4 u (at San Ildefonso Alaminos Laguna)
Peter Solarz
Mike Driver

Andulka
Three Goblin Art
Not today Justin

No title available
One Nice Bug Per Day
Sweet Seals For You, Always
wallacepolsom
Fai_Ryy

Kaledo Art

@theartofmadeline
Stranger Things
official daine visual archive
noise dept.
Misplaced Lens Cap

tannertan36
taylor price
Keni

★

seen from United States
seen from Poland
seen from United Arab Emirates
seen from United States
seen from Ukraine
seen from Türkiye

seen from Australia

seen from Malaysia
seen from Brazil
seen from Mexico
seen from Paraguay
seen from United States
seen from Nepal
seen from Chile

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Uzbekistan
seen from Netherlands
seen from United States
seen from France
@babaengpinaasa
4 u (at San Ildefonso Alaminos Laguna)
Thank you for everything, Tumblr...
Dear GV,
Pinapatawad na kita kahit hindi ka humingi ng tawad. Masakit din sa akin to. Ikaw ang kauna-unahan kong kaibigan simula nung lumipat ako ng school. Sabi ko pa sayo, "Walang lalaki ang makakasira ng pagkakaibigan natin." pero tingnan mo, hindi tayo naguusap ngayon. Hindi tayo nagpapansinan. Parehas nahihiya sa isa't-isa. Pero okay lang, kalimutan mo na yon. Kakalimutan ko na rin lahat. Papalayain ko na ang sarili ko. Nakakapagod na rin yung may kinikimkim kang galit lalo sa isang taong naging kaibigan mo. Gusto ko ng kalimutan lahat. Habang ako iyak ng iyak at isip ng isip, kayo masaya lang tipong walang pakealam kahit may nasaktan man kayo. Sana lang, maging maayos lahat sa inyong dalawa. Pinagdadasal ko na sana maging masaya kayo, para naman hindi masayang yung pagkakaibigan natin na nasira. At yung pagkakaibigan naming nawala ng parang bula. Pero may hihingin sana ako sayo, please wag mo na siyang saktan ulit. Wag mo na siyang paiyakin ulit. Wag mo na siyang iwan ulit. Pasayahin mo siya palagi. Kasi mabuti siyang tao hindi niya deserve na masaktan, at alam ko mahal na mahal ka niya. Wag mong sayangin yung pagmamahal na binibigay niya sayo kasi yan yung pagmamahal na matagal ko ng pinagdadasal. Please, nagmamakaawa ako sayo. Palagi mo siyang pasayahin, pangitiin, lagi mo siyang isorpresa, ipagluto, lagi kayong lumabas. Mahalin niyo pa lalo ang isa't-isa. Thank you, friend...
Dear Christian,
Hi. Kumusta ka na? Alam ko okay na okay ka naman, nakikita ko sa mga posts mo/niyo. Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin sayo. Kelan ba tayo huling nakapagusap ng maayos? Bago kayo magkabalikan? Kasi nitong mga huling messages mo halos wala na naman akong sinasagot sayo, kasi pinipilit ko na rin namang umiwas. Ayoko ng magka-meron pa ulit ng dahilan para kumapit lalo sayo.
Sa halos tatlong taon na nakalipas, pinapatawad na kita. Sa lahat ng sakit na ibinigay mo skin, intensyon mo man o hindi. Parehas lang tayong may kasalanan, siguro kasi nagkulang din tayo sa komunikasyon ng mga panahon na yon. Hindi natin napagusapan kung ano lang ba tayo kaya hindi ko rin napigilan na hindi mahulog sayo. Sa lahat ng pinakita mong kabutihan, babae lang ako. Mabilis mahulog lalo kung ramdam mo na parang in some point mahal ka rin niya. Umasa kasi ako, akala ko pwedeng magkameron ng TAYO.
Pero gusto kong sabihin sayo na wala akong pinagsisisihan sa lahat. At thankful ako na nakakilala ako ng isang lalaking katulad mo. Dahil yung mga araw na magkasama tayo, yun yung mga araw na talagang masaya ako. Masaya akong nakilala kita, nakasama kita sa mga food tasting sa WTC, nakasama ako nung awarding day mo, nakasama kita sa lahat ng vacant time ko nung 1st sem, nakasama kitang tumambay sa may Students Park, nakasama kitang kumain tuwing lunch breaks, nakasama ako sa mga taong nagiintay sa pagbabalik niyo galing sa retreat, at madami pang iba. Madami tayong memories na mahirap kalimutan pero wag kang magalala, wala akong balak na kalimutan yon. Dahil babaunin ko yon kahit san ako magpunta.
