Kanina nag simba ako so mag-isa lang ako eh maaga ako dumating sa Church kaya nakakuha ako ng upuan tapos magisa lang ako dun sa upuan. Habang tumatagal siyempre dumadami yung tao napupuno onti onti yung mga upuan. Merong tumabi sakin tapos nakakita siya ng pwesto sa harap so umalis siya. Three times nangyari yun sa iba't ibang tao haha. Napaisip tuloy ako "bat ayaw nilang tumabi sakin hahaha" hanggang sa nagstart na yung mass wala pa rin akong katabi tapos habang nasa gitna ng mass may tumabi sakin sabi ko sa sarili ko "akala ko wala nang tatabi sakin eh" nung nag h-homily si Father dun ko na realize na. Na realize na maraming taong dadating sa buhay natin pero hindi rin sila tatagal sa piling natin kasi may ibang mas bagay sa kanila o kaya sa ibang bagay sila komportable at hanggat may buhay hindi pa tapos ang lahat, lahat ng bagay nakapaghihintay. Grabe noh? Nagsimba lang ako dami ko nang narealize HAHAHAHA