To all our frontliners
THANK YOU FOR YOUR SERVICES❤️
“LABAN NG BAYAN”
Tayo’y muling sinubok ng isang
matinding sakit na tinatawag na
COVID’19 o CORONA VIRUS DISEASE ‘19
Maraming tao ang na apektohan
Maraming tao ang nag-aagaw buhay
Maraming buhay ang nawala
Maraming bansa ang lumalaban
upang ito ay mawala
Isang matinding sakit na bumabalot sa sanlibutan
Sakit na bumago sa takbo ng mundo
Walang sinuman ang makakapagsabi
Hanggang kailan natin to mararanasan
Kaya panginoon diyos kami ay
nagsususamo na kami ay iyong
tulungan na aming malagpasan
Ang isang pagsabok na hindi
kailan man aming inasahan
Turuan niyo po kaming maging
malakas na harapin ang bukas
Turuan niyo po kaming maniwala
na walang imposible basta
ikaw na ang gumawa
Kami iyong bigyan ng lakas na
harapin ang pagsubok na ito
Na sumusubok sa aming katatagan
Sumusubok sa aming tiwala
sa inyo aming Panginoon Diyos
Sana iyong gabayan ang lahat ng bayani
sa digmaan na ito
Ang magigiting naming DOCTOR, NURSE, JANITOR, LAW ENFORCEMENT AGENCY at lahat ng tao na tumutulong at lumalaban upang itong pagsabok ay aming
malagpasan ng sama-sama
Kahit kanilang buhay ay maitaya
Mauna lang ang kapakanan ng kapwa
Sa lahat ng magigiting naming FRONTLINERS
Salamat sa serbisyong di matutumbasan ng pera
At sana’y mabuksan ang isipan ng
karamihan na hindi ito basta sakit lang
Kaya tayo’y magtulungan at sumunod
sa kung ano ang mas nakakabuti sa karamihan
Sana’y isantabi ang inggit,
galit at hinagpis kasi sa panahon na ito
ang pagbabayanihan, paguunawaan at
dasal ang mas kailangan ng ating
BAYAN at ng ating mga KABABAYAN
This is my own pieces ❤️
Let’s all follow the authorities and let’s do our part to fight this battle.
Photo#ctto #fightusone #COVID’19fight











