Ang ingay ko sa trabaho pero lungkot lungkutan inside. 🤣🤣 Bipolar yarn?!
Cosmic Funnies

★
d e v o n
YOU ARE THE REASON
Sade Olutola
he wasn't even looking at me and he found me
$LAYYYTER
dirt enthusiast

shark vs the universe
we're not kids anymore.
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Stranger Things

❣ Chile in a Photography ❣
tumblr dot com
Mike Driver

JVL
🪼
almost home

roma★

No title available
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Argentina
seen from United States

seen from France

seen from Australia

seen from Germany
seen from Pakistan
seen from India
seen from Germany

seen from Australia

seen from Vietnam

seen from United States

seen from Canada

seen from United States

seen from India
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Mexico
seen from United States
@bonitagal
Ang ingay ko sa trabaho pero lungkot lungkutan inside. 🤣🤣 Bipolar yarn?!
Wala daw trabaho for 6 years? EH MALAMANG! Natalo sa pagka-presidente eh! Saan siya pupunta kung ganun? Kung magsesenador ulit siya after 3 years, eh di hindi siya nakatakbo ngayon??? Eh kung ang goal niya ay Presidential election!
Siguro yung way of pamumuhay namin ay batas militar.
Hinihiling ko na lang na maging mapayapa pa rin ang Pinas.
Guys, HINDI lang KAHIRAPAN ang problema dito.
Ayokonc maghari ang KADEMONYOHAN ng mga mamamatay tayo sa batas militar natin. NAKAKAAWA ang mga militar na kayang ibuwis ang mga buhay nila para lang mapanatili ang kapayapaan ng PILIPINAS.
Ang ayoko talaga sa ugali ng isang tao ay ang MANIRA NG MANIRA ng kapwa.
Kapag ayaw nila sa isang tao tapos ay sinabi nila iyon sa'yo ay kahit ikaw na hindi mo kilala ay magagalit ka sa taong iyon. Kahit na di mo naman siya kilala o kahit na MALAPIT na kaibigan ay mag-iiba ang tingin mo sa taong iyon.
TOXIC.
TOXIC.
SOBRANG TOXIC.
Huwag niyo ng buhatin ang bangko ng mga sinusuportahan ninyo kasi LAHAT naman ay ginawa iyan.
Siguro yung mga sumuporta sa kanya walang disiplina sa sarili.
Alam mo yun? Basta na kung gumalaw. Hindi sila sumusunod sa RULES. Gusto nila free lang silang gawin ang mga gusto nila kahit mali na.
Lahat naman tayo, kahit ako ay gustong MALAYANG gumalaw pero ang gusto ko, may parte sa akin na nagagawa ko ang parte ko mula sa rules ng gobyerno o kahit ng sarili kong prinsipyo.
Sa school pa nga lang, ang dami ng SIMPLENG rules ang itinuro sa atin. BASIC nga lang eh kasi DISIPLINA mo ang kalaban mo. Simpleng pagpasok sa school, or cutting nagagawa natin. Ako hindi ako ganun at first pero dahil GINAGAWA ng ilan, gumaya ako. Nagpadala ako sa karamihan. PERO TAMA BA ANG GINAWA KO? NILA? ANG PINAGLALABAN NILA na kesyo ayaw mo sa prof o dahil tinatamad ka? HINDI. MALING MALI.
Ako, malaya akong gumalaw sa bahay namin pero alam ko kung ano ang dapat kong gawin kahit na wala silang sinasabi. Simple lang namang SILENT RULES ng mga magulang ko, kung aalis magpapaalam. Kung gagabihin, magsasabi. Kung hindi makakauwi, magsasabi. Kung mag-oovernight, magsabi. Maghugas ng pinagkainan kapag tapos ng kumain lahat. Tumulong kahit isang chores lang sa bahay.
Huwag puro emosyon. Mag-isip rin kayo.
Kailangan din nating maging matigas sa mga taong matitigas ang ulo. Huwag maging malambot.
Martial Law. Martial Law. Iyon lagi ang ibinabalik sa kanya.
