A heart that devours itself // Kanibalismo
&.
sheepfilms
occasionally subtle

roma★

❣ Chile in a Photography ❣
Misplaced Lens Cap
YOU ARE THE REASON
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

#extradirty
KIROKAZE
Cosimo Galluzzi
Acquired Stardust

Love Begins

Andulka
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
dirt enthusiast

Product Placement
Game of Thrones Daily

titsay
hello vonnie
seen from United Kingdom

seen from Belgium
seen from Vietnam
seen from United States
seen from Finland
seen from Canada
seen from Netherlands

seen from United States
seen from Chile
seen from Chile
seen from United States
seen from United States

seen from Argentina
seen from United Kingdom
seen from Germany

seen from Malaysia

seen from Belgium

seen from Italy
seen from T1

seen from United States
@ampersiah
A heart that devours itself // Kanibalismo
&.
Rewind my memories and you’ll witness a graveyard not—of buried hopes, and dreams in shambles—but of dimmed connections. A broken boulevard of mistaken bliss, a vivid film of constant grief that comes after estrangement. A seemingly endless wonder, was it the pacing…or the lack thereof? Was the string cut off, or was it even tied at all?
Many questions were left disputed in doubt—yet I managed to find the answer each time. Like how a vinyl record would recall every line engraved within, in circles they go.
Loops formed, and constellations hold each other. But shall not be called divine intervention, another life begins after collision, though ends at a busy roundabout of pursuits, whether to hold on for some more…or just let go.
I found sincerity once, and never found it again elsewhere. You must have taken it with you—perhaps, it never really was you nor somebody else… but am.
&.
Cruel Affection, 12:15 PM—16th of April, 2025
Hindi na yata ako makata.
Wala na akong bala, para bigyang kahulugan ang mga nadarama sa paraan na mayroon akong kakayahan, na ito ay paliparin sa hangin, paagusin sa ilog, at paalunin sa baybayin pabalik sa karagatan kung saan kahit ilang salok ng tubig ay iba-iba ang pagkakataong mahuli at matumbok ang nakakubli.
Baka hindi na ako makata.
Kung ang mga disenyo na aking napagnilayan ay kulang na para maihabi ang nais na iparating, nauubusan na ng tamang dating—maipapadala pa ba ang damdamin? Magagawaran pa ba ang mensahe, ng mga pakpak upang sa himpapawid ay makapagwisik ng gintong alikabok na hatid ay hiwaga at kung minsan ay halakhak?
Hindi na nga yata ako makata.
Sa pagpilit na paganahin ang makina sa akin ang talinghaga ay lumilihis, ngunit ni isang daplis ay kay hirap sumagi sa bilis ng pagtunaw ng pithayang lumikhang muli. Wari ko’y sapat naman na ang mga natural at lisong salita na madaling kapain, madaling lutasin.
Kung hindi na talaga ako makata;
Lilisanin na ang palaisipan, susulat ako nang mabagal at walang susunding tulin, walang direksiyon, lalong walang lalim bagkus ako ay maglalala ng mga balani, rarahuyuin pati ang mga hindi nakikita ng mata lamang. Tanaw ay palalawigin sapagkat hindi ibig-sabihin na ang metapora ay tuluyan ko nang pupuksain. Hindi ako kakatha ng pabula, liliham ako para sa mga naliligaw na diwa na ang tanging hiling ay magliwaliw. Maglalaman ito ng biyaheng parirala sa tunay na mundo, dadalhin ang mambabasa sa sansinukob, ipaparanas ang dakila.
Hindi man ako makatang talaga, ako ay lilikha. Ito ang tanging paraan upang ako ay mabuhay nang walang pagmamaliw, sa kabila ng pagkataliwas nito sa aking sarili.
&.
Gusto kong ibigay buhay na gusto mo.
ㅤMinsan sa isang araw ay dadaloy sa aking dugo ang liksi ng pagpupursigi. Sa bawat araw na gumigising, kahit ang kinabukasan ay hindi pangako sa atin—dumaraan ang naisin na iparanas ang magandang buhay sa ’yo. Sa kabila ng mga memoryang maitim pa sa tinta ng bagong gawang bolpen na pilit ibinubura, loobin nawa ang bukas na gusto mo. Para sa ’kin, wala nang mas gaganda pa sa ligayang dulot ng liwanag mula sa ’yong ngiti—na aabot sa puntong pati ako ay silaw na—sapagkat ito ang paraan para matunaw ang yelong bumabalot sa aking puso. Sa sinag mo, ako ay kukuha ng lakas.
