It's my 4 year anniversary on Tumblr 🥳

Product Placement
i don't do bad sauce passes
d e v o n

blake kathryn
🪼
TVSTRANGERTHINGS

JBB: An Artblog!
Today's Document
art blog(derogatory)
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

#extradirty
Three Goblin Art
dirt enthusiast
occasionally subtle
almost home
AnasAbdin
we're not kids anymore.
NASA
Stranger Things
taylor price
seen from Türkiye

seen from Türkiye

seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Indonesia

seen from Austria
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@binibini-sa-mrt
It's my 4 year anniversary on Tumblr 🥳
ang draining naman ng setup sa mundong meron tayo. kailan kaya lilinaw lahat ng 'to?
always liked but never pursued. awts
grabe ang disappointment na na-feel ko sa sarili ko today. ang hirap pala talagang pumunta bigla sa lugar na alam mong lahat bago. malayo na sa nakasanayan mo. looking forward na makabawi ako sa performance ko, especially sa acads. ayoko na mapangunahan ng takot at kaba. pls. kailangan ko na harapin 'tong reality na 'to. i know, mao-overcome ko rin lahat ng nararamdaman kong kakaiba sa space na meron ako ngayon. hay.
happy 2nd of September! •́ ‿ ,•̀
hindi na ako nakapag-ipon ng february ganaps dahil puro schoolworks na ulit :(( anways, congrats pa rin dahil na-survive ang unang month for 2nd sem! 4 months to go 💀 happy 2nd day of march, tumblr! late na rin ako ng 1 day amp >.<
January Ganaps ♡
---
01.01.2022 | New Year's Eve ❤️
really had fun nung gabi na 'to at tuwang-tuwa ako kasi finally!!! nagkaroon din kami ng family picture during the new year's eve hahahaha lol di kasi ma-picture ang fam ko "_"
Foodtrips + Cravings 💛
first pizza, kariman & lumpiang gulay for the year 2022 🤣 yummerz, trip ko lang sila picture-an kasi magnonote sana ako everyday, tapos sasamahan ko sana ng pictures, kaso hindi ko rin naituloy... hehehehe
01.06.2022 | Went to Outlets with TD 💜
unang gala namin 'to ng barkada ko ngayong year. masaya. first time ko rin sa lugar na yon, lol. nakakatuwa kasi dami naming pictures kasi sinulit na rin talaga namin dahil hindi namin alam kailan ulit ang next na kita namin. college, you're stressing us out. chariz
01.20.2022 | Fiesta + Babysitting 🤣
sulit na sulit naman din ang araw na 'to lalo na't sama-sama kaming magkakapitbahay sa iisang bahay hahaha ito favorite ko dito samin eh, para kaming family lalo na pag may okasyon <3 sana hindi magbago. nag-babysit din ako ng mga cute na bb 🤣 kumain din naman sila at nakipaglaro sakin eh, hay, cucute talaga ng mga bata. sana bata nalang ulit ako.
