An open letter to Sen. Miriam Defensor Santiago,
Pangarap ko talaga ang makita kayo ng personal at makapag selfie man lang sa inyo. Hehe. Hindi ako tulad ng ibang supporters nyo na avid talaga. Na alam lahat ng mga achievements nyo at kung ano ano pa. Ako ay isang simpleng supporter lamang na laging napapa wow sa tuwing makikita ko kayong nag sspeech sa ano mang balita sa telebisyon. Jaw drop ako madalas tuwing makakakita ako ng mga posted videos nyo saan mang social media. College pa lang ako pina follow ko na kayo sa twitter. Dun, medjo nagiging updated ako sa mga ibat ibang reporma nyo as our Senator, and also, dun ko din nakikita at nababasa ang ilang mga achievements nyo simula nong estudyante pa man kayo hanggang ngayon.
I am really in awe just knowing your achievements academically. Talaga namang hindi matatawaran. Kayo lang din ata ang kilala kong politician na wala man lang bahid ng corruption, kasinungalingan, at pang aabuso sa posisyon na meron kayo. And I believe, you are also considered as one of the biggest pride of our country pagdating sa inyong larangan.
Natutuwa akong isipin na we, Filipinos, had been given another chance to choose ng isang pinuno na totoong me malasakit sa bansa at improvement lamang nito ang ninanais. Sabi ko sa sarili ko tuwing nakikita ko ang kung ano anong naglalabasang survey sa telebisyon, “Hindi yan makakapag pabago sa pagnanais kong iboto kayo bilang aking Pangulo sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 9, 2016.” Manalo o matalo man, at least, masasabi kong hindi nasayang ang boto ko. Na masasabi kong minsan sa buhay ko, naghangad din ako ng totoong pagbabago sa pamamagitan ng pagpili ng tama at nararapat na Lider para sa ating bansa, at ikaw yun Madam. Ikaw yun para sa akin.
I hope, God will given you the chance to take charge on reforming this country. I hope, He will give you more strength to surpass all those obstacles that may come your way. And I hope God would really hear our prayers and bless you so much as you continue to fight for all of us, for all of your supporters, for all the Filipinos who believed in you. May God back you up always whenever things get rough.
Laban MDS! Laban tayo hanggang huli!