----------------------------------------------------------------
Ilang machines pa ba? 25? Hay. Nakakapagod.
"Excuse me. Pwede pong makahiram ng external hard drive?"
Lumingon sa direksyon ko yung nakablue jacket na parang nagtaka.
"Ahm, external hard drive po, pwede pong makahiram?" ulit ko.
"Oo. Yang puti," sabay kong ngiti.
"Eh, external DVD drive to."
"Hehe. Sorry. External DVD drive pala." Napahiya ako dun ah. Tsk.
----------------------------------------------------------------
It's been a year, at kelangan na naming lumipat ng building. Idedevelop na kasi para sa ibang project yung compound na kinatatayuan ng office ng unang kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Okay na din yun. Mukha na din kasing squatter's area yung lugar namin. Tambakan na din kasi yung paligid.
Nang magawa yung building, lumipat kami agad kahit di pa fully furnished
yung floors at wala pang matinong water connection. Dahil dun, halos
araw-araw mag Super Saiyan mode si Boss. Rant dito, rant dun. Akala mo
naman may magagawa yung galit nya para matapos yung building. Hay naku.
Hmm. Maaliwalas naman, panay alikabok nga lang. Araw-araw ako sa pagtumbling kakabahing. Tapos, same floor pa ng department namin ang office nya. Walang lusot talaga. Kinaganda lang, sarili namin building. Yung babies ko, which are, mga servers ng minomonitor kong project ay nasa 2nd floor. Kaya pag may technical issues, halos, magpadausdos ako mula 4th floor para makarating agad.
Kaka-akyat-panaog ko ng 4th at 2nd floor, halos tambay na ako sa network operations, kaya unti-unti ko na ding nakilala ang mga tao dun. Isa sa mga naging kaclose ko ay si Dicah. Dun pa lang sa dating building, magkakilala na kami, sya kasi ang nakaassign sa alarms ng servers kaya tinuruan ko sya ng actions na dapat gawin para mapatahimik ang pag-iyak ng babies ko pag naka-off duty ako.
Pang chicks yung pangalan no? Asa ka, full-pledged lesbian kaya yun. One time, nangako akong itreat sya for some reason na di ko na makalkal sa memory bank ko. December 3, 2012, dinaanan ko sya sa 2nd floor. Nakaduty pa daw sya.
"Pwede natin isama si Ken?" tanong niya habang inaantay ko na makapagbreak sya. Itinuro nya ang isa nyang kasama sa operations.
"Okay lang," nakangiti kong sagot.
"Ayos pala eh. Teka lang. Tapusin ko lang to tapos alis na tayo. Kailangan ko ding bumalik agad."
Pumunta kami sa pinakamalapit na McDo at dun nagpalipas ng oras. Nagsimula na ding sumali sa usapan si Ken.
"Hanapan mo naman ng partner itong si Ken," pabirong sabi ni Dicah.
"Girl? Eh wala naman ako masyadong kilala na, alam nyo na, pumapatol."
"Uy, matino naman kami ah. Kahit ganito kami," depensa nya.
"Oo nga Angie. Baka may kakilala ka. Baka pwedeng makipagkaibigan, textmate," nakangiting sabat ni Ken.
"Titignan ko," alangan kong sagot.
"Madami ka namang girl friends eh. Haha," pang-aasar ni Dicah.
"Hala ka, di ako lesbian no."
"Sige. Tulungan mo si Ken ha."
Bigla kong naalala ang isa kong kaibigan na nagconfess sa akin noon na nakipagrelasyon daw sya sa isang babae. Ibinigay ko ang number nya kay Ken. Tinext ko yung babae kung interested sya. Walang sagot.
Kinailangan na din ni Dicah na bumalik sa office. Naglakad kami ni Ken papuntang sakayan ng jeep. Bago ako makasakay, hiningi nya ang number ko. Ibinigay ko naman para mabalitaan ko sya kung papayag yung kaibigan ko.