ㅤWalang katumbas na saya ang makukuha sa oras na makamit ang mga pangarap na noon ay api. Bawat luha, pawis, at pagod ay mapapawi. Kung saan sisibol ang panibagong yugto na ang mga piyesang nakawala ay maibabalik sa tama nitong puwesto.
ㅤHindi na bale ang aking paglisan... Sa estado ngayon, wala bastang dudulog na suwerte sa ating mga palad. Sa bangkang ito, ako ang magsasagwan. At babalik akong dala ang buhay na gusto mo. Babalik ako.
ㅤㅤSa lakbayin na ito, pangunahin kang nasa isip ko.
ㅤㅤBilang nakatatandang anak.
ㅤㅤBilang kapatid.
ㅤㅤBilang nangangarap.
ㅤㅤBilang apo.
ㅤㅤBilang kaibigan.
ㅤㅤBilang nagmamahal.
ㅤㅤAt bilang indibidwal.
ㅤSa muli nating pagkikita, kahit kalahati man lang ng aking plano ay matumbok—masilip pati ang mga sulok. Hangga’t matitikas ang aking mga tuhod, ako ay handang lumayag. Tatawirin ang karagatan. Aalamin ang talinghaga ng iba’t ibang espasiyo rito sa mundo.
ㅤPagkatapos ng lahat, pipikit akong marahan. Sa wakas, ang tanging hiling ko ay natupad din. Ikaw, at ang buhay na gusto mo...ang siyang magiging pahinga ko.
&.
I used to be a big dreamer. I still am, but different. Growing up, there were a few specifics. I had dreamt of becoming this and that person. And what did those dreams made me? A prisoner, chained, in one lane—with fear of change, and exploring the unfamiliar—stuck being a slave to my own ambitions, tangled with everybody’s expectations.
Then, those valued ambitions fled and vanished. They all decided to turn their backs away. While the moments were fleeting, and the clock ticks like a bomb ready to blow my life up...I was struck by betrayal along with a dreadful existential crisis.
What have I been living for?
What did I work hard for?
How am I supposed to continue with nothing?
Pleading to the divine, asking for at least an answer. I was given a reality check, instead. Just a matter of time, and there my dreams, in shambles before me. I wandered around for months in contemplation as to what should I be now that the ideas I had for myself were taken away from me—forced, as if I was getting skinned. Though I lived, I am but a vessel with unclear identity.
I took the path that was left behind. A path...where I thought I belonged. I portrayed the clown for months on end—in constant question of my role.
Until a door popped out of nowhere, a jack-in-the-box.
The door led me in, where millions of doors exist within. These doors...are opportunities I found along my way. One thing I realized? There is nothing wrong with being driven, just don’t cave in to shutting everything down for a single and straight purpose.
Here I am, knocking on doors, facing front afraid. A dreamer, with no specific aims. Just a dreamer, healing, exploring, and with freedom.
&.
But a heart will never bury a person, even a memory. It is not a graveyard.
It baffles me when someone tells me they like me after becoming a part of each other’s routine. How long until they realize that what they have for me is just attachment and feeling lonely?
ㅤㅤAnd if they do... What next?
If I was living before, I could’ve felt the same—no, it might be even harsher. I could’ve fallen without a parachute. Upon reaching the ground, rather than dead, I’d be in bliss. Immortalized by the feeling, nothing but their words could cut me deep.
ㅤㅤI’d bleed, and bleed, and bleed.
Thinking there’s no end to bloodshed, I offered all to the world to cut me more. Foolish, isn’t it? Having no idea that the heart remembers each pain. So, when a heart aches, it recalls. I was a fool—immortality does not mean being numb.
ㅤ We all cut one another.
I, too, have bloody hands. The pain I have been through reminds me to love still. It was me all along... I kept cutting myself the whole time I was offering all to the world. I did not bleed red.
ㅤㅤI have been bleeding love.
Pain, cuts, people, and memories. They are not buried in my heart. They are in each of their places. They are, and I am full of them.