19th Birthday Celebration 🤍
yay, 19 na nga ako. wow. hindi ko pa rin maisip na... hahahaha 19 na ako??? lol. pagkagising ko, tumawag mga pinsan kong bata tapos pinag-blow nila ako ng candle sa mamon huhu ang cucute, love na love ako. excited na excited pang bumati. 😭❤️ nagpunta rin akong simbahan bago kami lumabas ng fam ko. muntik pa akong di papasukin ni kuya guard hahahaha nasabi ko tuloy na birthday ko that day para pagbigyan ako 🤣 masaya ako kasi kasama ko fam ko & nakain ko rin mga gusto kong kainin hehehe dami rin bumati sakin, cuties <3 again, thank You po, Lord. ( ◜‿◝ )♡
First Meet with Baby Zi 💙
two weeks after nung makauwi yung pamangkin namin sa pinsan, finally!! nakita & nalapitan din namin si baby zi for the first time. cutie bb. may lalaruin na ulit kaming bata dito hehe
01.25.2022 | Gala with Bestfriend 🖤
first coffee shop date namin 'to, grabe. unexpected yung lasa ng drinks namin pero sulit naman ang stay at nakapag-picture din kami nang maayos hahahahahaha lol 😭 it was a fun date, chill lang + treat na rin sa mga sarili namin dahil naka-survive kami ng first sem & eto na nga... 2nd sem na :< hehe good luck din po sa mga college students dyan ^_^
---
1 down, 11 to go. kaya pa ba? kaya!! God bless, everyone! ❤️ hello, February. pls be good to us. lalo ngayong 2nd sem. eme 😭
hi, tumblr. i still exist. :)
first of all, happy new year po sa inyo! sorry po, late na ako ng 12 days. sabi ko sa sarili ko, babalik na akong tumblr pag nag-January, para kako fresh start. eme. hmm. so far, medyo di ko pa feel ang sarili ko for 2022. sadt. pero syempre, di ko naman hahayaan na maiwan nalang akong ganito. i ended my year na masaya. ang daming blessings. lalo sa acads. and sobrang thankful ako dun. in few days, tatanda na naman ako ng isang taon. ang hiling ko lang ay sana, kahit konting progress, maging better na ang sitwasyon sa bansang 'to, sa buong mundo. sana rin, matulungan at madisiplina ko ang sarili ko. and lastly, manatiling healthy ang mga tao sa buhay ko. have a great year ahead, tumblr peeps! ( ◜‿◝ ) hindi man ganun kaganda ang pasok ng taon sa ilan satin, balang araw, aayon din ang panahon, hindi tayo mananatili sa sitwasyong ayaw natin, unti-unti, giginhawa rin. 🤗🤍
My First Week As a College Student
Monday— 08.16.2021
first day!!! >.< wala naman kaming sched this day, pero may virtual flag ceremony ang campus namin, kaya um-attend ako kahit ang aga-aga (6:30 am). halos maghapon lang kami nakaabang sa gc namin about sa magiging ganap sa mga susunod na oras. unti-unti na rin nagsisi-sulputan ang ang invitations ng profs namin sa google classroom. yun lang naman. kinagabihan, nag-abang lang kami ng update para sa kinabukasan na schedule.
+ special update (chour): ngayong araw, may nakilala akong kaklase ng bestfriend ko, na magaling kumanta <333 hay, paraluman ~
Tuesday— 08.17.2021
first ever meeting as a college student. nag-meeting kami ng 7-8 am. yung oras talaga dapat namin ay 7-9 am, eh dahil orientation pa nga lang naman daw, hindi na muna inubos ng prof namin ang oras. nagpakilala kami, open cam. puro lalaki ang kaklase ko kaya awkward na awkward ako kasi yung screen ko, puro lalaki nakikita ko, tapos dagdag mo pa na lalaki rin yung prof namin hahahahaha lol. isipin mo naman, out of 45 students, 10 lang kaming mga babae >.< buti nalang talaga, kasama ko yung kaibigan kong lalaki na ka-close ko na rin. hmm, ano pa ba??? aaah, oo nga pala. nag-celebrate kami ng birthday ng kapitbahay namin na bata nung hapon. pero naalala ko rin na... nitong araw ako umiyak dahil dami ko masyadong naisip tungkol sa bagong environment na gagalawan ko. kasi isa nalang natira kong kasama eh, hiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko mismo na kasama ko sa mga huling taon ko as a highschool student :(( miss na miss ko sila nung time na 'to, walang ibang laman utak ko kundi sana kasama ko pa rin sila, ganon. nitong araw din na 'to ko naramdaman yung pressure, ewan ko ba. bigla-bigla akong kinabahan, bigla-bigla akong napaisip kung paano ang mga susunod kong araw, kung kakayanin ko ba... hay. pero ayon, umiyak lang naman ako nung gabi para magpagaan ng loob, and it really helped me :)) siguro, miss ko lang din talaga ang mga kaibigan ko, at natatakot ako sa possibility na baka mahirapan akong mag-adjust sa mga bagong tao na makakasama ko sa college life ko, lalo na't online classes pa rin ngayong school year. hindi ganun kadali.
