April 7, 2023
Hindi ko ine-expect na gagawin nya ‘to. Hindi kasi kami okay bago yung plano namin noong holyweek. Confused kasi ako. Inamin ko sakanya na naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Tapos niyakag ako ng mga bundok friends ko na mag Apo reef sa holyweek. Kung hindi ako tumuloy sumama sakanya, mag isa lang sya pupunta ng Casiguran tapos mag isa lang sya mag dinner dyan kasi wala daw sya balak ipa cancel.
Masaya ako na mas pinili ko sya na makasama. Mas marami akong naintindihan, naging sigurado din ako sa nararamdaman ko.
Sa ngayon? Isa sya sa mahalaga sa buhay ko. Gusto ko sya makasama palagi. Nakikita ko na din ang sarili ko na kasama sya sa future. Alam ko madami pa kami pagdadaanan. Madami pa na pwedeng mangyari. Pero hanggat makakaya ko, araw araw ko syang pipiliin.
Hahayaan ko na ang sarili ko na maging masaya. Araw araw. Kasama sya.














