Tungkol sa mga kaibigan kong ‘PUMAPAG-IBIG’
Habang ako ay heto, dakilang tagapakinig
Sa mga kwentong ‘NOON’ nila
Puro na lang buti pa noon
Sana yung ngayon, katulad nung noon, noon, noon
Ano bang meron sa noon, bat di ka makamove-on?
Yun ang tanong ko sa kanila
Tila tanong ng isang manhid
Tulad ko, hanggang ngayon sa cashier 12 pumipila
At never sa lalaking hapdi at sakit ang hatid
Sa crush n’yang mas confuse pa sa gender n’ya at hindi sa
Kung ano ba ang meron sila, eh tanga, umasa
Sabi nila munting prinsesa
Pero ang totoo, munting ‘just friend’ na asang-asa
Na sa ikot la salle makakahanap ng forever
Kay fake na father, nagsumpaan
Tapos, anong nangyari? Edi ayun, naglokohan
Di nagpakita, di nagparamdam, biglang nawala
Eto last na, nagsimula sa ‘DAW’
Ayun, ending, isang halimaw
Na, hay, nagpatunay na meron siyang pakiramdam
Kaya sa huli, pag alis ni boy, siya’y nagdamdam
Buti na lang, absent ako nung
Nagpaulan ng feelings, atleast
Wala akong kwentong ‘NOON’ na nasa mahabang list
Buti na lang talaga, dahil diyan, all I can say is
Okay lang, kaya naman ako
At hindi alamin kung kelan ako ikakasal
Sa taong may pangako, sa huli ay ipapako
Pero wait, hindi ako bitter
At lalong hindi ako hater
Dahil sa akin may mas important na mga matter
Like, pag pasa sa physics, hindi pag hanap ng lover
Sorry sa kung ano pa man yan
Di ko kasalanang nagpauto ka kay kupido
At naghabol, kaya sorry, isa kang stupido
Ang dami ko bang sinasabi?
Sorry ha, ang daldal ko kasi
Sino ba naman kasi ako, ako lang si Rica
Walang pakiramdam, dakilang manhid, puro chika