My Love, Maricar.
May mga bagay ka mang di masabi sa akin, mahal pa din kita.
May mga issues ka man na gusto mo sarilihin kang, mahal pa din kita.
May mga oras man na hindi kita naiintindihan, mahal pa din kita.
May mga pagkakataon man na hindi ko malaman anong tumatakbo sa isip mo, mahal pa din kita.
May mga times man na bigla bigla ka nalang magtatampo at mananahimik, mahal na mahal pa din kita.
Maricar Silang ko, mahal na mahal kita.
Palagi kong sasabihin sayo na di ako magsasawang suyuin ka. Di ako magsasawang pangitiin ka. Di ako magsasawang piliin at mahalin ka araw araw.
Everyday ko narrealize na talagang inilaan ako for you.
I was made for loving you.
Wala na akong nakikitang ibang tao na gusto ko ibigay ang lahat sa akin kundi sayo lang.
Sa bawat araw na lilipas na kasama ka nakikita ko ung purpose ng buhay kung bakit andito pa din ako sa mundo at kung bakit nabubuhay pa ako.
Habang pauwi ako naisip ko what if one day magising ka nalang na ayaw mo na sakin, na pagod ka na sa set up na ‘to. Na pagod ka na sa lahat. Na di na kita napapasaya, na hindi ka na okay na kasama ako, na hindi mo na ako mahal?
Bumagsak luha ko agad agad.
Pakiramdam ko katapusan na ng lahat sa akin.
Sobrang mahal kita love.
Gagawin ko lahat lahat mabigyan ka lang ng maayos na buhay.
Gagawin ko lahat maging masaya ka lang araw araw.
Gagawin ko lahat masatisfy lang kita sa lahat ng aspeto.
Gagawin ko lahat para maramdaman mong araw araw kitang pinipili na mahalin at makasama.
I love you Mahal ko!
I love you always, all ways.