Wednesday— 08.18.2021
may 2 meetings lang kami nitong araw, pero dahil yung isa ay ginawa nalang na asynchronous class, 1 meeting nalang ang natira. yung 1 meeting na yon, nag-announce yung teacher namin na may lakad sya this day, so... wala rin kaming meeting sa subject na yon. nag-post lang yung isang prof namin sa google classroom na magsaliksik daw about sa lesson na ididiscuss namin next week (formal classes na kasi). wala masyadong ganap nung araw na 'to. nag-search lang ako at nagbasa-basa about sa dalawang subject namin this day.
Thursday—08.19.2021
jusko, my first ever stressful day as a college student. napakaraming ganap ng araw na 'to, psh. nawalan kami ng net bago ako mag-start ng first meeting for this day >.< 5 mins nalang before the time, wala pa rin!!! buti nalang nandito yung pinsan ko. sanay sya gumamit ng data for online classes. sa sobrang taranta ko, naiyak pa ako bago mag-ayos ng gagamitin. first time ko kasi maranasan na mawalan ng net bago magsimula ang online class. isa pang dahilan bakit nataranta ako, first meeting namin with our prof sa subject na yon. tapos yon, napakalma naman ako ng pinsan ko, talagang inalalayan ako sa pag-aayos ng set up ko sa kwarto nya hahahaha problemadong-problemado ako kaya halos inabot nalang nya sakin mga kailangan ko. grabe talaga, sobrang thankful ko sa pinsan ko lalo nung oras na yon. after ng meeting, mga 45 minutes later, nagkaroon na ng net. ilang oras nalang, aattend na ulit ako ng meeting namin. ibang prof and subject naman. amp, 15 minutes before the time, nawalan naman kami bigla ng power!!! hahahahahahaha sabi ng nanay ko, "ate, ayaw ka ata talaga pa-attend-in sa online class nyo." >.< tapos yun, takbo ulit ako sa mga pinsan ko. gamit ko ulit phone & data nya. napakalaking tulong talaga. 2 meetings pa aattend-an ko that time, tapos walang power, buti umabot yung data& battery ng phone ng pinsan ko. hay, feel na feel kong di pabor ang araw na 'to sakin nung mga oras na yon.
Friday— 08.20.2021
wala kaming schedule, hehehehe <3 nagbasa lang ako ng lesson package na sinend ng prof namin sa isang subject. sabi nya kasi, puro readings daw talaga kami sa subject nya, kaya ayon, mas mabuti nang nakakapagbasa-basa, history pa man din :> kailangan sipagan, required! hahahahahaha lol
How to start again ✨
delete apps and social media that lowers your mood
wear a new scent, throw away things you don’t need, delete contacts of people who make you feel unworthy, unfollow social media that makes you feel bad in any way
make a new playlist that makes you feel confident and happy
in a journal, write down why you want to change, the traits of the person you truly want to be, the places you want to go and people that make you feel inspired
write down the things that stop you and bad habits you have, and replace those with new mindsets and habits
before you sleep, make a detailed, achievable routine for the next day, that includes everything you want to do, including activities that genuinely make you happy
try new hobbies, like baking/cooking, playing a musical instrument, making art, learning a new skill, a sport, or a new language. you can easily get free resources online
think about the ideal version of yourself. you can be like that, if you try your best and work hard.
do not overwork yourself or set overly lofty daily goals and forget to do things like drink water. make your sleep and health your number one priority.
spend less time on your phone scrolling through social media. have a method of focusing on other things, like Pomodoro method or using the Forest app.
if you can’t concentrate, commit yourself to doing it for 5 minutes. once you get into the flow it’s much easier to concentrate.
be patient and kind with yourself. it’s hard to change overnight. you’re the only one who can help change you, so be a friend to yourself.
once you start something, promise yourself you will finish it.