Ang tanong kasi, saan nagmula ang Martial Law? Bakit nagkaroon ng Martial Law? Dahil sa mga REBELDE.
Oo, ipinaglalaban nila ang mga opinyon nila pero ang hirap nga kasi sa kanila, ayaw nilang ma-'diktahan' sila ng Lider dahil may sarili silang alam. Ang pakiramdam nila ay mas matatalino sila kesa sa LIDER. Ayaw nila ang isang mahigpit na kapaligiran.
Ang gusto ng Lider ay ang kapayapaan ng bansa. Ang kaunlaran ng bansa. Ang kasiyahan ng bansa. Pero para sa mga REBELDE, ayaw nila yun. Gusto nila na sila ang masusunod.
Hay. Ang hirap kasi makasarili tayong lahat sa kapangyarihan. Inggitero ang simpleng termino para sa kanila. INGGIT SA KAPANGYARIHAN. INGGIT SA ATENSYON. Parang si K.A. lang.
Bakit ba laging ibinabalik ang nakaraan?
Magkaibang panahon ang dati at sa ngayon.
Ang hirap kasi sa atin, individual comfort lang ang iniisip. Mahirap ang maging leader ng isang malaking bansa na may matitigas ang ulo na miyembro o mamamayan.
Ngayon mas malaya na ang mga mamamayan na magsalita hindi katulad dati. Dati kasi ang dami niyong sinasabi laban sa gobyerno kahit hanggang ngayon.
Huwag ninyong ipagsigawan na inaalala ninyo ang mga mamamayan pero your COMFORTABILITY AT ANG KAPAKANAN lang ang iniisip ninyo.
simpleng ROTC ayaw ninyong mapagbigyan? Bakit? Dahil mahirap? Mainit? Eh tanga pala kayo, pàano kapag tayo ang napagdiskatahan ng mga malalaki at malalakas na mga bansa. Anong gagawin natin? Magtatago? Maghihintay na lang na mamatay?!
Sa SoKor, mandatory ang military kasi may kahit anong oras may nakaabang na gulo sa kanila laban sa North. Hihintayin pa ba natin yun?! Simpleng ROTC lang yun?! Mahirap pero mas mahirap ang mamatay ng walang ginagawa para sa Bayan.
Iyon lagi ang sinsabi ninyo pero wala naman tayong ginagawa. Wala rin. Nganga na lang tayo.
Ang kalaban natin ay nasa paligid lang natin.
Hindi lang kahirapan ang problema ng bansa. Kaligtasan ding nating lahat.
Kahit na sinong manalo, alam kong matutulungan nila ang bansa na umangat at mabawasan ang utang natin sa world bank pero ang kaligtasan ng bawat Pilipino ay nasa Lider pa rin natin.
Kung makapagsalita naman ang iba akala mo'y alam na alam ang mangyayari sa hinaharap. UNLESS! GAWIN NIYO YUN INIISIP NINYO.
Siguro yung napanaginipan kong pagbaril sa akin habang nagtatago ako ay isang NPA o drug user na nakapasok na lang basta sa bahay ko na walang awa niya akong pinagbabaril hanggang sa maubos ang bala niya.
At sa napili ko, alam ko magiging safe. SANA maging safe ako. SANA tama ang napili ko.
AYOKO SA TOXIC. AYOKO SA MATATAPANG MAGSALITA SA MIKROPONO AT KAPAG NAGKAPROBLEMA ANG BUONG PILIPINAS, ANG PAGTULONG PA RIN NILA SA NAGDAANG MGA TAON ANG IPAGMAMALAKI NILA.
TAPOS NA YUN, MAY MALAKING PROBLEMA ANG DAPAT KAHARAPIN SA FUTURE.
Tulong ka lang ng tulong pero may ginawa ka ba para mapatigil o mabawasan ang kalamidad? Ang patayang nangyayari dahil ng mga malalaking drug pushers na itinatago ng mga malalaking negosyante at ng mismomg alagad ng batas (marami kayo kaya wala akong pinepertain na sangay ng gobyerno).
Ayoko na ang susunod na lider ay mapayapang natutulog dahil nanalo siya sa pagiging toxic. Sa pagiging diktador sa mga sumusuporta sa kanya. CAN'T YOU SEE? DIKTADOR SIYA!! Malamang hindi niyo nakita kasi nalason kayo ng galit nila sa kalaban.
