Reality killed the kid inside me

JVL

Love Begins
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
noise dept.
Today's Document
almost home
todays bird
🪼
Keni
TVSTRANGERTHINGS

roma★
Mike Driver
he wasn't even looking at me and he found me

@theartofmadeline

⁂

❣ Chile in a Photography ❣
Not today Justin

if i look back, i am lost
trying on a metaphor

Kaledo Art
seen from Italy
seen from India
seen from Italy
seen from United States

seen from Germany

seen from Canada
seen from United States
seen from Australia
seen from Brazil
seen from United States

seen from Czechia
seen from United States

seen from United States
seen from Czechia

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Germany
seen from United States

seen from Malaysia

seen from China
@adventuresofabicolana
Reality killed the kid inside me
it's been a while. You forgot about your dream
I want to make these images real.
I can see myself in a beach, listening to the waves, breathing in the salty air
I can see myself inside a car, travelling in a different route where my windows are down, where I can see the beautiful sunset where the birds danced up in the air
I can see myself in the woods, hearing the chirping of the birds and the beatles, I can smell the sweet air that brushes through the leaves
I can see myself in a different country, eating something I don't know but it tastes so good
I can see myself in a cliff, my legs are so weak yet I'm so ready to jump into the blue water.
I can see myself in front of a large crowd jamming to a song that makes my heart beats so fast and my feet can't keep up
I can see myself happy and living.
I want to travel, love and explore the world
Little Farm Village at FarmPlate
Serene. Time to free myself of this chaotic life.
Sunset in Legazpi around 5:50 in the afternoon
Camp Wagi!
The perfect way to find yourself is to travel to places you’ve never been before.
“Camp Sawi” ito yung movie about sa isang isla na pinupuntahan ng mga taong gusto makamove on. Sa Bantayan Island ang kinunan yung movie. Ano ba yung iniimagine ko nung sinabihan ako ng nanay ko na pupunta kami sa lugar na ito?
1. Isang maliit lang na isla
2. Perfect! Tamang tama at nasa process ako ng pagmomove on
3. Siguro madaming foreigner dito
4. Sasakay din kaya kami sa isang private plane?
5. Makikita ko kaya doon yung mga katulad kong sawi?
Ito yung problema kapag nahooked ka masyado sa movie tapos pupuntahan niyo yung lugar mismo,iimaginin mo din na nasa movie ka din at gagawin mo din yung mga ginawa nila Bela Padilla sa movie ( yung cliff diving ba).
P.S first time ko nga din palang sumakay ng eroplano kaya ibang level ng excitement at kaba ang nafeel ko.
3:15 pm yung flight naming mula Legazpi to Cebu kaya 2:30 palang nasa Airport na kami.
3 pm nagtake off na yung eroplano, hindi ko mapigilan na ngumuya ng ngumuya ng gum habang nasa flight (kasi naman nga kinakabahan ako) anyway nung nasa himpapawid (big word!) na kami ayun nawala naman yung takot ko para akong batang nag eenjoy sa mga nakikita ko.
45 mins yung byahe then pagdaating namin ng Mactan airport nagtaxi papunta ng Red Planet, grabe halos abutin kami ng 1 hour sa byahe mula airport to cebu city dahil sa traffic.
Fast forward tayo kinabukasan.
1:45 am umalis na kami ng hotel para pumunta sa North Cebu Terminal para sumakay ng bus papuntang Hagnayan Port. Sayang hindi na namin naabutan yung mas maagang byahe kaya naghintay kami ng isang oras sa terminal.
3 am nakaalis yung bus a Cebu City, 3 hours ang byahe papunta ng Hagnayan port kaya sa buong byahe tulog lang kami. May speed limit palang sinusunod ang mga bus doon kaya pala parang ang tagal ng byahe.