Hindi ako nagsisising ikaw ang minahal ko. Dahil sayo, marami akong natutunan. Mahal kita, mahal na mahal. Pero siguro hindi lang talaga ikaw yung lalaking dapat kong kantahan ng “IKAW” ni Yeng Constantino. Hindi ikaw yung lalaking sasabihan ko ng “GOD GAVE ME YOU”. Pero okay lang, at least ngayon na yung time na I will “SET YOU FREE”.
Papalayain na kita. Wag mo na akong isipin, magiging okay rin ako. Makakaya kong lagpasan lahat ng to. Ako pa ba? Puso lang ang masakit skin. Pero pasasaan ba at mabubuo ulit to. Wag mo na muna akong kukumustahin, wag mo na muna akong kakausapin. Please! Makakaya ko to. Sa ngayon, ibigay mo lang muna skin tong oras na to. Hahanapin ko lang ulit ang sarili kong nawala simula nung minahal kita. Kaya please, wag muna ngayon ha? Kapag okay na ako, ako ang unang kakausap sayo. Pero sa ngayon wag muna, alam ko maiintindihan mo rin ako.
Thank you and I’ll talk to you………. SOON!
“Don’t take anything personally. Nothing others do is because of you. What others say and do is a projection of their own reality, their own dream. When you are immune to the opinions and actions of others, you won’t be the victim of needless suffering.”
Don Miguel Ruiz, The Four Agreements (via buhaybabae)
Cheesy rolled lasagna ✨ Because I missed our cooking class, thanks Chef Pat for the recipe . 😍
Purpose of being single ✨
Siguro kaya hanggang ngayon ganito ako kasi siguro gusto ni God na, unahin ko naman muna ang sarili ko. Na bago ang iba, ako muna. Yung maging makasarili muna ako para maging masaya ako. Siguro ito na yung binibigay niyang time para mas kilalanin ko yung sarili ko. Alamin ko kung ano yung mga gusto ko, alamin kung ano yung mga bagay na kaya kong gawin, kung ano yung mga ayaw ko, baguhin ko yung mga pangit skin, ayusin ko yung buhay ko. Siguro gusto niya na tanggapin ko kung ano yung nangyayari sa ngayon at matuto sa nakaraan pero huwag ng balikan pa yun. Ito na yung time ko na matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Na huwag ng umasa sa iba para maging masaya. I-explore ang buhay na AKO MUNA. Kumain magisa, mag-travel magisa, makipag-date sa sarili, mamili ng para sa sarili, magpaganda para sa sarili at hindi para skanya, makipagkilala sa iba, makipag-kaibigan, etc. Kasi simula nung nakilala ko siya, halos lahat ng ginawa/ginagawa ko, palaging para skanya. Ngayon, para naman na sa sarili ko.
It happens to everyone as they grow up. You find out who you are and what you want, and then you realize that people you’ve known forever don’t see things the way you do. So you keep the wonderful memories, but find yourself moving on.
Nicholas Sparks (via buhaybabae)
1. You are not worthless. I guess everyone has a worth whatever their role in this world. Don’t ever think that you are worthless because even the smallest thing about you just like the carbon dioxide when you breathe out to give energy to plants. Those little things matter. You are worthy. 2. You are not a failure. You can’t do everything, you have to keep that in mine. You’ll fail in some ways, but don’t take that in a negative way. Instead, think of it as your inspiration to do your best and do better next time. 3. You are not a disappointment. There comes a time in our life that we will disappoint the people we love. It’s true that we can’t please everyone. But you have to know that you are such a lovely and amazing person and don’t ever think that you are a disappoint to the people who trust you. 4. You are always enough. Donmt ever think that you’re not because whoever you are and your personality is the beat attraction to anyone who will going to love you. It’s not always your fault why some people will make you feel that there’s something wrong with you. Because the problem is with them and not you. 5. I hope you realize your importance. How blessed you are and how lucky that you are who you are now. There’s nothing more beautiful than to be yourself. Don’t ever forget that you matter in this world even if there are times that you think you’re not. You are important.