have new weekly routines, like going to a cafe every Wednesday afternoon or indulging in your favourite tv show every Friday night.
do not deny yourself of good things; there needs to be a balance. similarly, do not be too generous and overdo it too much.
dedicate a day to clean your room and organize your things if you feel stressed out.
it may feel scary to change, as you may feel like it’s not the real you. but you’re still you, just the best version of yourself.
have a relaxing morning routine to look forward to, like making a nice breakfast, having a skin care routine, stretches, journalling, or thinking about nothing for a few minutes
have a mental image that makes you excited to do something. visualize yourself completing the goal and concentrate on it every morning.
however, learn not to rely on motivation because your brain will often turn off motivation, especially when you first begin something. have a routine, a specific time to do something, and do it.
notice the places and people that drain your energy, and try to avoid them. find people who make you feel energized and places that calm you.
think about an enjoyable part of something. for example, when studying you can look forward to learning new things and when exercising, listening to calming music or using nice stationery. it’s actually more fun than you think.
even though it’s hard, don’t compare yourself. you’re on your own path, and it doesn’t matter if people are better than you, because there will always be someone better than everyone. don’t be afraid to suck. so draw badly, write bad poems, run slowly, make embarrassing mistakes and fail everything. you can’t be good at something unless you’re terrible at something first. and doing anything badly is so much better than doing nothing.
don’t tell anyone about your new beginning, just start and let the results speak for themselves.
you can change and be your ideal self. but it will be hard to do that if you don’t believe in yourself. so make sure you challenge negative thoughts telling you can’t do something. tell yourself firmly that you can do it and then prove your negative thoughts wrong.
ikaw lang ang siyang inibig, ikaw lang ang iibigin
wala lang, gusto ko lang damhin yung kantang 'to ngayong gabi, lol. good night, tumblr! <3 sana makapagkwento ako bukas ng mga ganap sa first week of my online classes as a college student, hehe :>
in the mood to cry all night
How My Last Days of Vacation Went
Monday— 08.09.2021
umalis ako kasama ang pinsan ko para magpasa ng requirements for educational financial assistance. kasama namin yung bestfriend at boyfriend nya, lol. tawang-tawa kami ni d (bestfriend), buti kako sumama sya at sumama ako, kasi kung hindi, malamang sa malamang, third wheel ang isa sa amin hahahahaha >.< ayon, pumunta rin ako sa school ko ngayong college dahil may pina-certify ako na requirements din for another educational financial assistance. kumain lang kami after non tas sinamahan yung boyfriend ng pinsan ko na bumili ng mga gamit para sa tindahan sa kanila. tas pag-uwi, alam kong pagod na ako non eh, pero pinilit ko pa rin na makapag-bike. para masulit ko mismo mga natitirang araw ng bakasyon ko hahahaha lol.
Tuesday— 08.10.2021
nagkita-kita kami ng mga kabarkada ko. bumisita kami sa bahay ng isa naming kaibigan at doon tumambay. ang malas nga lang talaga noong umaga dahil biglaang buhos ng ulan na napakalakas habang nasa byahe kami, hmp >_< pero ayon, masaya. lagi namang masaya pag sama-sama hahahahaha bumili lang kami ng uulamin tas kami na nagluto, tas snacks. tapos super daming chika, as in. sobrang tagal kasi nung huling nakumpleto kami, years ago na rin. nakakatuwa na comfy pa rin sa isa't-isa kahit papaano. nakakapag-share din, nakakapag-open. hay, nagmamature na rin talaga ang mga kaibigan ko, kami, as a person mismo. and natutuwa ako na nakikita namin sa isa't-isa yon, at nasusubaybayan din namin ang isa't-isa. masaya, sobrang saya. biglaan. surprised talaga yung kaibigan namin at walang ka-clue clue na dadating kami hahahahaha buti at nagawa pa rin namin 'to bago mag-start ang mga klase ng bawat isa.
