Kalagayan: Kabataan
Muli kong nakita kabataan hindi dukha, ni hindi maralita, isinilang nang marangya. Walang anumang suliraning kinahaharap sa pang-araw-araw na pamumuhay pero ang ninanais ay lumaya ang bayang a niya’y sinasakal ang Kalayaan.
Kabataang may mga bitbit na Paskil, na may mga katagang nauugnay sa kasalukuyang kaganapang pampulitika. Ang Pamahalaan daw wari niya’y bulok ang Panuntunan, hindi nasunod sa maganda at wastong pamamaraan na itinuro ng mga Banyagang nagmula sa Kanluran.
Batid kong ang mga kabataang ito’y nagugulumihanan sa kanilang bayang sinilangan, maraming napapatay, ikinukulong, at mga nag-aalitang taga-Pamahalaan. Kung lapitan mo’t tanungin ang mga kabataang ito na sa lansangan ukol sa Kasarinlan, Pamahalaan, Kasaysayan at Diwang Makbayan, anu sa tingin mo? makatutugon ba sila ng wasto?may maitugon kaya sila?
Kung maiihalintulad ko ang mga karanasan at kaganapan na kinamulatan ko noong aking kabataan sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon , masasabi kong mas maayos kaming pinalaki, mas mapanuri kung mag-isip, may paninindigan at may hinaharap na nais makamit.
Ang ninanais lang nila’y mapababa ang mga hindi katanggap-tanggap na mga nanunungkulan sa Pamahalaan, pero ang kaalaman ba nila’y sapat para ibulalas ang mga ganyang hinaing? Anung hakbang ang gagawin nila kung sakasakaling matupad yaon? May isinantabing pangarap ba sila para sa kanilang sarili? Paano ang hinaharap nila?
Ipinapakita ng pakikipaghimagsik ang iyong pagmamahal sa bayan, kung nasa tama ang iyong ipinaglalaban.
Hindi panghabang-buhay ang paghihimagsik.
Mahalin mo ang Bayan mo at ang kapwa mo Pilipino.
H’wag palinlang sa mga ganid at ipokrito.