The heart is a casket, a chest with scars and engraved names as ornaments. It holds what we cherish. It is not a tomb nor a graveyard.
&.
But a heart will never bury a person, even a memory. It is not a graveyard.
It baffles me when someone tells me they like me after becoming a part of each other’s routine. How long until they realize that what they have for me is just attachment and feeling lonely?
ㅤㅤAnd if they do... What next?
If I was living before, I could’ve felt the same—no, it might be even harsher. I could’ve fallen without a parachute. Upon reaching the ground, rather than dead, I’d be in bliss. Immortalized by the feeling, nothing but their words could cut me deep.
ㅤㅤI’d bleed, and bleed, and bleed.
Thinking there’s no end to bloodshed, I offered all to the world to cut me more. Foolish, isn’t it? Having no idea that the heart remembers each pain. So, when a heart aches, it recalls. I was a fool—immortality does not mean being numb.
ㅤ We all cut one another.
I, too, have bloody hands. The pain I have been through reminds me to love still. It was me all along... I kept cutting myself the whole time I was offering all to the world. I did not bleed red.
ㅤㅤI have been bleeding love.
Pain, cuts, people, and memories. They are not buried in my heart. They are in each of their places. They are, and I am full of them.
It’s scary how a year of separation blurs the memory of someone who was once dear to us.
ㅤTheir face starts to lose clarity like a puzzle missing its pieces one by one. Their voice that was once music to my ears is no longer loud in volume. Their laughter...slowly fading. Yet, I never forget the feeling of the first time I laid eyes upon them, the moment my stomach giggled from butterflies, the heartache when they tugged my heartstrings.
ㅤㅤI remember.
ㅤㅤI remember the love I was filled with.
ㅤㅤI remember the hatred I buried.
ㅤI will always have this familiarity of them no matter how hazy, no matter how forgotten their appearance are. Because their existence was engraved in my chest, their soul was once entangled with mine...and we both ignited the spark we were able to survive.
ㅤIt’s scary... how our memories blur what our hearts cherish.
&.
If I fall in love with you…
ㅤI want you to take from me my bones
ㅤㅤBend me, break me, suffocate me
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤThen mend me…
ㅤI want you to take me from my home.
ㅤㅤㅤㅤI tell you, this will not be a love that is mundane—it will follow you through—beyond the never-ending space and will accompany you until we succumb to nothingness. And if I were bound to behave earthly, my, bestow upon me a punishment for I have sinned. Tis I, mere skin with skeletons as foundation, will fall into my knees the moment you lay your eyes on me, but what bliss to be able to have such privilege?
ㅤㅤㅤㅤBefore I met such divine, the nature of my mortality brought me misery. Only to realize, it is a curse to live briefly—to live momentarily is just catching glimpse of your beauty—but I do not wish for that. I seek to get close to you, stare at you, and worship you. One life will not be enough, not even a century. I refuse to be deprived of your presence, and to be taken away from your side. That is death by a thousand cuts to me.
ㅤㅤㅤㅤㅤ It is not living without you in my life.
So, if I fall in love...
ㅤㅤDo not resent me.
ㅤㅤㅤㅤFor I am still untaught of your teachings.
ㅤㅤㅤㅤㅤOnly then, I will be your next devotee.
&.
Tag-ulan na naman.
Unang tag-ulan na nag-iisa, kasama ang mga kuting na nitong nakaraan lamang isinilang. Nakikinig sa musikang inaawit ng aking gitara na noon ay mayroon pang pinaglalaanan. Hinahanap ang simoy ng pumapatak na tubig mula sa kalangitan. Ngunit ngayong ito’y nagparamdam, tila ba nadadala nito ang aking pananabik na muling may makatabi, at makatampisaw sa ilalim ng iisang payong kung saan dalawa kaming nakasilong. At sa bawat dikit ng ambon sa mga balikat, hindi man ako natatamaan ng kidlat pero nangingisay tuwing nagdadampi aming mga balat.