Lahat naman ng mga kandidato para sa MASA. maniwala man kayo at sa hindi, pero sana isipin ninyo kung sino ang sumuporta sa kanilang mga grupo. PUCHA! NPA?! Kalaban ng gobyerno yan! Kapag nahalala yan, hawak na sa leeg ng mga yan ang GOBYERNO!
Lahat ng patayan pwedeng maisisi sa kapulisan kahit na wala naman silang ginagawa.
Sa kanila nag-umpisa lahat ng KAGULUHAN ng bansa. Ang mga nagdaang mga taon ay tanging kahirapan lang ang inaalala ng bansa. Pero dahil sa sinuportahan at dahil kasapi silang lahat sa NPA ay naghari sila at nagsimula ang gulo.
Mga nagtatago sa bundok, bakit di kayo bumaba diyan? Malakas ang loob niyong manlason ng mga kabataan at ng ilang mga tao pero ang humarap sa mga tao ay di niyo magawa. Malakas lang din ang loob ninyo dahil may backer kayong mayayamang tao na siyang unti-unting nagpapalakas ng kapangyarihan ninyo.
Pero kung hindi man manalo ang binoto ko, ipinapanalangin kong huwag kang magpapasindak sa kademonyohang sinabi ng grupong iyon. Hindi mo alam ang pinasok mo. Kaligtasan ng buong Pilipinas ang itinaya mo dito. Nagpaplano kang maging mapayapa ang Pinaa pero sila, kinakalaban ka na patalikod.
Isang pagkakamali mo lang ikaw ang babalikan nila and worst kaming mga normal lamang na mamamayan. Mga alagad ng mga nasa itaas ang kinuha mo pero sana mabuksan ang mga mata mo na hindi kami safe. Na nakakatakot maglakad sa gabi kahit sa umaga dahil lang sa mga adik sa daan na pinabayaan mong bumalik dahil oppose ka sa nagdaang administrasyon.
May nakakabasa palang ibang tao ng mga entry ko dito. Hahahaha. My golly. Nakakahiya.
Kaya hindi natin minsan makalimutan yung galit sa isang tao dahil ng disappointment na naramdaman natin sa kanila.
Madali namang kalimutan ang galit eh, kaya mong makipag-usap sa taong yun nang hindi ka nagagalit kasi tapos na at kasi pinatawad mo na. Ang hindi mo kayang makalimutan ay yung bagay na hindi mo inaasahang gawin niya sayo. Nakaka-disappoint diba?
Kahit biru-biruin mo siya, o kahit pilit na kalimutan mo ang ginawa niya, nandun pa rin yung disappointment sa isip at puso mo dahil sa ginawa niya.
Kaya nga kapag brinought up, magagalit ka na naman. Ang sasabihin naman nung tao, ang tagal na nun. Oo, matagal na, at hindi ka na totoong galit sa nangyari DATI pero hindi pa rin mawawala ang disappointment. Nandiyan at nandiyan pa rin.
It's your choice to really let go OR hindi na lang pansinin.
Kaya kung na-disappoint ka na ng partner mo, iwanan mo na kasi kapag kapag ONCE na maramdaman at maalala mo in the future yung disappointment mo ngayon, I'm sure, very very sure, hindi ka magiging TOTOONG masaya.
Kaya kayo nag-aaway diba?
Huwag mong panghawakan ang pangako nila. Walang kwenta yan kasi nakakalimutan yan. Ang pangalagaan mo dito yung kalusugan mo at lalo na yung kasiyahan mo.
Wag mong ipagpipilitan sa sarili mo na magbabago pa naman siya o nagbago naman siya... Ah, Okay? Totoo naman pwedeng magbago. Pero ito lang, pwede mong makalimutan ang tinuro sa school pero hindi mo makakalimutan yung KAISA-ISANG bagay o MGA bagay na ginawa ng taong yun sayo.
HAPPINESS IS THE KEY TO LONG LIFE at walang lugar sa happiness ang stress.
Crush
