I'M BACK!
Hi Tumblr, kumusta ka? It's been awhile... Ang daming nangyari. Ang daming nagbago. Pero nanatiling nakatayo.

No title available
Today's Document
DEAR READER
Mike Driver
trying on a metaphor
Sweet Seals For You, Always
todays bird
Not today Justin

if i look back, i am lost

tannertan36
d e v o n
$LAYYYTER
Lint Roller? I Barely Know Her
we're not kids anymore.
untitled
almost home
taylor price

pixel skylines
Cosmic Funnies

No title available
seen from India
seen from India

seen from Malaysia

seen from Bangladesh
seen from Iraq

seen from United States

seen from Netherlands

seen from United States

seen from United States
seen from Uruguay
seen from United States
seen from Uruguay
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
@ceedeegaray
I'M BACK!
Hi Tumblr, kumusta ka? It's been awhile... Ang daming nangyari. Ang daming nagbago. Pero nanatiling nakatayo.
SOCO Diaries: Special Mentions
STAFF & CREW
PRODUCTION ASSISTANTS (PA’s) – SIR RICK AND SIR ROBERT
Mang Rick and Don Robert, mamimiss ko po kayo! Maraming salamat sa lahat ng mga aral na tinuro niyo sa amin. Isa po kayo sa mga naging Tatay naming lahat sa SOCO.
PILOTS – SIR JOSEPH AND SIR NEIL
Mga Sir! Maraming salamat po sobrang saya at safe na roadtrip! Kudos!
LIGHTS MEN
Sobrang maliwanag ang buhay na makasama kayo mga Sir! Hahaha!
SOUND & AUDIO MEN
Sir Jaime! Baby James... Hehehe! Dahil sayo natuto ako ng mga technique at kung papaano maging creative when it comes to sound and audio mixing! Brilliant! :D
CAMERA MEN
Sir Melchor! Itay... Huhuhu! :( Salamat po as in! Napakasaya mo pong ka-buddy! Hahaha! Masaya lahat sa buong set dahil sa mga kakaiba mong da-moves! Panalo! Stay cool and awesome! Ang astig po ng mga shots mo! Thank you po sa mga life lessons mo at pagturo sa amin umanggulo! Hehehe! Mamimiss ka namin. Huwag mo po kaming kalimutan Sir ha!
ARTISTS/TALENTS
Naaalala ko si Lyka, yung isang talent sa nagsabi sa akin na huwag ko daw siyang kakalimutan lalo na pag naging Director ako tapos ipagpipray niya daw ako. Laging gulat ko kasi, WOW! Hahaha! Sabi ko nalang sakanya mukang malabo yun. Malayo sa katotohanan at depende pa yun kung papalarin... Haha! :D
Dahil sa SOCO ay nagkaroon ako ng mga bagong kakilala, kaibigan at KAPAMILYA! <3·
MULTIMEDIA PRODUCER : MS. NADINE LEONCIO
Ma’am, thank you so much sa mga turo niyo sa akin about sa pagpopromote ng isang programa! Kahit saglit lang po tayong nagkakilala maraming-maraming salamat po! :)
COORDINATOR: MS. APPLE
Ma’am Apple! :) Thank you po sa mga masasarap na pagkain tuwing pitching! Hehehe! :D
RESEARCHERS
SIR BRIAN - Salamat po kasi kayo po yung unang nagturo sa amin about research! Muka lang po pala kayong tahimik pero laughtrip din po pala kayo! Hahaha! Salamat po!
SIR LITO - Huhuhu!!! :( Tay Litz!!! Isa ka po talaga sa mga mamimiss ko!!! Salamat po kasi naging favorite niyo ako! Bwahahaha!!! Kahit palagi mo po akong binubully don’t worry Tang favorite din po kita! Maraming salamat po sa lahat-lahat ng mga biruan at masasayang alaala! :p
· SEGMENT PRODUCERS MS. CHA POLICARPIO - Ma’am Cha! Hinahangaan ko po kayo sa lahat-lahat! Hehehe! Nung una po talaga naiintimidate po ako sa inyo but from the start I know po that you’re kind and good! Thank you po every time na pinagtatanggol niyo ko kapag ina-alaska nila ako. I love you Ma’am! See you real soon!
MS. ABBY OLACO - The beautiful Ma’am Abby! Ma’am, kahit hindi po kami nakasama sa mga taping and coverage niyo thank you parin po kasi ang bait mo po! Thank you po sa mga text at GM hehehe!