6:35 am na kami nakarating sa Hagnayan Port. 1 hour ulit na byahe sa ferry papuntang Santa Fe, Bantayan Island! Habang nasa byahe nag enjoy talaga kami kasi ang kalmado ng dagat, ang taas din ng sikat ng araw at napaka fresh ng hangin.
Welcome to BANTAYAN ISLAND!
Malayo palang ay tanaw mo na ang napakaputi at napakahabang shoreline ng isla. Pagbaba niyo naman ng port may mga tricycle na naghihintay sainyo para ihatid kayo sa tutuluyan niyo.Kakaiba ang tricycle nila kasi mas madami ang kayang isakay.
Imagination Vs Reality
1.Hindi siya isang maliit na isla lamang,
Yung akala kong isang maliit na isla sa movie ay malaki pala, ang daming pwedeng mapuntahan! Sa halagang 500 pesos pwede ka na mag land tour at below 2,000 pesos pwede ka na makapag Island hopping!
Listahan ng pwedeng mapuntahan
Land Tour
Mangrove sighting
-Ang dami ng mangroves dito tapos meron din ditong restaurant. Inaabot pala ng ilang taon ang pagpapatubo ng mangroves kaya pinipreserve talaga ng mga taga dito. Dito yung part sa movie na naggigitara sina Arci at Sam sa isang kubo.
Paradise Beach
- Kung ang hinahanap mo eh yung hindi pa well developed at feel na feel yung rawness ng lugar ito na yun! Super ganda dito, walang cottages kaya sa ilalim ka ng mga puno makikisilong, madaming halaman at napakarelaxing ng lugar.
Diving Cliff
- Yung scene na tumalon sina Bela at Sam sa cliff, dito yun! Tsempuhin niyo lang na high tide para makapag cliff diving kayo kasi nung pumunta kami dito ay tirik yung araw at mababaw yung tubig kaya sayang hindi namin nagawa yung habol namin.
Ogtong Cave
- Sayang kinapos kami sa oras kasi 2 pm na kami nakapunta dito sayang naman kasi hanggang 4 pm lang dito. Meron daw dito pool sa loob ng cave tapos pwede din magswimming sa dagat after. 200 pesos ang entrance fee dito
Kota Beach
- Ito yung “camp sawi” mismo. Madaming nagswiswiming dito at napakaputi ng buhangin. Kahit tirik ang araw ay gaganahan ka maligo sapagkat malamig yung tubig tapos ang linaw pa!
Kota Park
- Best time pumunta dito kapag palubog na ang araw. The best ang sunset dito sayang nga at tulog ako nung mga oras na yun kaya hindi ko nasilayan.
Ps. Pwede ka magrent ng bike for only 150 pesos, 24 hours mo na pwedeng hiramin! Tamang tama kung gusto mong mag ikot ikot sa mga barangay
Boating Trip
Hilantagang Island
Virgin Island
- Ito lang yung napuntahan namin pero promise ito naman yung the best island! Expectation ko dito ay dahil “virgin island” yung tawag ay untouched pa siya, hindi eh. May mga cottages na dito tapos mga rooms na pagtutuluyan. Ang isang cottage worth 500 pesos for first 2 persons then additional 100 pesos sa kada taong idadagdag. Sulit na promise. What I liked about this island is yung habang nagswiswiming ka may mga kasabay kang isda tapos napakalinis ng tubig at napakalinaw! Kung hindi pa lunch time eh hindi pa sana kami aahon sa tubig haha. May cliff jumping spot din sila dito yung pinakamataas is 25 ft high yung tatalunin. Maglalakad ka muna ng mag iisang kilometro para marating mo yung place.Ito na yung chance ko na maachive yung nasa bucket list ko na mag cliff jumping. Grabe nung una sabi ko “ kaya ko yan ang baba lang” pero nung nasa taas na ako jusko nanghina mga tuhod ko. Siguro mga 5 mins akong nag iisip sa taas kung tatalon ba ako or hindi. Isang Lesson sa pagtalon ko doon “ Kahit sa tingin mo di mo na kaya at may mga taong nagsasabing hindi mo na kaya, may isang tao lang na hindi susukong maniwala sayo ay kakayanin mo talaga yung akala mong imposible” so ayun nga tumalon ako! Grabe kapag nasa ere ka parang ang tagal mong bumagsak sa tubig pero kapag nakita mo na yung video eh isang sigundo lang pala yun.
Kinatarcan Islan
Malapascua
Funtastic Island
Habang nasa boat kami may mga flying fish at mga ibon saming sumasabay.
