Sukuan mo na lang kapag nasubukan mo na, kapag nagawa mo na yung mga dapat mong gawin, kapag hindi na ikaw yung gusto/mahal, kapag ni-reject ka na, kapag committed na siya sa iba. Wala namang masama kung susubukan mo muna eh.
Kahit anong aspeto ng buhay may rejection. Rejection sa school, pamilya, kaibigan, trabaho, scholarship, lovelife, etc. Kung walang rejection, hindi mo malalaman kung para ka talaga kanino, hindi mo malalaman kung saan ka belong, at hindi mo malalaman kung gaano ka kalakas. Hindi mo kailangang katakutan ang pagtanggi sa'yo ng ibang tao, dahil sa bawat pagtanggi nila sa'yo, may naghihintay na pagtanggap naman sa mga taong mas deserving.
Mas gugustuhin kong ma-reject kaysa magsisi habang buhay na wala akong ginawa o hindi ko man lang sinubukan kasi naduwag ako.