Hindi ko alam kung narealize ko na ito dati, pero ngayon kasi, habang kumakain ako ng breakfast habang nagbabasa ng kwento sa wattpad ay narealize ko na kaya 'nagka-crush' daw sa akin yung classmate ko nung 1st/2nd year ako ay dahil pinagsabay ko ang chemistry at physics. HAHAHAHAHAHA. Korni!
Pseudofan
May mall show nun si Alden Richards sa SM Batangas around year 2015, Bagong artista pa lang ata siya nun. Nagpunta kami ng mga ka-grupo sa sayaw sa mall para lang manuod, or just to give us motivation para makapagsayaw sa stage na tinatayuan ni Alden. Anyway, pagkalabas niya sa stage nagwapuhan na agad ako sa kanya kaya tumayo ako patinang isa or dalawa po pang kagrupo para lang pumunta sa gilid para makita namin ng maayos si Alden. Nung nagsimula siyang kumanta, sinabi ko agad 'ah, may boses' kaya kinilig ako kahit papaano. Tapos nung tumingin siya sa pwesto namin ay sinubukan kong kumaway. Pinagtatawanan pa nila ako kasi hindi daw niya ako pinapansin pero sinubukan kong muli hanggang sa mapansin niya ako, at kumaway siya pabalik. I tried several times at sumasagot din siya kaya nung matapos hanggang sa umuwi kami ay tuwang tuwa ako at kinikilig. Sayang nga lang hindi ako nakapagpapicture sa kanya dati.
Dream journal (06/02/21)
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging panaginip ko, dahil siguro para iwelcome ang June? Hahaha.
Ito lang ang natatandaan ko, may kailangan ako isang bagay, like spider toy na parang pang-halloween and syempre wala nun sa bahay namin. Parang tinanong ko pa si Nhervince or isang guy kung meron siya nito pero sinabi rin niyang wala so kailangan kong umalis ng bahay. Kailangan ko siguro iyon sa isang pictorial na hindi ko alam kung para saan.
But noong umalis ako, pinagtataka ko na TOPLESS ako. LIKE WHAT?! Naglalakad ako sa Batangas City, na by the way nag-iba ang nga establishment. May mga bago like doon sa Shell na nasa may Lawas, may bagong malaking mall, then sa labas noon may parang public market like may mga tiangge.
Anyway, naglalakad ako dun sa may Shell nung makita akong 'acquaintance' na ang name ay Kim Yoo Na kasi tinawag ko pa siyang 'Kim Yoo Na Ssi" dahil tumaas ang skaters skirt niyang palda habang naglalakad siya. Then, nagpunta ako sa may tiange para magtanong. Nagtanong ako nung spider toy sa kanila pero wala. May dinaanan akong parang covered court na puno ng tao. Parang may pinapanuod sila. Para makapunta ako dun sa mall ay kailangan kong dumaan sa harap nila. Before akong dumaan, nagmask pa ako, iniyakap ko ang mga braso ko sa chest ko kasi makikita nila ang hinaharap ko. But I think, habang sinusulat ko ito, na nakadamit ako siguro nabasa lang ako ng ulan kaya kitang kita ang bra ko o na baka braless lang ako sa ilalim ng damit.
So ayun nga, yung nakakilala sa akin ay High School batch ko, parang si Ijon Maranan na hindi ko naman kinakausap, like hindi kami friends. Sinabi niya "Anong nangyari sayo?" Pero wala akong sinabi, kundi ngumiti lang sa kanya. Pinanuod pa niya akong maglakad kasi buhanginan ang dadaanan ko. Nung makalayo ako ay muntikan na akong mahulog sa isang butas kaya nagsilapitan sila sa akin para alalayan akong umalis doon sa butas. Nagpasalamat lang ako sa kanila saka ako umalis.
Naisip ko nun na, payat na siguro ako kaya sila lumalapit sa akin. Ah! Parang beauty pageant ata ang pinapanuod nila. Anyway, nung makarating ako sa mall, may nakasalubong akong lalaki, it was SIMON DOMINIC! or I just assumed that. Hahaha.