Unfortunately hindi namin lahat napuntahan dahil kapos sa oras 3 days and 2 nights lang kami doon. So It is best na kapag pumunta kayo dito 5 days ang ilaan niyo para lahat mapuntahan at maenjoy.
2. Makakapagmove on ka nga talaga sa lugar na ito.
Yung puso mong sawi ay muling iibig dahil sa ganda ng lugar na ito, yung uuwi kang maghahangad na muli pang balikan ang islang ito. Madaming time makapag isip dito dahil napakakalmado ng lugar. Isipin niyo may curfew sila yung tipong 10 pm dapat tulog na mga tao. Tapos kapag andito ka sa islang ito madami kang matutuklasan sa sarili mo. Yung sakin ay yung kaya ko pala na tumalon kahit nung una akala ko imposible tapos yung kaya mong makipag usap kahit kanino dahil napakafriendly ng mga tao dito.
A post shared by Danica Epino (@nicaepino) on Jun 24, 2018 at 5:23pm PDT
3.Madami nga talagang Foreigner dito.
Akala ko fresh seafood lang makakain ko dito hindi pala. Grabe napakalaking bonus ng mga kainan dito! Yung mga gusto mong tikman sa ibang bansa meron dito at napakamura pa! from Italian,Greek,Mexican to Korean na pagkain meron dito! (feel niyo ba excitement ko?) yung authenticity ng pagkain matitigman niyo kasi mismong mga foreigner ang nagluluta. Ito yung islang andito pa din yung pagiging probinsya niya pero may touch of different cultures dahil sa mga pagkain. May isang kinainan nga kami dito na puro mga Greek food ang siniserve ay grabe ang sarap!
4. Hindi naman private plane sinakyan namin huhuhu.
Syempre di naman kami mayaman pala sumakay ng plane katulad nung sa movie pero meron naman talagang maliit na airport dito sa Sta. Fe, tulad nga ng nabanggit ko kanina ang mga sinakyan namin mula sa himpapawid hanggang sa karagatan hahaha. Legazpi to Cebu: Plane, Cebu city to Hagnayan:Bus at Hagnayan to Bantayan: Ferry. It will probably take you 5 hours kung tuloy tuloy na byahe pero I recommend na magpahinga muna sa cebu city bago magbyahe para iwas sakit ng ulo.
5. Wala akong nakitang SAWI
Puro masasaya nakikita ko doon, ang babait ng mga tao at napakahospitable pa! nakakahawa nga naman talaga yung positivity ng mga tao. Makakalimutan mo yung problema mo at makakapagfocus ka lang sa ganda ng mga tanawin, sa sarap ng pagkain at sa kultura ng mga tao doon.
15,000- 20,000 pesos mo ay sulit na sulit na kahit 3 persons pa isama mo. Mas masaya nga kapag mas madami kayong pupunta dito.
BABALIKAN KITA, BANTAYAN ISLAND!
The National Museum of Natural History It's my first time here and I can say that I'm already inlove with this museum. It's so cleam, cool and beautifully designed. I really do hope that Filipinos should visit this place. Btw there's no entrance fee😀 It will take you 2 or 2 & 1/2 hrs to roam around the musem. You can't carry your bags inside and also you can't bring foods inside to maintain the cleanliness inside the museum. Follow rules and guidelines and most of all don't forget to take pictures and enrich your knowledge❤️
Beach Vibes at Lola Sayong Surfing Camp
Gusto mo bang magrelax muna? kalimutan ang stressful na trabaho? or magkaroon ng “Alone time” this is it beshy! ito ang pinakaswak na lugar para sayo. Walang ingay (waves lang maririnig mo),napakahospitable ng mga tao at syempre walang stress!
Paano nga ba makarating sa Lola Sayong?
Una sumakay ka ng Van sa terminal sa Daraga, 110 pesos ang pamasahe papuntang Sorsogon City. 1 and 1/2 hour and byahe. pakarating ng Sorsogon City bumaba sa may Chowking at lakarin papuntang Terminal ng mga jeep, sa may tapat ng Mcdo katabi ng Graceland. Sumakay ng jeep (Gubat) 23 pesos ang pamasahe aabuting ng 45 minutes ang byahe. Pagdating ng Gubat, Sorsogon last na sasakyan ay Tricycle papuntang Lola Sayong, 10 pesos per person ang bayad mga 5 mins lang ang aabutin ng byahe and TADA! nasa Lola Sayong ka na!
