Mahal, nalalapit na ba ang huli? bakit pakiramdam ko'y wala nang nalalabi lahat ng masasayang araw ay pawang lumisan tamis ng hangin ay di na malasahan dala ang bigat sa bawat paghinga bawat kibot ay may kirot sa paglinga hindi ko alam kung kaya bang pigilan, ang unti unting paglakas ng ulan di malaman kung kailan huhupa ang matataas na baha, dulo't ng sandamakmak na pagluha sa dinami daming bagyong nagdaan, ngayon ko lamang naramdaman ang pagbitaw na parang totohanan ang pagbitaw na parang wala nang babalikan sapagkat nararamdaman ko, mahal, ang unti unti mong pagkapagod, nararamdaman ko.. ang bigat sa bawat paghinga mo, ang mga pasuko mo nang mga binti at braso wala na ang kislap ng iyong mga mata sa tuwing titignan ako tila napagod na sa bawat may likidong umaagos dito wala na ang gana sa pagbuo ng mahahabang mensahe at tula, na bawat taludtod at salita ay walang iba kundi para lamang sa sinisinta di ko na makita ang dating ikaw at ako sa dating tayo meron na lamang tayong ako at ikaw, na pinipiling kumapit sa kabila ng lakas ng bagyong sumapit paano ba natin maisasalba ang unti unti nang nalalantang pagsasama paano ba suungin ang malalaking baha paano ba hindi masaktan sa bawat pagluha paano bang lumaban kahit nahihirapan?