MR. MORES HERAMIS - Sir M.!!! Huwag na po kayong mainis samin kasi hindi naman po totoo ang mga malas-malas eh! Hahaha! Sorry po kung palaging ganun ang nangyayari sa mga lakad natin tuwing kami ang kasama mo. Don’t worry na po! Sobrang happy-happy and laughtrip naman po tayo diba? Hahaha! Grabe ka Sir... Anyway, maraming salamat po sa mga naituro nyo sa amin. Anu-ano nga po ba yun? Hahahah! JOKE! :Dv
MR. DENNIS GUTTIEREZ - Sir Deng frantic! Naks! Sir, isa po kayo sa mga matatalinong taong nakilala ko. Thanks din po sa mga life stories and thesis life niyo na nai-share niyo sa amin! Hehehe! ‘Til next time! ;)
MR. RODEL ADRID - Sir Dhel!!! :’( Thanks for your love, care and sweetness to us! Much appreciated! No words are enough to express how grateful I am na maging kuya at tatay ka namin sa SOCO kahit isa ka pong SP. Maraming salamat po talaga sa lahat-lahat pati narin po sa tiwala! Thank you sa mga itinuro niyo sa amin, sa lahat po ng mga memories! We love you so much Sir! I love you! May God bless you more Sir and your family as well! Chandellier, Flashlight and IKAW pa more soon! HuggGs!!! <3
DIRECTOR : JV NORIEGA
Direkkkk!!! :D Believe me or not pero ikaw po ang kauna-unahang Director na Pinoy na naging paborito ko! Aaminin ko po na sobra ko po kayong hinahangaan! I’m so grateful po na makilala ka hindi lang po bilang isang mahusay na Direktor pero bilang isang Mentor at Father to us as well sa buong production! Thanks po sa guidance niyo sa amin sa taping. Dahil po sa pagiging stalker ko sa style of Photography mo Direk lalo na yung Astro Photography na tinuro mo sakin ay naging close tayo. :D Inalis ko na yung hiya ko nung time na yun Sir kasi alam ko pong marami po akong matutunan sa inyo! At totoo nga! :D Syempre Direk noong una ay nahihiya ako/kami kasi isa ka pong Director. Pero salamat po Direk sa pagpapadama sa amin na wala pong dapat ikahiya. :D I’m so glad din po na makatagpo ng isang taong may kapareho kong prinsipyo sa buhay... Salamat po sa pagshare mo ng life mo sa amin Direk. Hinding-hindi po namin makakalimutan yung mga aral na yun Direk! :) Pati narin po sa pagshare mo po sa amin ng iyong lovelife! Hahaha! Lupet mo Direk! Hahaha! Hand salute! :D Stay as what who and what you are Direk. Regards mo po ako kay Kael! Hahaha!!! <3 Direk... huwag mo akong kakalimutan kasi I’m your #1 fan na! Hehehe! I love you Direk! Thanks for everything! GOD BLESS! :)
“Huwag kang magplano-plano. Kasi kapag pinagtagpi-tagpi mo makikita mo na lahat ng mga nangyayari sa buhay mo lahat ay may dahilan.” - Direk JV
HOST : MR. GUS ABELGAS
Sir Gus!!! :D Never in my entire life ko pong na-imagine na darating ang panahon na makakatrabaho ko po kayo kahit bilang isang intern lang. So blessed and honor po na makilala, makasama at makatrabaho ko po kayo Sir Gus! Kayo po ang pinakamabait at humble na host ang nakilala ko. More blessings to you Sir Gus! Thanks po sa lahat-lahat! We love you! Dahil po sa inyo minsan po akong nangarap na maging kagaya niyo pero Sir Gus nag-iisa lang po kayo at wala na pong magiging katulad mo! Hehehehe!
EXECUTIVE PRODUCER : MR. FERDINAND ENRIQUEZ
Sir Ferds... THANK YOU... THANK YOU SO MUCH PO... Hindi ko po alam kung paano ko po kayo mapapasalamat ni Ma’am Smile but from the depths of my heart Sir Ferds thank you so much po talaga... :’( Kung hindi po dahil sa inyo, kung wala po kayo, ay hindi po ako magiging parte ng isang masayang pamilya na to Sir... More strength and blessings to you Sir Ferds! We love you!
