This Might End Up a Story
Chapter 15
Reaction Paper
Una, para sa akin,hindi kailangan magpasalamat ni Leng sa readers na patuloy na nagbabasa, kasi dapat kami nga yung magpasalamat kasi tinutuloy niya pa din ‘to kahit sobrang tagal na. Hehehe. Tapos, wala eh. Feeling ko kulang ang buhay ko pag walang update ng TMEUAS. Ewan ko, parang outlet ko to ng hugot emotions eh. Kasi di madrama ang buhay ko, THANK GOD! Pero gusto ko makita or mafeel yung totoong sakit and all. Wag naman sana sakin lahat mapunta yun. Mga konting-konti lang. Ayoko naman ng wala, kasi walang spice kumabaga.
Okay eto na. Per scene talaga to. hahaha.
Sa totoo lang hindi na ako nagulat dun sa sagot ni Barbs kung bakit si Seth eh. Pero shit. Yung sakit, sobra. Ganun siguro talaga no? Yung na-anticipate mo na yung mangyayari, yet you’ll never know the degree of pain you’ll get. Alam mong masasaktan ka, but not the extent of how hurt you’ll be.
Tapos, yung line talaga na ito yung gusto ko. Yung “Hindi porke may gusto ako sayo magagamit mo na ako. Hindi ako tanga” ni Seth. Ang sakit nun sobra. Hindi ko alam kung gaano pa lalo kung sa buhay ko talaga yun. Ito ngang fiction lang ang sakit na paano pa kaya? Yes, you may love a person all you want but leave something for yourself. Magtira ka para sa sarili mo para kahit anong mangyari may matitira. Bilib talaga ko kay Seth on that part kasi alam mong buo siya. Alam mong hindi siya joke time lang. Mararamdaman mong super genuine niya. Na yung kabuuan ng pagkatao niya nagraradiate ng goodvibes sa akin kahit sobrang sakit nung scene. (Parang tanga lang, umiiyak ako dito).
Sa explanation ni Barbs, okay. Natuwa ako sa part na inamin niyang walang kasalanan si Cyrus kasi nag-assume siya. Siya ang dapat sisihin dun. Tapos dumating sa part na (alam ko) naguguluhan na si Cyrus kung ano ba si B sa kanya. Heck, ito talaga yung simula pa lang sa IIF pinaglalaban ko na. The “you’re worth the embarrassment”, “I went to the wrong house”, saka “Mahal kita.” spiel ni Cyrus, ramdam ko na naguguluhan din siya. Kaya nga ayaw niyang magbigay ng concrete something sa relasyon nila ni Barbs kasi siya mismo alam niyang hindi siya sigurado.
Gamitin ko yung tweet ni Leng, yung may something na kulang kay Cyrus na sinabi ni Tatin. Sobrang pinag-isipan ko yun at hanggang ngayon di ko pa rin alam. Feeling ko, sa kaibuturan kasi ng puso ni Cy, or sa pagkatao niya, hindi rin siya buo. Kasi alam natin yung secret niya di ba? Ito ay opinion ko lang. Natatakot din si Cyrus sa relationship kasi dib a si Tatin naghanap din ng iba? Kasi may kulang kay Cyrus. At ayaw ko man tanggapin pero feeling ko yun yung pagiging genuine saka yung parang feel mo safe ka sa kanya. Kasi siya mismo hindi buo. Hindi ko pa rin talaga alam. Joke lang to. Hahahaha!
Going back. At some point yung puso ko sinasabing mag-Sethrang ka na. Yes. (at habang tinatype ko to, lumuluha ako. Ang hirap hahaha. Pinanindigan mo for two years tas bibitawan mo kasi nalaman mong hindi naman pala masama si Seth). Hahahaha. Joke time ata tong reaction paper ko eh. Wala man lang quotable quotes. Lol
Dahil walang experience si B kung ano ang love, sinabi niyang “kilig” lang talaga yung kay Cyrus at wala ng iba. Ang sakit grabe. Maka-Cyrus talaga ko. Wag ko sanang pagsisihan to sa huli. At yung kung anumang meron sila ni Seth, yun yung love talaga. Double kill for me! Kasi kahit ako, sang-ayon dito. Masakit man isipin pero tama si Barbs, clouded kasi siya ng overwhelming situations dagdagan mo pa ng alternate universe niya sa wattpad. Sabog ang puso at utak. At hindi ko rin siya pwedeng sisihin na ibuntong lahat ng sisi kay Cyrus kasi yung personality niya ay ganun simula pa lang. Na siya lagi ang tama at sa iba isisi yung bagay na hindi niya maadmit. Saklap.
