"Sana Hindi Nalang"
Sana hindi nalang, Oo sana hindi nalang Sana hindi nalang ako lumapit para Hindi nalang kita nakilala. Sana hindi nalang kita kinausap, Para hindi nalang nagkaroon ng dahilan pa. Sana hindi nalang kita hinayaang pumasok pa sa inbox ko Para hindi ka nalang pumasok dito sa puso ko. Sana hindi nalang, Oo sana hindi nalang ako naniwala sa matatamis mong salita para hindi nalang ako umaasa. Sana hindi nalang ako naniwalang babalik ka para hindi ako isang tangang naghihintay sa wala. Sana hindi nalang, Oo sana hindi nalang Sana hindi nalang ako para hindi nalang din ikaw. Sana hindi nalang, Oo sana hindi nalang ikaw ang minahal ko para hindi nalang ako ang nasasaktan mo.












