I think 3 years old ako nung nag-abroad mama ko. I stayed with my dad sa Hagonoy, Bulacan. I can vaguely remember na I had a birthday party when I turned 7 years old. Yun na ata yung huling family gathering na kumpleto kami. Hindi clear pero naaalala ko na may isang beses na may tumawag kay mama before na lalaki tapos si papa ang nakasagot. Pinagbawalan ng papa ko na bisitahin ako ng mama ko sa bahay kapag umuuwi siya from abroad. Nurse ang mama ko sa Saudi. Siya ang nagpoprovide sa amin, so noon, hindi ko gets kung bakit pinagbabawalan ng papa ko si mama na bisitahin ako when, in fact, siya nagpapakain sa amin. Tricycle driver ang papa ko at marami siyang alagang manok na pinansasabong niya. Tandang-tanda ko pa noon na pinagseselosan ko mga manok niya kasi mas may time siya para sa kanila. Umabot na sa point na pati bahay namin, ginagawa na niyang pugad ng manok. Hindi ko gets pero nakikitulog lang kami at nakikikain kahit may bahay at may padala naman si mama. I was alone from Monday to Saturday. I always look forward for Sundays kasi pinupuntahan ako ng lola ko sa Hagonoy para samahan kami magsimba. Hindi nagsisimba si papa, so hindi sila nagkikita ni Nanay (tawag ko sa lola ko sa mother side). After kasi magsimba, lagi kaming dumederetso sa Jollibee para kumain ng dinner. Ibibili pa niya ako ng baon sa Mercury Drug bago niya ako ihatid sa amin at umuwi ng Malolos. Nagmo-motor lang siya kapag binibisita niya ako every Sunday.
Right before ako maka-graduate ng elementary, nagkaroon ng ibang babae si papa. Biglang luminis yung bahay. Nagrenta si papa ng pwesto sa tapat ng kalsada para magkaroon ng tindahan. Pero hindi para sa akin. Para sa babae niya. Unti-unti kong napansin na may mga gamit na ako na sinusuot ng babae niya. May mga laruan na akong ginagamit ng anak ng babae niya. Bakit sa kanila may oras si papa? Bakit sa akin wala? Nakikitulog pa rin ako sa tita ko. Sila gumagamit ng bahay namin. Bahay na si mama ang nagpoprovide. Bakit? Bakit ganon?
I was 11 years old when I decided to leave my dad. Hinintay ko lang maka-graduate ako ng elementary. Tandang-tanda ko, umaga yun nang lumabas ako ng bahay namin. Bente pesos lang dala ko. I can clearly remember na 7 pesos lang ang jeep noon from Hagonoy to Malolos. I met my mom and si Nanay sa Puregold. Sumalubong sa’kin with them sina Tatay (lolo ko from mother side), tito, tita, at 2 kong pinsan. Namili kami ng pagkain. Tanda ko pa na bumili ako ng black na high heels noon. Mahilig kasi ako sa sapatos.
Pag-uwi namin sa bahay, may sumalubong sa amin na malaking lalaking Arabo. Asawa daw ni mama. Nagulat ako. Iniwan ko yung papa ko dahil nambabae siya tapos maabutan ko mama ko na may iba na rin pala. Nagkulong ako sa cr noon, umiyak, kasi hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko umalis, pero saan ako pupunta? Inisip ko nalang na kasama ko naman si Nanay, so siguro kakayanin ko naman mag-stay. Sabi ko pa noon, “wala naman akong choice” at tsaka utang na loob ko kay mama na nakapagtapos ako ng elementary, so sige, magse-stay nalang ako. Masakit man malaman na matagal na palang kasal si mama sa iba, I had to stay. Gabi na ako hinanap ng papa ko. Mas lalo akong nalungkot. Kinabukasan, we had to go sa DSWD. Sabi daw kasi ng papa ko, kinidnap ako ni Tatay. Sinabi ko lang yung totoo. That was the last time I saw my dad.
20 years old na ako ngayon. Supposedly graduate na and working pero, ayun, delayed. I made a lot of decisions on my own na, even though medyo mabagal ako mag-decide on my own. I think I became slow sa pagde-decide dahil sa rash big decision ko when I was 11, so ngayon I find it hard to decide kasi takot akong magkamali.
There are 3 huge decisions I have made na so far. First, yung pag-shift ko sa course na gusto ko kahit alam ko na mahirap. I am now an electrical engineering major sa college. I have failed seven subjects already. Second, choosing to stay sa performing arts group na sinasalihan ko sa college kahit na mahirap mag-balance ng co-curricular with academics. Third, ang pag-convert ko to another religion without the knowledge of my family.
There was a semester na na-dismiss ako sa college dahil I failed 3 subjects. I had to go AWOL (Absence Without Official Leave) to be able to join choral competitions abroad. Hirap na hirap ako noon. I was struggling abroad for 3 months na I cried almost every night kasi I felt very useless and alone. I thought I wouldn’t be able to stay sa degree program ko pagbalik ng Pilipinas, pero miraculously, I got admitted again after ko mag-appeal. That was the time I promised I would do better the following semester. And I did! The following semester, I got my first final examination exemption sa last Physics subject ko. I was so proud and happy. I finally was able to boast kay Nanay na na-exempt ako sa isa kong subject pero alam mo ano sagot niya sa akin? “Kailan ka ba gagraduate?”
