It's been 19 years, Mama.
It's been exactly 19 years mula noong huli ka naming nakita ni Kevin. 10 years old pa lang ako non tapos siya 7. Year 2001 or 2002 pa ang huli naming kita sa'yo bago itong January 2, 2007 na 'to.
Nangako ka na kukunin mo kami from time to time kay Papa na parang bakasyon ganon, o parang normal na mga magulang na kahit hiwalay e may suporta pa rin. Sa murang isip ko, marami akong mga na-imagine noon, na sa 11th birthday ko baka mag-swimming tayo. Makikinig tayo ng Alanis Morrissette songs kasi paborito mo 'yon, pati na The Carpenters--bata pa lang ako kumakanta na ako sa mga karaoke dahil sa'yo. Na-imagine ko noon, baka mahal mo pa kami ni Kevin at may dahilan bakit noong 2003 hanggang 2006 e wala kang naging paramdam sa amin. Hindi ko alam kung tinago lang ni Papa, pero bakit naman?
Hindi rin naman pala totoo. Lumipas ang 11th birthday ko, kahit yung 8th birthday ni Kevin noong February, pero naglaho ka rin na parang bula. Walang paramdam. Lumipas ang mga taon, ang isang dekada, nagkaroon na ng sariling pamilya si Kevin at ako, ito, namumuhay araw-araw na naaalala ko pa rin ang araw na 'to. Hindi naman na masama ang loob ko kasi kukunot lang lalo noo ko kapag inisip ko pa.
Ngunit isa lang ang talagang masasabi kong naging epekto ng pag-alis mo: nawalan ako ng tiwala sa mga tao. Natuto akong mag-expect na lahat e iiwan ako. Natatakot akong makaabala, natatakot akong sabihin kung ano ang gusto ko talaga, natatakot akong mangarap nang mataas dahil gaya mo, baka umalis lang din sila.
Mabuti na lang marami akong mga nakilala na unti-unting bumali o bumabali sa paniniwala ko na 'to. 19 years na, Mama, pero hindi ko pa rin nalilimutan ang mga pangako mo. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Noong nauso ang Facebook noong 2009, nalaman na lang namin naka-block pala kami sa'yo. Anak mo, iba-block mo? Bakit? Hindi ka naman namin huhuthutan ng pera.
Sabi sa mga pelikula, "Walang nanay ang nakakalimot sa anak." Sus, totoo ba 'yon? Paano naman kaming mga anak na iniwanan?
Hindi bale, binuhay naman kami ni Papa kahit na sobrang hirap ng buhay. Ang ganda sana ng istorya niyo kasi masasabing "organic encounter" dahil sa ospital kayo nagkakilala bilang mga kaanak ng pasyente, pero saan kayo dinala ng pagmamadali? Anong napala niyo sa pag-aasawa nang maaga? Sa murang edad na 20 at 22, bumuo kaagad kayo ng pamilya. Natupad niyo ba kanya-kanyang pangarap niyo? Si Papa, hindi, kasi pinandigan niya ang pagiging ama, pero ikaw? Kumusta mga ambisyon mo?
Ngayong 2026, magte-trenta na ako. Ahhh tangina. Hindi ko nakikita sarili kong bumuo ng pamilya kung sarili ko nga, hindi ko kayang tipirin. Sana naisip mo 'yan noon bago niyo ako naisip buuin.