyak, hanggang sa umalis siya, wala akong ni isang salitang nasabi. Pag alis niya, bumuhos luha ko, ang pangalawa kong pagkasawi. Suko na 'ko, mas pinili ko nalang makihalubilo sa mga kaibigan ko. Andyan ang salitang ayoko na. Tama na ang isa. I’ve been hurt twice at the same person. Naging friends pa naman kami eh, lumipas ang isang taon, nagparamdam na naman siya, 'yan na naman ako, kinaen ko mga nasabi ko, kahit anong gawin ko, kahit sa maikling panahon na 'yon. Siya pa rin. :( Nagbago na ang mga number namin, pero nagkakatext parin kami, nakipagbalikan siya, hanggang sa nagkita na naman kami. Naging kami ulit, at nangakong hindi na niya 'ko iiwan. Anim na buwan na kami, ang pinakamatagal namin na walang break up. Actually tinuloy namin 'yong dati, bale 2years and 7months na kami. Kung mababasa niya 'to, malamang magugulat siya, hindi ako mahilig magshare kasi, wala lang talaga akong makwento :D
Ngayon, nasa London siya at ako nasa Pinas. Pagkatapos ng mga maraming pangyayari, siya pa rin ang una kong pag-ibig. Naghihintay lang ako, kung kailan man siya babalik, long distance kami. Kaya namin 'yan, ako pa, matagal siyang nawala sa'kin, kaya sanay na 'ko, medyo. Hahaha. Parang ang bilis nga lang dumaan ng dalawang taon na 'yon eh. Ngayon mas minahal namin ang isa’t isa. Kaya sinong nagsabing matagal ang dalawa o isang taon? Eh bukas paggising ko, isang buwan na pala ang nakalipas. Sana nga gano'n ang panahon. Kung gaano kaabnormal ang pag-iisip ko, sana gano'n din nangyayari sa paligid ko.