Tag-ulan na naman.
Kay tagal na noong huling nagkanaw ako ng kape, pero dahil sa lamig na dulot ng tikatik na ulan, parang nais ko ang magtimpla, na mayroong marahang hagod sa likod na nakaabang. Parang kasama sa panunuod ng maulang hapon sa bintana na para bang ito ay eksena sa pelikula.
Tag-ulan na naman.
Ang mainit na haplos ng hininga sa aking tainga siguro ay nakakaginhawa habang nakikinig ng musika, kung minsan pa ay sasayaw kaming dalawa. Hinahayaan na ang sarili ko ay malunod sa kaniyang mga mata—at mapuno ang katawan ng ligaya mula sa munting distansiyang pumapagitan sa isa’t isa.
Tag-ulan na naman.
Sa kabila ng kulimlim ng panahon, hindi ako natitinag dahil siya ang aking kasiyahan na walang kahit na anuman kung hindi ang malayo lamang sa kaniya ang bubura. Ang pagmasdan siya sa bawat pagkakataon, at mapagtantong kahit hindi umulan nasasaksihan ko sa personal ang bahagharing lumilitaw lamang pagkatapos ng ulan—taglay niya ang bawat kulay, matingkad at nakakapawi ng simangot sa buhay.
Tag-ulan na naman.
At kung loloobin ng makapangyarihan, hindi lang isa, dalawa, o tatlong buhay. Nais kong siya ang makasama umaraw man o umulan sa bawat buhay na igagawad sa akin. At kung hindi siya matagpuan, ituturing ko na rin itong kamatayan, sapagkat wala nang mas lulubha pa sa sakit na dulot ng kaniyang kawalan.
&.
Panahon ang naghihilom ng lahat ng sugat.
Isang salawikain na nagsilbing baon ko sa mga nagdaang taon—ngunit naging palaisipan nang kinalaunan. Marahil ay nakatulong ito na ako ay magpatuloy na sumulong, subalit aking napagtanto na hindi naman talaga panahon ang naghihilom.
Tayo nga ay mga hindi ganap, lalo nang hindi lubos.
Lingid sa kaalaman natin ang dahilan kung bakit ang panlabas na kaanyuan ng isang tao ay puno ng mga bendaheng hindi kapansin-pansin sa umpisa, at sa loob-loob naman ay mga bubog na nagmula pa sa pagbagsak ng bawat piyesa na pinilit buo-buohin.
Ni hindi na ito masukat.
Pero, panahon, ang siyang nagbubukas ng distansiya upang makatuklas ng tamang paglalanggas na sa bawat kumpas ng oras ay nakahahanap ng panibagong lunas. Marahan na pagdaloy, pailaya, pahilaga, patungo kung saan ang kirot ay pawi.
Hindi naman talaga panahon ang naghihilom... Bagkus binabawasan lamang nito ang hapdi, binabaluktot ang mga alaala paunti-unti hanggang sa mas madali na sa atin ang mamuhay dala ang sugat na natamo.
&.
Kung ako ang tatanungin, mamarapatin kong isagot na hindi ko na gustong marinig pang muli ang mga salitang, “Kailangan ko ang lumisan, para sa ikabubuti naman.”
Nagtanim ka ng malalim na sugat sa bawat sulok ng aking pagkatao, at ngayon ginagamit mo itong panakot sa nananahimik kong pagmamahal sa ’yo, na sa kabila ng kalapastanganang hindi ko lubos maintindihan kung paano mo nagawa, pinili ko ang magpatawad. Hindi maalis sa isip, at hindi maalis sa katawan ko ang pangamba na baka sa pagsapit ng umaga, magising ako sa dilim na dati ay nangangapa ako kasama ang pangungulila sa liwanag mong nagdudulot ng inggit—at kahit anong pilit kong bigyan ang sarili ko ng presensiya mo na galing pa sa mga natitirang imahe mo, hindi mapigilan na mabiyak ang puso ko.
Ang takot na nalabi ay nanunuot pa rin sa aking kaluluwa.
Nabubuhay na lamang ako sa pag-asang nakamit mo na ang pagbabago—ngunit hindi mo na yata maibabalik sa pagkakabuo ang tiwalang ipinagkaloob ko sa ’yo mula pa nang ako’y isinilang sa mundong ito. Kung totoo ang iyong panghihinayang, hiling ko lamang na ito ay iyong panindigan.
Binigyan mo ako ng sakit na walang lunas.
Hindi man ito malala, nababawasan naman nito ang haba ng buhay ko. Paunti-unti, marahang nilalason ang bawat ugat sa katawan ko. At kung ang pangyayaring ito ay maulit pang muli, maigi pa sigurong maghukay na ako ngayon ng aking libingan.
Ikaw na sa akin ay nagbigay ng buhay, ang siya ring maaaring magbigay ng tuldok dito.
&.