“It all felt like a challenge.” Triple kill! Sapul na naman. Medyo ganto din naisip ko kay Cyrus noon kasi gumalaw lang ulit siya right after niyang malaman na may kakompitensyia siya. Pero, deep inside my heart, iniisip ko may ibang reason siya. Deep inside my heart, nagho-hope ako na mali si Barbs at tunay din naman si Cyrus. Kaso dahil masugid nga akong follower ni Leng, meron siyang tweet na NV “Kung binasa niyo ang IIF ng walang halong kilig kilig, alam niyo na dun pa lang kung sino ang tunay.” E kung sa chapter na ito si Seth na yung ‘tunay’ edi peke na si Cy? O shunga lang ako umintindi talaga? Haaaay.
Ito na.
“You… used me?” Pwede bang i-hug si Seth? Pasintabi sa Sethliz at Sethrang. Kasi sobrang awang-awa ako sa kanya. Oo nga at hindi siya ang manok ko pero kasi, wala naman siyang ibang hinanag kundi ang mapasaya yung mahal niya. Na kahit sa umpisa pa lang alam niya ng talo na siya, hala, sumige pa rin.
There are battles wherein you fight with all your might because you know it’s worth it. There are battles you have to surrender because you knew you’re just going to lose from the beginning. There are fights not worth fighting for. There are fights wherein you’ll realize that you’re the only one fighting.
Hindi mo alam, ikaw na nga yung lumaban, ikaw pa rin pala talaga yung talo. But Seth took all the risk of getting his heart broken and getting his life wrecked by the girl she love. Ugh! Things you’ll do for love. Pero kahit alam niyang ganun naman talaga simula pa lang, nasaktan pa rin siya. Katulad ng sabi ko kanina, hindi mo maireready yung sarili mo sa degree ng sakit na mararamdaman mo. Worst is that, hindi pala tama yung in-assume mo.
Yung ayaw ng margining muna ni Seth na mahal siya ni Barbs kasi kahit nafefeel niya yun, sobrang nasaktan siya at sobrang hindi niya alam yung lugar niya. Ang sakit nito. Kasi nafefeel mo pero di mo alam kung legit ba kasi second option ka lang. L (iyak na naman)
Ang haba ng sinabi ni Seth regarding sa wound part, pero sa medaling salita, yung pinakamasakit ay “panakip butas” lang siya. Correct me if I’m wrong but that’s how I see it based sa sinabi ni Seth, hindi niya lang maidirektang masabi. Ayokong magcomment dito. Huhuhuhu
Happiness and Euphoria. Nag-iba bigla tingin ko sa mundo. Hehehehe!
Hiramin ko yung line ni Troy sa Training to Love ni Ate Jonah. NV “I can’t lose myself to you just because I love you.” Di ba? Ang sakit, iniyakan ko yan noon. Kasi kahit gaano mo kamahal yung tao dapat alam mo kung lalaban ka pa o susuko ka muna. Kaya sa chapter na ito, sobrang bilib ako kay Seth. Imagine, ilang taon lang sila? 17, 18? Jusko, nung panahong yan ang iniisip ko ay problem set sa physics, long exam sa mechanics at reports sa profed. Hehehe.
Ang hilig kasi ni barbs sa what ifs. Yan yung ugali niya na ayaw ko. At kahit sa akin, ayaw kong pag-usapan yung what ifs shit na yan. Kasi para sa akin, pag mahilig ka sa what ifs na yan ibig sabihin hindi ka kuntento sa nangyayari sayo ngayon. Kasi parang may regrets ka pa na sana ganto ganyan. Dapat live your life today. Wag mabuhay na puro what ifs kasi pag ganun hindi ka sasaya. Paulit-ulit ka lang masasaktan kapag may what if ka na mas maganda sana yung kinalabasan kesa sa napili mo.
“Maybe.. we fell in love in the right time, in the right place.. but we’re just not the right person for each other yet.” Yung sa soulmates. Kayo pero hindi pwedeng maging kayo. Kung totohanin nga ni Leng yung mga foreshadowing tweets niya na sisirain niya yung isa sa mga soulmates, at ito yun, then siguro magiging masaya na rin ako. Kasi kahit forever Bayrus ako, atleast sumaya yung Sethrang basta wag lang ma-hang yung closure nung bayrus. Sige na, kahit closure na lang tatanggapin ko na, for as long as masaya silang lahat.
I lost my heart.
Shit. Ramdam mong totoo. Real. Pure. Masakit. Sobra. Speechless ako dito kasi si Barbs, nagsabi ng ganyan sa ate niya? Very not her style. So dito alam mong totoong masakit, totoong sobra na.
So ito na yung pinakreaction ko:
MASAKIT. TAGOS. NAKAKAIYAK. HUGOT. LALIM.
Big blow saming solid bayrus to. Pero feeling ko, this chapter is not about the teams anymore. Parang dun na to sa kung saan maligaya ang nakararami. Kasi, gustuhin ko man sabihing para sa ‘lahat’ alam kong malabo, kasi sa buhay meron at merong masasaktan. Ma-lessen nga lang sana yung casualty ng pusong mamamatay at magiging bato.
Saktan ko ulit sarili ko. #ififall #tmeuas #shirlengtearjerky #wattpad













