God’s Grace
Entry #1
Hi, since tumblr is my safe space, and I know konti lang yung makakabasa nito or baka wala nga, baka ako lang yung magbasa in the future hihi, I want this account to be a book of compilation of God’s grace to me. I know everyday is God’s miracle pero syempre may mga stories or events na worth remembering.❤️
Let me start today, Sunday February 8, 2026, this past few weeks I was anxious kasi di pa nagstastart yung next project namin dito sa Cavite, kaunti na lang yung workload na pwede gawin ng mga staff namin and kahit sila gusto na nila maturnover yung project namin sa Batangas. Wala ako masabi sa mga worker namin, after ilang try ng kakapalit, ilang foreman, finally eto na yung set of workers na may concern sa company and willing din maggrow kasabay namin. Sa totoo lang mahirap yung construction field, patibayan ng loob, pagalingan, everyday may new learning.
Kanina, dapat pupunta kami sa Victory Church kaso nalate kami sa traffic, nagdecide na lang kami na magonline mass sa isang cafe dito sa Mendez. On the way sa cafe, may nadaanan kaming field and subdivision hindi ko alam bakit nagkaroon ako ng peace, sabi ko kay Ivan “ichachat ko yung next client natin, magfofollow up na ko sa bank loan nya after natin magonline mass, may biglang kumatok kasi sa puso ko, parang at peace”. Intro pa lang sa mass, pinopoint out dun na “Do not be anxious, just ask, seek and knock and the door will be open”, hindi ko agad to nadigest, pero tumatak sa kin na just Ask God.
Fast forward ngayon gabi, nagchat si foreman Jessie, gusto nya na daw talaga matapos yung project sa batangas since hindi namin ganun kasundo yung mga caretakers ng site. Unang pumasok sa isip ko, hala paano na sina fore at mga workers, wala pa kami mapapagawa, and yung mga projects for 2026-2027 nakapending pa, yung iba nasa design phase pa lang, yung iba for bidding, yung isang project talaga yung waiting sa loan and hindi naman ako nangungulit kasi ayaw ko din mastress yung client. Pero parang may nagpush sa kin na magchat kay Client, nung una ayaw ko basahin yung reply, bago ko buksan yung reply nagpray muna ako at sabi ko Lord kayo na po bahala. Guess what! It was a goodnews, approved na loan ni client, pipirmahan na lang nya and pwede na kami magstart. Grabe iyak ako after, alam mo yun sobrang anxious ko para sa workers pero di kami pinabayaan lahat ni Lord.
Truly, wala talagang limit kay Lord, overflowing, kailangan mo lang alisin kung ano man yung nagpupuno sayo, kagaya ko I was filled with anxiety, and when I surrender God filled my heart with His grace and love.
Ngayon, bigla pumasok sa isip ko na since mahilig naman ako magpost ng testimony bakit hindi ko to ilagay as blog. To be honest, ang dami kong pagkukulang kay Lord, dumadating din sa point na I question Him, pero he keeps on holding me tight. Grabe talaga magmahal si Lord.
Thank you Lord for always accepting me, for always reminding me that you are the greatest Father and King of all.
Kagaya ng boracay, your love is as pure as the water, your grace is as abundant as the sand. You bring peace, and security.