ASSOCIATE PRODUCER/IMMEDIATE SUPERVISOR : MS. JOCELYN SAMBILAY
Last but not the least, our Mommy and Classmate at the same time - Miss Smiley... :) Ma’am noong una po, nahihiya po talaga kami sa inyo. But as we go along pinadama niyo po sa amin na pwede po pala namin kayo maging mother, adviser and mentor. I’m so blessed po na kayo po ang naging Supevisor namin. Thanks for your understanding Ma’am sa mga shortcomings namin sa inyo... Sobra po kaming natuto sa maraming bagay dahil po sa inyo. Saludo po ako sa pagsusulat mo Ma’am! At nakakatuwa po kasi nakakarelate po ako sayo Ma’am sa nakukuha mong concentration kapag naka-earphone at may music everytime na nagsusulat po kayo! Ma’am... hindi man po siguro ako/kami kagaling katulad ng mga naunang batch ng OJT’s niyo pero makakaasa po kayo Ma’am na tanging pagmamahal po namin sa inyo, sa lahat ng bumubuo ng SOCO at sa programa niyo po ang maiiwan namin dito. Kumbaga Ma’am, andito na po yung puso namin sa inyo at never na po maaalis to. Kaya kahit wala na po kami dito, sisiguraduhin po namin na FULL FORCE parin po kami sa pagsuporta sa SOCO. Andito parin po kami Ma’am, hindi po kami mawawala sa inyo... Kapag nalulungkot ka Ma’am ay nalulungkot rin po kami, kapag masaya po kayo ay masaya rin kami. Sobra na po ako/kaming napamahal talaga sa inyo Ma’am... Kung alam mo lang po Ma’am kung gano namin kagusto na pumasok palagi sa OJT namin sa inyo kesa pumasok sa school namin hahaha! Basta Ma’am take care po palagi ha? Keep in touch nalang po kami palagi sa inyo. I do pray and hope po na huwag mo po ako/kming kalilimutan Ma’am. Same here din po. Naiiyak na ko Ma’am. Sobrang dami ko pa po talagang gustong sabihin... Mahaba na po ang lahat-lahat pero parang kulang parin po? Kung pwede lang po sana na wag nalang po kaming umalis sa inyo huhuhu :(
SOBRANG MARAMING-MARAMING SALAMAT PO MA’AM!!!!!
Let God’s wisdom, grace, love, peace, divine strength, divine protection, anointing, blessings and joy be with you always and to all ABS-CBN SOCO Production FAMILY!
Advance HAPPY 10th Annivesary po sa SOCO! <3 And many more years to come sa show! I love you Ma’am! I LOVE YOU ALL SOCO Family!
GOD BLESS Y’LL BEYOND MEASURE!!! <3 <3 <3
They’re ALL professionals, passionate and dedicated! They’re all men and women of CHARACTER! So that is why... NO DOUBT! You know what I mean. ;)
KAPAMILYA, THANK YOU! :)
Your Crime Buster,
C.D.
SOCO Diaries: Being A Certified Crime Buster!
Isa sa mga hinding-hindi ko makakalimutang parte ng aking buhay ay ang pambihirang pribiliheyo na maging intern sa ABS-CBN. Isa rin ako sa mga nangangarap na makapasok o makapunta manlang sa isang kilalang industriya hindi lang sa buong Pilipinas pero pati narin sa buong mundo! Noong una naisip ko na mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ng Luzon, Visayas at Mindanao ang sabihin nalang nating makakalaban ko sa pag-aapply kaya siguro wala pang update sa aming online application. Iyon na kasi ang bago nilang proseso para sa mga OJT applicants. Kaya para sa akin, habang maaga tinanggap ko nalang na sobrang malabo at malayo na sa katotohanan na maging intern ako sa tinuturin kong “Dream Company”. Pero hindi pala doon nagtatapos ang lahat kasi mayroon palang mas magandang plano ang Panginoon.
