Away > Bati
Normal Lang naman sa relasyon yung ganyan Eh, Pag Laging masaya walang trill Pag Laging nag aaway nakakabadtrip. May mga oras na Okay kayo, tapos maya maya magkakagalit na, Minsan yung magtatampo tampuhan ka kase gusto mo Lang na Lambingin ka niya pero ang Ending mag aaway Lang kayo. May mga malilit na bagay na konting kibot konting ganto pinag aawayan. Kasama na talaga sa relasyon yan, Yung away, may sumbatan, Minsan nakakapagbitaw tayo ng mga masasakit na salita. Siguro dala Lang ng galit kaya ganun, Minsan dapat ang galit nilulugar din. Pag galit siya, palipasin mo muna, Hayaan mo siyang kumalma tapos tsaka kayo mag usap. Diba mas Okay pag ganun? Hindi rin pwedeng Ikaw ang Laging nagtatampo, Siya Laging sumusuyo sayo. “Give And Take” dapat, Hindi din pwedeng Ikaw Lagi ang nagbibigay, mapapagod at mapapagod ka din kakabigay, Hindi din pwedeng Tanggap ka Lang ng tanggap, Ano ka Chix? Aba! Sinuswerte ka yata. Mahalaga yung Cooperation sa relasyon. (Cooperation talaga? Parang Group project Lang ano?) Syempre mahalaga din yung Trust (yung ano plastic na manipis tas may flavor) De, Tiwala. Eto talaga yun Eh, kapag binigay niya sayo yung tiwala niya. Dapat dimo sisirain, Ingatan mo. Kase pag yan nawala mahirap na ibalik. Siguro hindi natin maiiwasan na minsan may mga promises tayong di natutupad, minsan yung tiwalang yun nagkakalamat. Pero As much as possible (Puts! Nosebleed) Iwasan natin yung mga bagay na alam nating magiging dahilan ng pagkawala ng tiwala niya. Ayun, medyo Lumayo na ko sa topic. Basta, Yang mga away away na yan, Pagsubok Lang yan sa inyong dalawa, para patatagin kayo.