20 pesos and Entrance Fee, dahil Eco Friendly ang lugar na to bawal ang makalat, bawal din ang mag inuman dito, chill vibes lang mga beshie! pwedeng pwede magsurfing dito. Mayroon lamang na Location kung saan pwede magtayo ng mga tent, if wala ka namang tent madaming pwedeng tulugan na mga cabana at cute na mga tree houses.
Friendly Reminder: Makinig sa mga payo ng mga surfers dito para hindi mapahamak sa mga current. May mga part kasi sa dagat na delikado sa mga beginners.
Finally wag kakalimuting MAGENJOY at MAGRELAX!
It’s sunflower season again in Kawa-Kawa hill in Ligao City.
Paano nga ba makarating doon kapag magcocommute lang?
Sumakay ng Jeep (Polangui) sa may Selfie Spot Cafe sa Daraga. 25 pesos pamasahe kapag student tapos 30 pesos naman kapag hindi. Aabutin ng 1 hour or 1 hour and 30 minutes ang byahe mula Daraga to Ligao. Kapag nasa Ligao na bumaba sa may sa Martas Mart at sumakay ng tricycle papunta sa may paanan ng hill. Konting pagtitiis paakyat ng hill probably mga 15 minutes paakyat depende sa lakas ng endurance niyo char! Bawing bawi naman lahat ng pagod pakarating sa taas :)
Mga Dapat Dalhin: Patience, Tubig at Panyo (tiyak pagpapawisan ka) pwede din magdala ng pagkain basta wag iiwan ang basura. Selfie stick at ang buong Barkada!
I fall in love so easily. Maybe that’s why I built the walls massive and secure and the trenches so deep, maybe that is why I was hesitant to let you in. Because; The first time I met the ocean, he waved to me, then pulled me in- ankles first and heart second. The first time I met the moon- I mean the first time I really saw it glistening in the sky and kissing the stars- I fell for him too. The first time I met the mountain-tops with their vast glorious peaks, they captivated me like nothing else, and I felt myself entertaining a new passion for their immense beauty. I thought all that was enough- I didn’t think I needed more But then, I met you. and the first time I met you your deep ocean eyes wrapped me up like a high tide, your glistening smile created this instant demand for your lips, and when you did kiss me- they brought me to heights mountains couldn’t touch. The first time I met you; I saw myself falling again for the last time.
SNM (via thelovelylittlepoet)
via @extramadness
I wanna bury my face in someone’s chest right now til I fall asleep and wake up 4 hours later just to find I’m still in their arms
Mga Payong Love life ng Taong NBSB pero sure na makakatulong sayo
1. Never beg someone to stay. If they want to leave then let them
2. Never give your time to someone who can’t even give the same amount of time to you
3. Never ever fall in love with someone who is already committed
4. Landian happens all the time, wag maattach agad agad
5. Don’t put your standards too high, baka wala ng mapunta sayo
6. Wag na wag kang maiinlove sa taong hindi mo naman makukuha
7. Guard your heart. Okay lang naman na magsinungaling ka sa nafifeel mo kapag alam mong wala naman talagang patutunguhan.
8. Love is a risk taking game pero wag magpakatanga na lahat nalang niririsk mo
9. Wag puro experiment ng feelings, mgacommit kapag sure na sa nafifeel
10. Hindi dahil siya lang ang gusto mo ngayon eh wala ka na magugustuhan sa sunod
11. Wag landiin ang kaibigan. Kapag kaibigan,kaibigan lang
12. Matutong maging masaya sa lovelife ng iba,wag maging bitter.
13. Madaming magpaparamdam sayo na special ka pero hindi lahat kaya kang panindigan kaya ingat ingat nalang.
14. Kapag lumandi,siguraduhing hindi magaassume kinabukasan. Okay?
15. Ang taong may gusto sayo laging handang maglaan ng oras sayo.
tik-tok tik-tok my heart suddenly went cracked