Sariwa pa lahat sa mga alaala ko ang bawat detalyeng pinagdaanan namin ng mga classmates at kaibigan ko, siyempre kung meron kang gustong mangyari, makuha or marating ay hindi naman talaga iyon ganon kadali at basta-bastang nakukuha. Hindi iyon parang chocolate at candy na puwede mong bilhin o hingiin. Kailangan may parte ka rin doon, kumbaga kailangang paghirapan mo. Excited kami ng mga kasama ko pumunta sa Quezon City from Cavite. May kalayuan kaya wala pa kaming masyadong alam na mga pasikot-sikot sa daan at wala rin kaming mga kakilala. Basta ang etinary lang namin nun ay maghanap ng kumpanyang tatanggap sa amin at makapagpasa kami ng aming mga Resume. Yung isang company kinuha naman ang resume namin at sinabing maghintay nalang daw kami sa tawag. Edi ito na, kahit alam naming hindi na tumatanggap ng walk-ins ang ABS-CBN, tutal andito nalang rin naman kami sa Q.C. bakit hindi namin subukan puntahan? Hihingi lang kami ng update. Pagpunta namin sa ABS-CBN, alam mo ba kung anong nangyari? Siyempre ayun maghintay parin daw kami sa proseso ng aming online application. Sobrang mahal lang talaga namin itong Kapamilya kaya pagkasabi nun sa amin unti-unti na kaming nalungkot, napagod at kulang nalang ay sumuko. Pakiramdam namin ay ayaw umayon sa amin ng panahon. Konti nalang rin yung mga araw na dapat naming igugol sa paghahanap ng kumpanya para sa aming summer internship at isang malaking question mark pa sa mga pinasahan namin ng resume kung makakapasok kami kaagad o hindi. Kailangan kong aminin pero nainip, pressured and desperate na talaga kami at the same time. Hindi namin malaman kung gusto or ayaw pa ba namin umuwi. Nasa labas lang kami ng ABS-CBN, kaharap na namin ito habang nag-iisip kami ng malalim dala ng pagod at sa puso ko ay mayroong naglalaban na ayaw ko talaga na walang gawin. Yung tipong walang mangyari or may masayang sa lakad namin. Pero sabi ko kung wala talaga, kung hanggang dito nalang sige suko na – uwian na. Hindi rin naman masamang maghintay.
Pero ganon talaga iyon eh noh? Yung moment na gusto mo ng sumuko ay saka mo makikita na nasa dulo kana pala ng victory! Awesome! Haha! Niloob narin siguro na mangyari ang mga ganong bagay sa amin para may matutunan kami personally. Kasi yung isa ko palang classmate, may contact number siya ni Mr. Ferdinand Enriquez, ang Executive Producer ng SOCO or Scene of the Crime Operatives. Noong una ay hindi ko pinansin kasi unang-una hindi naman kami ang pinagbigyan ng numero, sa classmate namin iyon privacy niya kumbaga at siyempre E.P. iyon pinakamataas na posisyon sa isang TV Production. Sa SOCO Fest lang namin nakilala si Sir Ferds noong minsang nagpunta sila sa aming university. Pero personally hindi talaga kami magkakilala. Ilang minuto kaming nagpalipas ng oras ng malaman namin na hindi pala hiningi ng classmate ko yung contact number ni Sir. Binigay daw iyon mismo ni Sir sa mga estudyante incase of emergency something like that. Kami lang siguro ang hindi nakarinig kaya wala kaming number ni Sir Ferds. Hehehe! Kaya pagkarinig namin ng sinabi niya ay biglang nabuhay ang aming mga dugo. Nagkaroon kami ng pag-asa. Nakakita kami bigla ng light bulb! Ibig sabihin lang nun sa amin ay puwedeng makontak si Sir anytime. Ito na naman kami sa pagkarisk-taker namin. Naging motto na siguro namin ang salitang “there’s no harm in trying”. Tawagan kaya namin? Baka sakali lang. Magtatanong lang. Pero katulad parin kami ng ibang typical na estudyante na nagtuturuan kung sinong kakausap sa kabilang linya ng cellphone. Walang gustong kumausap. Executive Producer ang aming kakausapin at first time ito kaya sinong hindi kakabahan? Pero dahil ako ang Ate sa mga classmate ko kaya sa kasawiang palad ako tuloy ang taya! “Ate duties” HAHA! Gusto ko nalang maglaho kaagad nung mga panahong iyon pero wala na akong magagawa kasi andun na at gusto ko nalang din talagang matapos ang araw na iyon kaya ito ang nangyari sa aming conversation na ni-rehearsed ko pa talaga siyempre communication student ka dapat good communicator ka at pampawala narin ng kaba :
