I just like to share my opinion with regards to Pacman vs LGBT issue:
Eversince, I’m not really into liking him as an idividual naman talaga, just to tell everyone that I will not be biased for this point of view that I will be given.
First, kung papanoorin mo naman talaga yung interview nya, kung makikinig ka talaga at magiisip ng mabuti, you will understand na he is not condemning nor against sa LGBT community. What he was trying to point out eh yung beyond sa hindi dapat gawin na ginagawa ng ibang LGBT (you all know what I already mean). Blasphemy na kc yun. Yung alam naman natin sa sarili natin na bawal gawin yun sa mata ng Diyos, but still, ginagawa pa din ng iba sa atin. Di ba sabi pa nga ni Pacman during his interview, there is nothing wrong na magmahalan yung babae sa babae or lalake sa lalake, go, magmahalan lang, pero, yung gumawa ng bagay na para sa lalake at babae lang na gawain, yun yung gusto nya ipaabot na mali. I myself is a member of LGBT but I don’t have any anger towards Pacman. Para sa akin kc, a single mistake can never erase those good things and pride that he brought to our country. He’s still the People’s Champ for me despite of everything.
Second, why do some people has to hold grudges or anger towards him? Kc below the belt yung pagsasabi nya or pagkukumpara na “Mas masahol pa sa hayop”? Para sa akin, ang interpretation ko sa pagbibitiw nya ng ganoong salita eh mas masahol pa sa hayop kung gagawin nga yung bagay na hindi nga dapat gawin ng same sex. Nagegets nyo ba ko? And besides, TRUTH HURTS right? Hindi naman tayo masasaktan if hindi totoo yung sasabihing bagay towards us. Or its just that, nasaktan or feeling na natapakan yung pagkatao ng iba satin dahil hindi natin matanggap ang katotohanan na paikot ikotin man natin at bali-baligtarin ang daigdig eh iisa pa rin ang katotohanan na ang babae ay nilikha para sa lalake lamang and vice versa. Kahit naman ako sa sarili ko, I choose to be in this way. And I already accepted the fact a long time ago na kahit anong gawin ko, yung mga kagaya ko, natin, eh hindi matatanggap ng society whether we like it or not. Let’s just be thankful kc there are some people who accepted us for who we are and not what we are as a person.
Third, hindi ba’t ang pagpatol sa taong nais ka idown eh parang bumaba ka na din sa level nya? Let’s just understand the fact na me mga pagkakataon sa buhay natin na hindi muna natin naiisip yung mga nabibitawan nating salita. Later on na lang natin marerealize na we’ve made a mistake. Eh di ba nga ang mahalaga naman eh WE LEARNED from that mistake? At ganun si Pacman di ba? Afterwards nagpakumbaba naman yung tao and immediately ask for a public apology. Pero bakit hindi matanggap ng iba? Ang Diyos, kahit na gaano tayo paulit-ulit gumawa ng kasalanan, pinapatawad at pinapatawad nya tayo agad agad. Tao lang tayo, matuto din naman dapat tayong tumanggap ng pagkakamali ng iba, at tanggapin yung paghingi ng paumanhin satin.
Lastly, nasa Diyos lang ang lahat ng karapatan para humusga. So why bothered with someone who’s just trying to give his opinion towards something? Bakit hindi muna makinig bago tayo magsalita ng against sa kanya. Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang pagkakamaling nagawa ng iba ika nga. At the end of the day, it’s your happiness that matters anyway. So why give a fuck with something kung alam mo naman sa sarili mong hindi ka nakakatapak ng iba. It’s your life. Live it the way you wanted. In the end, opinions are just opinions, it will actually give you two choices, to prove them wrong, or prove them that they are right indeed.