Nilapitan ko siya or nilapitan niya ako then sinabi ko sa kanya na "Ibili mo naman ako ng damit doon" itinuro ko iyong shop na nasa unahan namin. May mga damit sa right side ng shop, may mga room appliances, then may electronic appliances. Tumingin siya sa akin na parang 'Seriously?' pero itinulak ko lang siya papasok ng shop kaya napangiti siya na parang wala na siyang magagawa. Pinanuod ko siyang pumasok doon at natatawa pa ako noong kinausap niya yung sales lady. But bago siya pumasok ay may iniwan siyang parang log book or just a simple book sa ibabaw ng parang trash can na nasa labas ng entrance kaya kinuha ko iyon, natatawa akong umalis kasi nakita kong may rectangular na box ng condom. WTH SAM DI SSI!
Nagpunta na lang ako sa iba pang shop para maghanap ng kailangan kong spider toy. Bumalik na lang ako noong wala akong makita. Sinalubong ako ni Sam Di ng ngiti at inagaw sa akin ang gamit niya. Binigay niya siguro sa akin yung damit na binili niya kaya isinuot ko ata iyon. May pinakita naman ang sales lady sa akin na parang music appliance, but nagtaka ako kung para saan yun. Tiningnan ko si Ssam Di but nginitian niya lang ako. I didn't know what that means pero ngumiti rin ako at niyakap ko siya. Binayaran niya iyon at umalis na kami. Bumalik kami sa public market hanggang sa maisip ko na i-DIY ko na lang iyong spider toy na iyon, gagamit na lang ako ng Chenille wires which is parang ganun din naman ang itsura eh.
Natapos ang panaginip ko sa bumili ako ng maraming wires sa school supplies ng kakilala ko then may discount ako dahil parang bundle ang kinuha ko.
Nagising akong kinikilig kasi nandun si Simon Dominic. Parang na-sweet-an ako sa gesture niya. EWAN. Gusto ko lang ikwento. Hehe.
Kaya mas gusto ko pang sa ibang bansa manirahan at magtrabaho. Nakaka disappoint na ang Pilipinas. Iba ang pag-iisip ng mga akaupong kinauukulan. Basta kapag alam nilang nasa kamay nila ang batas, ginagamit nila ito ng hindi tama para sa ikagaganda ng kanilang reputasyon at buhay.
Dapat hindi na natin pa pinapayagang tumakbo ang mga taong nasa gobyerno kung alam na nating wala silang maiaambag na kabutihan sa Pilipinas. WAG MAGPADALA SA PANANAKOT, PERA AT MGA MABUBULAKLAK NA SALITA!
Sana ay huwag maging bulag at manhid sa nararapat na hustisya. Maraming mga tao ang mga nabubuhay at pilit na nabubuhay ng marangal pero dahil sa dahas, yabang, mapagmataas na mga tao ay hindi nila makamit ang nararapat na hustisya para sa kanila.
Tama ang isang nabasa kong salaysay ng isang tao mula sa FB. Hindi dapat death penalty ang dapat sa kanya, kundi hayaan natin siyang magdusa sa ginawa niya sa paraang pagpapaalala natin sa mga ginawa niyang mali. Habang buhay niyang dadalhin ang sakit at galit na nararamdaman ng mga kamag-anak ng kanyang pinatay. Araw-araw bibitbitin ng kanyang anak at asawa ang mga matang mapanghusga, galit, kutya ng maraming taong kanilang makakasalamuha.
Hindi simpleng "paumanhin" at iyak ang magiging sagot upang mapatawag sila. Kailangan nilang harapin ang mga ginawa nilang mali.
At sana maging turo ito sa ibang mga kapulisan at ibang mga nasa kinauukulan na may hustisya at kapalit lahat ng mga pinaggagawa nilang mga katarantaduhan.
Magkakabusiness ako ng kapehan and gym