BIZ: PLAY SFX Phone Rings (UP AND OUT)
Me : Good afternoon, Sir Ferdinand. (Pakilala – pakilala – blah – blah – blah)
Sir Ferds : Ahh okay. (blah – blah – blah)
Me : (blah – blah – blah – blah)
*BOOM! Sabay biglang naubos ang aming load. Kaya nagpaload kami at tinawagan ulit si Sir Ferds.
Me : Ay Sir sorry po biglang nacheck-op (blah – blah – blah – blah)
Sir Ferds : O sige anong maitutulong ko? Anong gusto mong gawin ko?
* Sa isip-isip ko, whoaaaa! Ito na! Straight to the point si Sir. Hindi na ako pwedeng magpaligoy-ligoy pa! Kabadong-kabado ako sa moment na ‘to habang nagdadasal ako sa isip ko.
Me : Sir, tumatanggap po ba kayo ng interns sa show niyo? Gusto po sana naming mag-apply as OJT. Baka pwede po kaming magpasa ng resume sa inyo?
Sir Ferds : Oh sure sure sige pwede naman asan kayo now?
Me : Andito po kami Sir sa labas ng ABS-CBN.
Sir Ferds : Sige punta kayo dito sa office ng SOCO.
BIZ: CONVO ENDS
Yung makapagpasa lang kami ng aming mga resume sa pinapangarap naming kumpanya ay malaking bagay na para sa amin. Yung nakita mismo ng dalawa naming mga mata na tinanggap nila iyon ng may ngiti ay isang malaking pag-asang nabuo na kahit papaano’y pinanghawakan namin. Napayapa ang mga puso namin at sobrang saya naming bumyahe papauwi halos luhaan kami – dahil sa sobrang saya! At pinagpasa-Diyos nalang namin ang mga susunod pang mangyayari. Kasi if God-willing, kahit ano pang mangyari sa huli ay katagumpayan parin. We are victorious because our God is a victorious God!
Lumipas ang mga panahon ng aming paghihintay kaya nag-apply narin kami sa radio industry. Kung ano nalang ang mauna sabi namin ay doon nalang kami papasok para sa aming summer internship. Hanggang isang gabi ay mayroon akong napanaginipan, nakapasok daw kami sa radyo saka kami kinontak ng SOCO para sa aming interview. Kinwento ko iyon sa mga classmate ko at ang aming reaction ay: “Waaah! Huwag naman!” Sana mauna yung SOCO kasi bukod sa doon kamu unang nag-apply ay gustong-gusto talaga namin don kahit hindi namin planado sa umpisa ang mga pangyayari. Sabi nila kabaligtaran ang panaginip kaya umasa ako na magiging kabaligtaran iyon. Pero ang nangyari, nagkatotoo ang panaginip ko! Rak.
Kinabukasan na iyong simula ng pasok namin sa isang radio company nung pinapunta kami ni Sir Ferds para sa aming interview sa HR. Natabunan pala ng ibang resume yung sa amin kaya saludo kami kay Sir Ferds kasi sakabila ng kanyang busy schedules ay inasikaso talaga niya at hindi parin niya kami nakalimutan. Nakakahiya sa isip-isip ko. Pero ganon talaga siguro kapag pakiramdam mo nasa dulo kana ng lubid mo mas lalong hindi ka dapat bumitaw. Nagtaka pa si Sir noong makita niyang dalawa lang kami ni Kristine na bumalik. Bakit kami lang daw. Pinaliwanag nalang namin na hindi kasi available yung iba naming kasama that time. Sobrang nakakataba pa ng puso noong sinabi sa amin ni Sir na hindi puwedeng hindi niya kami kunin sa SOCO kasi kami lang daw ang nagtiyaga. Nakakaiyak