EMILE DURKHEIM: From Mechanical to Organic Solidarity
Si Emile Durkheim ay isang pranses na “social scientist” na ipinanganak noong April 15, 1858, sa Épinal, France. Nakilala siya sa larangan ng sosyolohiya dahil sa kaniyang mga iba’t-ibang kontribusyon at teorya tulad ng kaniyang paniniwala na nagbabago ang isang lipunan. Una niya itong nabigyang pansin dahil sa kaniyang pagtingin sa paggawa ng mga trabaho simula noong unang panahon kumpara sa makabagong panahon noong siya ay nabubuhay. Isa si Durkheim sa mga sociologist na hindi naniniwala sa konspeto ng Relihiyon. Nabibilang rin siya sa isang mayaman na pamilya. Sa panahon ngayon, marami ang naniniwala na siya ay mas mahalagang tao sa larangan ng kasaysayan ng Sosyolohiya kaysa kay Auguste Comte.
Isa sa mga pananaw ni Durkheim sa larangan ng Sosyolohiya ay ang tungkol sa Relihiyon na pinaniniwalaan niyang “Social Thing.” Ang social thing ayon sa kaniya, ay ang mga bagay na naapektuhan o sumasalamin sa kakayahan ng isang lipunan. Ayon sa kaniya, may dalawang salita na maikokonekta sa tuwing pinag-uusapan ang salitang relihiyon. Ito ay ang salitang “Sacred” at “Profane.” Ang sacred ay ang mga bagay na pinaniniwalaan ng isang indibidwal na may kapangyarihan, sa kabilang banda, ang profane naman ay tumutukoy sa mga bagay na normal lamang, walang kapangyarihan at sumasalungat sa kahulugan ng salitang sacred. Paano nga ba nagiging banal ang isang bagay? Ito ay dahil sa mga ritwal na ginagawa ng mga indibidwal rito. Para kay Durkheim, ang mga tao sa isang lipunan ang gumagawa at nagbibigay kahulugan sa mga bagay na itinuturing nilang banal o sagrado. At dahil dito, nasabi ni Durkheim na ang relihiyon ay isang social thing sapagkat ang lipunan mismo ang nagpapakuluhugan sa kung ano nga ba ang konspeto ng relihiyon at ibig sabihin ng salitang “God.”
Isa pang ideya na nagmula kay Durkheim ang konspeto ng pagbabago ng lipunan base sa mga pagkakahati hati ng mga gawain at pagkakaiba iba ng mga trabaho o spesyalidad ng bawat mamamayan sa isang lipunan. Ayon sa kaniya, mayroong dalawang klase ng lipunan noon at nagkaiba ito batay sa pagkakaisa ng miyembro ng lipunan. Ang Mechanical Solidarity ay ang klase ng lipunan na mayroon noong unang panahon kung saan iisa ang trabaho ng mga mamamayan halimbawa ay ang lahat sa kanila ay magsasaka at mangangaso, Sa ganitong klase ng lipunan masasabi natin na ang bawat isa ay mayroong iisang paniniwala, layunin at pagkakatulad ng mga karanasan. Sa kabilang banda, sa mas modernong panahon, ang lipunan ay tinatawag na Organic Solidarity. Dito ay nagkakaroon na ng pagkakaiba iba ng mga trabaho at spesyalisyon ang mga mamamayan. At dahil sa pagkakaroon ng iba’t-ibang gawain, kinakailangan ngayon ang mas maraming bilang ng tao. Sa Organic Solidarity ay mayroong iba’t-ibang paniniwala ang mga tao, hindi iisa ang kanilang mga trabaho, mga pinaniniwala, mga kaugalian at hindi magkakatulad ang kanilang mga nararanasan subalit, ang kanilang pagkakabuklod ay bunga ng kanilang pangangailangan sa mga papel o spesyalisayon ng bawat isa. Isa rin sa mga makabuluhang naiambag ni Durkheim sa sosyolohiya ay ang konspeto kung paano nakakaapekto ang isang lipunan sa pagpapakamatay o pagkamatay ng isang miyembro nito. Noong panahon ni Drukheim, naging isyu ang “Suicide” kaya naman ito ay kaniyang pinagtuonan ng pansin. Ayon sa kaniya, ang pagpapakamatay ng isang tao ay bunga ng maaring pagkakaroon ng mataas na mataas na o kaya naman ay ang mababang attachment nito sa lipunan o ang tinawag ni Drukheim na Social Integration. May dalawang uri ng Suicide, ang Altruistic Suicide kung saan nagagawa ng isang tao na magpakamatay sapagkat alam niyang nakakasalay ang ikabubuti ng karamihan kung ito ay kaniyang gagawin at Fatalistic Suicide kung saan nagkakaroon ng excessive social control sa isang tao kung saan maaring siya ay napepressure sa mga nangyayari sa lipunang kaniyang kinabibilangan na nagbibigay sa kaniya ng mga suliranin at ang pagpapakamatay na lamang kaniyang naiisip na paraan upang siya ay makaligtas rito.
Sa aking pananaw, mahalaga na matutunan at malaman ng bawat isa ang mga teorya na nagmula kay Durkheim lalo na ang tungkol sa Suicide sapagkat sa panahon ngayon ay marami ang sumasailalim sa isyung pangkaisipan kung saan bumababa ang kanilang tingin sa kanilang sarili o kahalagahan. Bilang isang tao na nagkaroon ng isang kamag-anak (4th Cousin) na biktima ng depresyon, alam ko ang pakiramamdam kung paano mawalan ng kamag-anak na namatay dahil sa pag-susuicide. Bagamat hindi kami ‘close’ kagaya ng iba kong pinsan, hindi maganda sa pakiramdam na mawalan ng kadugo ng dahil sa pagpapakamatay. Ni hindi malaman ng kahit sino sa amin ang dahilan kung bakit niya ito nagawa miski ang kaniyang magulang o kapatid at asawa. Patuloy ang mga katanungan sa amin kung bakit niya ito nagawa. Kaya para sakin, mahalagang malaman ng natin, na tayo bilang kasapi ng isang lipunan, ang ating mga kilos, salita at asal ay nakakaapekto sa isang tao sa isang lipunan o sa lagay ng lipunan. Dapat ay matuto tayong magpahalaga sa ating mga kapwa. Marapat na maisip ng bawat isa satin, na tayo ay isang mahalagang instrumento sa pagkakaroon ng kaayusan o kaguluhan sa isang lipunan. Kailangan nating isipin na hindi tayo dapat maging makasarili na laging uunahin lamang ang sarili nating kapakanan at nawawalan ng pakialam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Kinakailangan na manumbalik sa bawat isa ang pagkakaroon ng pagmamahal sa isang lipunan kung saan marapat na hindi lamang tayo tutunganga at manonood sa mga isyu at problema rito.