Thursday— 08.12.2021
birthday ng bestfriend ng kapatid ko. may handaan sa place ng lolo nya sa father side kaya doon kami pumunta. ang daming handa, nakakatuwa. nagpa-swimming din ang nanay nya <333 ang saya-saya. parang kaming super close na magkakapitbahay dito samin, nagkaroon bigla ng outing hahahaha tipong excited lahat, handang-handa ang mga panligo, dahil may mga bata rin kasi na kasama. nakakatuwa nga kasi para kaming nagkaroon ng family day HAHAHAHAHAHAHAHA tapos yun, ginabi kami don. malayo-layo ang byahe, halos 25 minutes din. ang saya. nakakatakot nga lang sa place papunta sa pool dahil medyo bukid na kasi yung lugar, madilim, puro puno. tinatakot pa ko ni ate a >.< hahaha buti kasama rin yong si ate a, may kachikahan ako sa buong araw hahahahaha ayon, thankful ako na nagawa namin 'to ngayong taon kahit papaano :>
Friday— 08.13.2021
wala naman talaga akong lakad dapat nitong araw na 'to eh, kaso nagkaroon biglaan. kinailangan kong sumama sa nanay ko sa pagpapasa ng requirements ko para sa educational financial assistance dahil sa signature don sa papel na fifill-up-an hahahaha tas yon, sumaglit kami sa avon. tuwa rin naman sya dahil hila-hila nya ako at walang time limit dahil wala namang problema sakin ang mga ganon hahahaha kasi pag yung tatay ko kasama ng nanay ko, laging naiinip at gusto agad umuwi >.< yon, nagkaroon kami ng saglit na lakad ng nanay ko alone. tapos pag-uwi namin, niyaya ako ng pinsan ko magpunta ng puregold. nag-cashout lang sya sa gcash tas saktong may kailangan din naman akong bilhin. bumili rin sya ng konting pagkain para sa kanila ng kapatid nya. pag-uwi namin, kumain kaming ice cream, o-puff, at yung yahoo na tinapay na chocolate hihihi <3 nagkwentuhan kaming magpipinsan sa kwarto nila sa taas, nag-chill lang konti, lumamon, nagtawanan. nagkabit din pala kami ng led lights sa kisame nila, taray hahahahahaha
Sunday— 08.15.2021
huling araw na ng bakasyon ko huhu, final na ba talaga? hindi na ba pwede i-extend? :(( hahahaha charot. productive ako today!!! <3 hehe. pinilit ko talaga na matapos agad ang mga gawain ko bago ako humawak sa gadget. kinakabahan na ako sobra para bukas kasi start na nga namin. kaya pinilit ko rin na mai-type lahat ng 'to ngayong gabi hahahahaha lol tapos yun, after nito, matutulog na rin ako. kanina pa ako nakapag-toothbrush eh hahahaha ready na matulog. good luck nalang din talaga. sana magising ako. sana...
yun lang naman, good night, tumblr! <3 simula na ulit bukas ng bagong yugto ng buhay ko, charot. Lord, pakigising po ako, pls :< hahahahaha lol, self, good luck sa pagbangon :>
Friyay! ✨
haaay, nakakapagod na nakakatuwa ang araw na 'to. maghapon lang ako sa bahay at marami-rami akong nagawa, syempre mga gawaing-bahay lang din hahahaha lol >.< umalis kasi parents ko, at sinisipag akong maglinis pag walang tao sa bahay, kaya ayon, napalaban si ate mo gurl HAHAHAHAHAHAHAAHA gusto ko 'tong mga araw na ganitoooo ♡ nagiging chill lang din sya sakin kasi hindi ako humahawak sa gadget, tamang sounds lang habang gumagawa ng mga gawain. ang tahi-tahimik pa ng bahay namin, tapos si mochi (aso namin), ang lungkot-lungkot kasi wala nanay ko hahahaha wawa bb. gabi na rin sila nakauwi, at pagkauwi nila ay kumain na rin kami agad. palapit na nang palapit pasukan namin, sinusulit ko na rin mga oras ko na makakakilos pa ako nang maluwag dito sa bahay. kinakabahan na ako, sa totoo lang. Lord, Kayo na po bahala :>
hi again, tumblr
sa mga nakalipas na araw, may adjustments naman akong nagawa. hindi na ako super kulong sa mga thoughts ko, and hindi ko na rin hinahayaan na lumipas ang araw na wala akong nagagawa, lol. pero yung body clock ko, hirap pa rin mag-adjust. late pa rin tulog ko kahit maaga akong pumipikit. tipong mahigit isang oras na akong nakapikit, pero alam kong gising pa rin ako. ewan ko ba, basta ang mahalaga sakin ngayon, naa-adjust ko na oras ng tulog ko. nakaka-drain kasi pag late ang tulog, pagkagising mo kinabukasan, parang ang ikli na ng araw na tatahakin mo, kasi late na rin ang gising, lol.
