P3MC Study III
Soejima Study🔗
seen from Italy
seen from Romania

seen from Germany
seen from United States
seen from Indonesia

seen from India
seen from China

seen from South Korea

seen from India
seen from France
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States

seen from China
seen from China

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States

seen from United States
P3MC Study III
Soejima Study🔗
Can I be your Tonio 🍌in this world full of Nobu? 👺
Kita-kita. Isa na namang pelikula na sobrang tumatak sa akin. Pinasaya, pinatawa, at sobrang pinaiyak ako. (Kanang after sa credits, mauwaw ka kay gikan pa ka og hilak) Napakaganda at mahalaga ng pagkakatagpi-tagpi ng mga kaganapan. This is a story that will make you realize to seize every moment in your life, to appreciate the people around you and to be thankful with every blessing that will come your way. And you will learn na may taong nagmamahal at nakakakita ng halaga mo at meron ka ring mga tao na napapasaya kahit hindi mo nalalaman. Dahil nauso ang pagbilang mula one to ten, ito ang entry ko. Isa. Isa ito sa mga pelikula na pinaghandaan ko talaga, na nasabi ko sa sarili ko " kailangan mapanuod ko."At isa na 'to sa mga maisasali ko sa listahan ng mga paboritong pelikula. Dalawa. Sa dalawang tao lang talaga umiikot ang istorya. Dahil sa ganda ng pagsasaayos ng scenes, hindi mo na nga mapapansin ang ibang karakter ay extra lang talaga. Pagbasa mo sa credits, mapapasabi ka... "Si Alex ug Empoy raman diay to." Tatlo. Tatlong beses akong humagulgol. Isa noong nabulag si Lea (plus the jerk bf in one scene), noong nagtravel silang dalawa. At pangatlo, noong pinakita na ang point-of-view ng karakter ni Tonyo. Apat. Apat na beses akong napaisip ano kayang mga bagay ang dapat maappreciate ko dapat na kinakalimutan ko nalang dahil akala ko typical na nandyan lang. Lima. Sa limang pagkakataon nagnais din akong may taong makakakita ng kabaitan ko sa kanila at maski papaano ay napasaya ko kahit sa mga simpleng bagay lang. Anim. Anim na segundo ko pinigilan ang sarili na huwag magsalita sa loob ng sinehan para lang masabi ang mga naiisip ko, hindi ko kinaya (triggered ako kay Nobu) Pito. Pitong beses (or naghallucinate ra ko) ko nakita ang kaugnayan ng dalawang karakter sa isa't isa gamit ang mga symbolisms at mystery shots nila. Ibang-iba. Walo. Walong pampunas ang nagamit ko para lang mawala ang pumatak at pumapatak na luha mula sa aking mga mata lalong-lalo na nung nagtravel mula si Lea sa mga napuntahan nila ni Tonyo. Siyam. Yan ang biling ng mga taong naiwan sa sinehan matapod ang pelikula at pito sa mga yom ay maintenance personnel nalang. Oo, nagtagal ako sa loob. Masakit pa eh, nakatanga lang ako. Sampu. Sampung pauli-ulit na bilang ang ginawa ko dahil sa sobrang pagtawa at pag-iyak sa pelikulang ito. Humagulgol man ako ng apat na beses, lampas sampo naman ang oag-iyak ko. May mga bagay na mas nakikita natin ang halaga kung hindi natin literal na nakikita. May mga bagay din na minsan nasa harap na natin di pa natin nakikita. Pero ikaw, kita kita. 😊 1-10, anong ibig sabihin ng bilang mo?
Kita kita. Ako'y na-LSS.
“Alam mo ibig sabihin ng Ashiyu?” “Ano?” “Nakikita kita. I see you.”
Translation: “Do you know what Ashiyu means?” “What does it mean?” “I see you.”
KITA KITA
Ilang araw na bang bugbog ang mga kawawang matang walang tulog? Ilang papel na ba ang sinayang para masulat lang ang tula na dapat ay sayo lang? Ilang “bakit” pa ba ang sasagutin para tumigil na sa kakatanong sa hangin? Ilang alak pa ba ang lalaklakin para magising na sa katotohanang di ka na pala akin? At ilang tanong pa ba ang babalakin pang alamin. Para hindi na ito hanapin pa ng plumang hindi matigil sa pagsulat ng storya natin? Tama na. Nakakapagod na. Pero sandali. Di pa ako pagod. Isa pa. Kailan ba maaabot ang bukas para masabing tapos na? Wala na bang pagasang maayos pa? At ako lang ba? Ako lang ba ang may ayaw sa mga salitang yan na habang binibigkas ay sinasabayan pa ng tanong na, ako lang ba? Dahil alam ko. Hindi lang ako. Ay mali. Hindi na ako. Kita kita. May iba ka na.. Habang binabagtas ang daang para bang wala ng bukas. Patuloy pa rin ang tanong sa sariling nakakulong at walang takas. Sa nakaraang walang humpay ang pagbawi ng lakas. Hanggat di pa mabura ang lahat ng bakas. Tuloy tuloy. Sige lang iha, hayaan mo lang dumaloy. Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pang mahalin. Ang relasyong balak mo na palang lisanin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang akong paniwalain. Kung sa una pa lang alam mong di na sapat sa aking piling. Ngayon wag na wag mong sasabihin. Na sana dalawa ang puso mo dahil… Una. Kabobohan. Dahil walang ganyan. Dahil kung mahal mo talaga ang una. Di ka na maghahanap pa ng isa pa. Na kukumpleto sa kakulangan ng nauna. Putangina. Teka lang. Huy, SPG na. Ibahin na natin ang tema. Umpisahan ko ulit sa, Oo nga pala. Kita ko na. Silaw na silaw ka na sa atensyong binibigay niya. Oo nga pala. Kita ko na. Bulag na bulag ka na sa kung ano man ang dulot niya. Oo nga pala. Kita ko na. Hindi ka na pala samin sasaya. Kita kita. Oo nga pala. Isa lang itong palabas. Kaya ang lumalabas. Hindi ka nga pala si Tonyo. Si Tonyong malabong mangiwan sa Tokyo. Ha? Tokyo? Alam ko na, tinotoyo na naman ako. Kaya titigil na ako, loko. Kita mo na? Wala ng balikan pa. Kitang kita ko na kasi. Wala ka man lang bahid ng pagsisisi. Kaya sige hinahayaan ko na. Dahil alam ko na. Wala na. Oo sige, ayawan na. Tama na. AYOKO NA. 😔😭
Cabbage of joy. They say that if you eat cabbage, you become happy. #kitakita #calligraphy #baybayin #cabbage
Saging Lang Ang may puso 😩
Bulag nga ba ang pag - ibig ( is love truly blind ) or does the heart see what the eyes cannot perceive?