I felt pressured. I am not one of those students na kahit hindi mag-aral, they do well. I am struggling pero I can’t complain. Gusto na daw ni mama magpahinga. Gusto na rin tumigil ni Nanay magtrabaho. I crumbled again. I felt like I am not getting the support I need from them. Lalo kong dinoubt yung sarili ko. Lalo akong natakot magkamali. Parang nilamon na ako ng negativity ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nag-attempt magpakamatay kasi parang yun nalang yung way out sa lahat. That’s when I found the religion na ramdam ko na mahal ako. Each time na nananalangin ako, nararamdaman ko na may yumayakap sa akin, may nagsasabi sa akin na kaya ko lahat ng pinagdadaaanan, na lahat ng mga pagsubok na binibigay sa akin ang magpapalakas sa akin, na lahat ng paghihirap, matatapos din.
Kaya nga lang, ayaw ni Nanay sa bago kong religion. Hindi ko alam kung bakit. Nung sinabi ko sa kanya yung mga nararamdaman ko, nagalit siya. Halos maglayas pa siya nung sinabi ko sa kanya na gusto ko mag-convert. Pero hindi ako tumigil. Tumakas ako ng bahay at natuto ako magsinungaling. Hindi ko kasi matanggap na pinayagan niya si mama mag-convert pero ako hindi. Si mama kasi nag-convertpara magpakasal. Iba ako yung rason ko. And tingin ko, mas acceptable yung sa akin kaysa kay mama. Noong nakapagpa-convert na ako, sobrang iba yung saya na naramdaman ko. May takot sa mga mangyayari sa mga susunod na panahon pero masaya ako na I’ve made a decision na ikapa-proud ko.
I was doing well na ulit with everything. Okay na kami ni Nanay. Hirap pa rin sa academics pero alam ko sa sarili ko na kaya ko. Inis na sa love life pero manageable. Nakagagawa pa rin ako ng kasalanan pero ‘di nakakalimot mag-sorry. Hindi nakakalimot magpasalamat. Kaso dumating itong threat ng COVID-19. May community quarantine. It was exactly a week ago na muntik na akong magpakamatay ulit.
A week ago, nahulog ako sa hagdan and I had ruptured tendons sa right foot ko. Yun yung araw na balak ko sanang gawing excuse yung pag-jog para makadalo sa pagsamba namin sa loob lang rin ng naman ng subdivision namin. Kaso ayun nga, walang bumabyaheng mga tricycle at hindi ko kakayanin maglakad. Naisip ko na baka ayun na yung time na dapat sabihin ko na kay Nanay lahat. I mustered up all of my courage at tumawag kay Nanay sa work niya para magpaalam umalis. “Ayoko” lang ang sagot niya sa akin. Even though sabi ko may susundo at maghahatid sa akin pauwi, “ayoko” lang sagot niya sa akin. Nagulat ako na bigla siyang umuwi. Ipapahiya niya raw yung mga susundo sa akin. Wala raw akong utang na loob. Hindi raw ba ako nag-iisip. Tarantado daw ako. Mana daw ako sa papa ko. Ang sama-sama ko daw. Hindi ako nagsasalita. Ayokong magsalita. Muntik niya na akong hampasin ng pamalo ng labada. Natakot ako kay Nanay. Natakot ako sa kanya for the first time. Nanginginig ako sa takot. Ako daw papatay sa kanya. Sasaksakin niya kaya ako? Papatayin niya nalang kaya ako? Alam ko sa sarili ko na hindi niya yun gagawin pero natatakot ako nung time na yun. Pero alam mo ba kung ano naisip ko nnung time na yun? Kung wala ako, walang poproblemahin si Nanay. Alam ko sa sarili ko na napaka-walang kwenta kong anak at apo. Masama ugali ko. Minsan nakakalimot ako sa duties and responsibilities ko sa bahay. Minsan sumasagot ako ng pabalang. Madali ako mainis at magalit. Naisip ko nun bago ako makatulog na it’s best for me to die. Para bawas pasakit na rin sa kanila. I woke up at 2 am. I went straight to the kitchen to grab a knife. Akala ko kaya kong gawin, pero after kong makita na may dugo na sa kamay ko, hindi ko na natuloy. Nasugatan ko lang sarili ko sa dibdib. Hindi ko na siya naibaon. Hindi ko kayang saktan sarili ko. Natulog lang ako nang natulog. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko kinakausap si Nanay. I felt so sad na parang gusto ko lang matulog nang matulog. Naubusan na ako ng luha.
Days passed and I realized na hindi na ako napapatawa ng mga usual na nagpapatawa sakin. Kahit anong variety show panuorin ko, hindi na ako natutuwa. Hindi ako makakanta. Hindi ko mabuka mga labi ko. Nagsasawa ako agad sa pakikinig ng music. Akala ko, hindi ako o-okay. It has been exactly a week when I felt like the world had left me. Ang dami kong na-realize.
I forgot to pray and ask for help. Alam kong mahal ako ng lola ko, and I have to understand na we have different beliefs. I am not alone in this world. I am strong and I can pass these difficulties in my life. Alam kong kaya ko with Him.
Minsan talaga nasa taas ka ng hagdan, minsan mahuhulog ka. Minsan kailangan mong bagalan ang pag-akyat, minsan mabilis ka masyado sa pagbaba. Siguro yung nangyari sakin na pagkahulog, oo, biglaang bagsak, pero after gumaling ng paa ko, makakaakyat ulit ako sa taas. Magiging maayos din ang lahat in time, I believe. Hindi ko man maipapangako na everyday would be okay, I can promise na hindi ako susuko sa buhay dahil alam kong walang pagsubok na ibibigay ang Ama na hindi ko kakayanin.