5 things to remember (via buhaybabae)
This is the acceptance speech. The end of anger and denial. I accept that you and I will never be the same again. That while those days will live in my mind forever, they’re over. I hate it. But I accept it. And I’m moving on now.
Iain Thomas, I Wrote This For You (via buhaybabae)
do you ever see a picture of someone that you used to be so close to and you just remember every thing you did together and all the things you said you would do together, all the late night conversations or phone calls and remember all the good things and bad things both of you have been through together but then you remember that they’re now just a memory and they’re not in your life anymore
i know when i become a parent, i’ll try my best to make sure my kid never goes to sleep feeling alone and unwanted
So... I posted a lot of bitter snaps last night, why? Idk. Or siguro yun lang yung pwede kong gawin kasi I don't want to talk about it AGAIN with my friends. Feeling ko kasi nagsasawa na rin silang pakinggan mga sentiments ko tungkol skanya. I am too, I am tired of being left behind. I am tired of loving. I am tired of being not good enough. I am tired of being hurt. I am so tired! Really.. Pero ate Mia replied to my snaps, and we started talking heart-to-heart. Parehas kami hindi nagbabanggit ng name, or maybe nirerespeto niya na ayaw ko na magdrop yung name niya. Because she knows na I am still hurt. I am happy to talk about it, kasi I was able to say everything to her ulit. And in return, sinabi niya yung nga bagay na masasakit man pero yun yung totoo. Sa ngayon, medyo gumaan yung pakiramdam ko kahit 3AM na ako nakatulog kakaiyak at ngayon pugtong-pugto yung mata, okay lang. At least, I feel better now. Thank you Ate Mia! 💕
at the end of the day, despite the mistakes you may have made, you’re still a good person
I want to be known as someone who’s full of love and radiates light
Madali para sayong sabihin yan kasi hindi naman ikaw ang nakakaranas ng sakit. Madali para sayo na husgahan ako kasi hindi naman ikaw yung naka-experience eh. Alam ko hindi naging kami para magdrama ako ng ganito. Pero hindi mo kasi naiintindihan, hindi ko kailangan ng label para masaktan. Nasasaktan ako kasi nagmamahal ako. Nahulog ako eh, hulog na hulog. Mahal na mahal ko siya pero iba ang mahal niya. Impokrita ako kung sasabihin ko na, okay lang skin kasi masaya naman siya. Masakit, sobrang sakit bes. Pero anong gagawin ko? Paano ko siya ipaglalabanan kung sa simula palang ng laban, iniwan at pinabayaan ako ng taong ipaglalaban ko? Paano ko ipapanalo ang laban habang pinapanood ko siyang masaya sa kalaban ko? Iisipin ko pa ba ang sarili ko? Mas mabuting makita ko siyang masaya kahit na hindi ako ang kasama niya basta ang importante masaya siya. Ganon naman ang tunay na nagmamahal, diba? Marunong magsakripisyo kahit ang kapalit ay libu-libong sakit na hindi mo alam kung kailan mawawala o kung mawawala pa ba ito. Minsan may mga laban na kailangan mo na isuko, hindi dahil sa mahina ka kundi dahil ito ang mas nararapat hindi lang para sayo, kung para sa inyong lahat.
Conversation at 1AM. I miss you ate!!!! Literally crying because of our topic. 😭😭😭