Akong palaging nag mamasid
Hindi mo madalas maririnig
Pero tahimik na nakikinig
Mistulang walang kibo
Ngunit ang isip ay aktibo
Habang ang bawat isa’y nagkakagulo
Ako ay nananahan sa sarili kong mundo
Akala ng iba ako ay malungkot ng husto
Ngunit hindi yun ang totoo
Dahil sa sarili kong mundo
Ako ay payapa at kunteto.
-Cire