Tanging kamatayan ang maglalayo sa ’yo mula sa akin pero ikaw ay hahanapin sa—bawat buhay at sansinukob—na maipagkakaloob sa akin, dahil hindi matutumbasan ng ilang milyong taon at pagkakataon na aking igugugol upang ikaw ay matagpuan, ang ligayang makakamit sa oras na iyong kamay ay akin nang mahawakan.
Magliliwanag ang paligid sa taglay mong kariktan, at sa bawat araw na ako ay nanalangin, sa wakas, nadinig ang aking hiling na makakita ng isang anghel: na siyang maghihilom sa pangungulilang dulot ng paglalakbay na ikaw lamang ang destinasiyon; na siyang magbabalik sa pusong naging bato mula sa pagkakayari nito, palalambutin at tatahiin nang marahan, sisiguraduhing titibok na itong muli sa tamang ritmo; na may tinig tulad ng sa ibong adarna, sapat para ako ay kumalma kapag pakiramdam kong ang mundo sa akin ay tumatalikod na, at magpapatulog sa akin kasama ang paanyaya na ligtas ako sa tabi niya; na siyang magpapamalas ng tunay na pag-irog na walang pasubali, walang panunumbat, at walang takot; higit sa lahat, siyang akin nang iibigin kung ako man ay pahintulutan.
Sa kabila ng aking lakbayin na ikaw ang dulo at hangganan. Kung ako ay mapagbigyan, mananatiling sa ’yo ay nakatali, na muli, tanging kamatayan lamang ang magtatagpi.
&.
tirik ang araw, sa kabila ng kainitan na nadarama—naglakad ako sa gilid ng roxas boulevard kung saan umaalingasaw ang mga basura sa tabing-ilog.
uwing-uwi na, pero naparaan sa isip ko, paano pa kaya kung may inaasahan akong tao pag-uwi? na kahit malagkit ang dulot ng init, baka sapat na ang marahan na haplos at malamig na tingin mo.
baka nga siguro ay kumaripas pa ako, hindi na bale ang panahon—ikaw naman ang uuwian ko.
&.
Sa ilang milyon na dapat kong isipin, hindi ka nawala — minsan ay paikot-ikot kang tumatakbo, na para bang nais mong kumawala sa selda ngunit hindi ko naman sadyang makulong ka sa isipan kong naghahangad lamang na malaman kung ano ba ang iyong lagay; sabagay, kailanman hindi ito masasagot, sapagkat wala ka namang pangalan, wala kang hitsura, at wala kang tinig na aking maririnig sa tuwing dadayuhin ako ng kalungkutan.
Pero bakit kita iniisip?
Dahil nga ba sa ngayon ay hindi ako humihingi ng pagsinta? Naghihintay ka ba? Nais mo bang lumaya, kumapit, at lumapit sa aking presensiya? Nais mo bang damhin ang dampi ng aking balat, at bulungan ang akin tainga? Nais mo bang mahaplos ang aking pisngi, at titigan ang aking mga mata?
Kung sa gayon, ako rin.
Nais ko ang makarinig ng iyong sandamakmak na kuwento. Nais ko ang pakinggan matamis na tinig mo. Nais ko ag unawain ka, at magsilbing lakas tuwing sa tingin mo ay tinalikran ka na ng mundo. Nais ko ang yakapin ka, at paglutuan ka ng mga putaheng iyong paborito. Nais ko ang gumising sa umaga na ikaw na agad ang bubungad sa aking harapan. Nais ko ang matawag na sa iyo.
Ayos lang, kung hanggang isip ka lang. Handa naman akong maghintay. Marahil kaya ako pinalaking mayroong mahabang pasensiya...upang antabayanan ang iyong pagdating.
Magkikita tayo, panigurado.
&.
When a man fears the bereavement of his existence, he is drawn to death. But what’s in store for us, unfazed by the thought of our demise, or rather falling into our eternal slumber? We are given the sight to be hold, so as the mortality of bleeding—whether to end the blasphemous lineage within, or to know if we are, indeed, breathing. Or is it because, even we are living, our bodies have long been gone in the graveyard as such brings us no fear, and makes us cold yet we do not feel like freezing at all? But instead, we feel the heaviness of being buried while still alive. How does one confirm the right ways of living, by the success? Or by the process of the decay that have been existing long since the punishment to human beings when mistakes are committed? What kind of sorcery makes a mere individual feel the most of life, and how can one be fortunate enough to be born in such felicity, meanwhile the underprivileged try to come up with a strategy to survive. If one supreme being does exist, why is cruelty bestowed upon those who are innocent, and why should their precious lives be at stake?
&.