This was supposed to be sent nye 2020 but only had the chance 1st week of that year lol. pero nasend ko padin yay haha
Hello!! Idk if kailangan ko pa to gawin pero gagawin ko nalang din. Heheheheheheehehehhe. Magiging madrama ako sa huling pagkakataon (na malalaman mo) lol haha! Salamat.. hehe. Gago solid lahat ng pinagsamahan natin. Pero syempre tinuan naman na natin. Doon na tayo sa tama.
Di ko alam kung ano pang dapat kong sabihin, kasi malinaw naman na lahat. Dko alam bakit mo pa ginagawa yung mga ginagawa mo. Para ano? Haha! Dba ang labo. Hindi ko alam bakit kailangan aabot tayo sa ganito. Effort na effort ako wag ka pansinin tapos bgla lagi may susulpot sulpot galing sayo. Tangina. Syempre papansinin kita kahit matagal, d ako maka tiis eh.
Grabe hahaha wala na binugbog na ako masyado ng 2019. Hanggang sa huling araw pota dami pasabog. Wasak na wasak ako. Minsan alam mo gusto ko na maging selfish. Gusto ko ibalik sayo lahat ng nararamdaman ko. Pero wala naman point. Mapapahiya lang tayo.
Kaya hanggang sa huli, gusto ko sana maging masaya ka. Sa mga desisyon mo, sa mga pinili mo. Hahahahaha thank you hindi mo ako sinusukuan. Pero ako nalang yung susuko. Kahit parang ang hirap, kasi maski daan pauwi putangina naiisip kita pota ka. Yung daan na dinadaanan natin tapos mag yoyosi, hindi yon yung dinadaanan namin. Pero ngayon nadadalas don dumaan putangina haha ang sakit.
I advance ko na yung speech ko sa kasal mo, kasi tangina mo bakit ako pupunta don napaka kampon ka talaga ng hudas inimbita mo pa ako gago ka ba???!!! Joke ba ako? Hahahahah. Ginagago mo ako? Hindi swerte si --- sayo kasi masama kang tao. Hindi ka nya deserve. Oo ganyan sasabihin ko. Hahahaha wag ka na mag hanap ng panibagong yang, maawa ka sa asawa mo. Shet hirap itype non ah. Sakit sa dibdib! Haha. Ayon, sana maging masaya kayo habang miserable ako. Charot HAHAHAHAHAHAHAHAHA magiging okay din ako.
Linawin ko lang ha, hindi ako galit sayo. Masakit lang talaga. Kaya sana maintindihan mo bakit ako na yung lalayo. Kahit dko gusto, ginusto ko nalang.
Pwede mag tanong? Hahahaha bakit mo sakin pinaparamdam na parang gusto mo naman ako pero magpapakasal ka? Sagutin mo please para wala na akong tanong.
Siguro kinailangan ko lang sabihin sayo tong mga nararamdaman ko para mabawasan. Kasi wala naman akong ibang mapapagsabihan eh. Ikaw lang.
Dko naman itatanggi na namimiss kita. Kausap, kasama, hg oh!!! Charing haha no more hg boi. Dnanga kita makausap eh. Happy new year. This is me letting you go.