Sunday— 08.01.2021
nagkita kami ng isa sa mga bestfriends ko. inaya nya akong lumabas dahil matagal na rin nga kaming di nagkikita at nagkakasama, 6 months na ata lumipas nung huli kaming nagkita. nagyaya rin kami sa mga kabarkada namin, kaso hindi sila available dahil may ilang gawain pa rin sila. kumain lang kami at nagkwentuhan. ilang oras lang din kami magkasama eh, almost 3 hours lang ata? kasi 4 pm na kami nakapagkita tapos bawal naman gabihin ng uwi kaya 7 pm eh nakalabas na rin agad kami ng mall. nag-grocery lang din sya ng mga kailangan sa bahay at bumili lang ako ng ipapasalubong dito sa bahay hahahaha >.< ayon, nabuhayan naman ako, magandang bungad sa unang araw ng Agosto. nakakatuwa kasi di pa rin nagbabago closeness namin. dami rin namin naikwento at masaya akong updated pa rin naman kami sa buhay ng isa't isa kahit papano <3
Tuesday— 08.03.2021
nakipagkita ulit ako sa mga kaibigan ko. ngayong araw na 'to, nakasama ko ang dalawa kong bestfriend. nagpasa kami ng requirements for financial assistance na nabalitaan din namin sa mga kaibigan namin. nakakatuwa. sobrang unexpected. biglaan din dahil hapon naman na ng Monday kami nakapag-decide na tumuloy na rin agad kinabukasan. hapon na rin kami nakapagkita at ilang oras lang din kaming nagsama. masaya. masaya ang mga nagdaang-araw. masayang makipagkwentuhan pa rin sa mga kaibigan in person, kesa sa chat. namiss ko ang dalawang yon. sobra. tapos itong lakad namin na 'to, hindi sobrang gastos. yung gastos namin, tamang pang-kain lang, pamasahe. pinakamasayang part siguro ay ang pagkukwentuhan pa rin. ang chill. hay, ang saya lang. sana maulit pa. mabuti at nagawa namin 'to bago kami magpasukan. August 16 kasi ang start of classes namin as a college student. hmm, college hahahahaha good luck nalang talaga samin >.<
di ko talaga ma-feel sarili ko lately. alam ko namang okay lang na hindi araw-araw productive, alam ko naman na okay lang na mamahinga muna, pero... argh, sira body clock ko, feel ko walang kwenta bawat araw ko pag walang nagagawa, nakakasabaw pala talaga 'to. sana hindi ako bumalik sa dating ako na matagal ko na rin iniwan, lol.
huminahon ka kahit sandali nabalutan ng lungkot ang 'yong mga ngiti huminahon ka kahit minsan ako ang iyong ligtas na tahanan
aaaa, thank you kasi nag-play ka. i badly need some comfort. dami kong isipin ngayon at... hay, salamat. 🤍
I’m ok. I’m gonna be ok. I’m gonna live a beautiful life and I’ll get to know beautiful people. I will create things of beauty and be surrounded by flowers. And I’ll love myself, and I’ll be soft, I’ll be kind. And I’ll be ok.