talaga yung moment na iyon. Nakaka-speechless! Nawala ang lahat ng pagod namin at wala talagang sayang kapag nag-sakripisyo. Sobrang thankful din kami kasi nagtanong sa amin ang HR kung kasama ba namin yung ibang resume na naandon sakanila, kaya sabi namin na “opo” kasi nakita namin na sa mga classmate namin iyon. Kaya nakakatuwa na kasama din namin sina Betty at Diana. Isa pa sa talagang pinagpapasalamat namin ay iyong kahit for the summer term kami nag-apply ay puwede parin daw namin ma-avail ang aming internship by the month of June (1st semester) as our 2nd internship. Challenging para sa amin kasi kasabay ito ng pasok namin sa school pero sabi nga namin wala kaming hindi kakayanin. (Naks!) To make a long story short, yes, MIRACLE DO HAPPENS! Yey! What a blessing in disguise! Thank You Lord!
Halo-halong emosyon talaga ang naramdaman ko. Hindi na ako nananaginip. Totoo na ito this is it pancit ika nga. Walang plano-plano. Pangarap lang sa una. Walang imposible! Unexpected. Walang mapagsidlan iyong saya ko habang pumipirma kami ng kontrata. Na-assigned kami sa News and Current Affairs Division (NCAD) na sobrang pinapangarap kong department sa industriyang ito. ABS-CBN ito at sa programa pa ng isa sa mga ilang taon nang namamayagpag sa mundo ng telebisyon – ang Scene of the Crime Operatives popularly known as S.O.C.O. At the back of my mind, ano kayang mangyayari sa amin dito? Hindi ito biro-biro na programa. Tungkol ito sa mga krimen at pagdodokumento ng bawat anggulong inimbestigahan ng mga kinauukulan. Tungkol ito sa pagsisiyasat ng katarungan at hustisya para sa mga nabiktima. Ang maging kabahagi ng programang ito ay mayroong kalakip na isang malaking responsibilidad. SOCO ito, kaya hinanda ko na ng maigi ang aking sarili simula noong Day 1 na pagpasok namin dito. Kailangan kong maging matibay, dapat palaging konektado ang puso at isip ko sa bawat gagawin ko. Bata palang ako mahilig na kami ng Papa ko manood ng SOCO kahit alam kong hindi ito dapat panoorin ng mga bata. Gabay ng magulang ang kailangan. Haha! Kaya siguro ganito ko nalang nakahiligan ang investigative journalism. Pero kahit ganito na ang panlasa ko sa mga balita ay sobrang kakaiba parin pala talaga kapag tungkol na sa mga heinous crimes ang usapan. From radio to television, ibang-ibang ito sa una naming practicum. Sa radio, tungkol sa business news umikot ang mundo ko. Tungkol sa kung bumaba o umangat ba ang estado ng ating ekonomiya, ngayon tungkol na sa mga balitang may kinalaman sa murder crimes! Isang malaking adjustment. Challenging. Yes, challenging for me yet interesting!
Sa office ng SOCO may mga daily tasks and routine kami, we are responsible sa mga phone calls, pagpapa-like ng FB fanpage ng SOCO, pagsusulat ng mga crime synopsis at pagta-transcribed ng mga video interviews. Isa siguro sa mga malaking pagsubok para sa isang expressive at nobelistang taong katulad ko ay ang pagsulat ng mga synopsis. Because when it comes to news writing it must be short, simple and concise. Kung ano pa yung basic doon pa ako madalas sumablay. Kapag nagsusulat kasi ako parang may sarili akong mundo hindi ko na mapigilang hindi huminto. But thanks to SOCO! Masasabi kong sa mga script na ginawan namin ng synopsis ay nahasa talaga ako sa pagsusulat ng mga maiikli pero hindi nawawala ang essence and element ng news o kung ano mang sinusulat ko.
For the LEVEL 1, sa unang linggo namin sa SOCO ay marami pa kaming ibang ginawa bukod sa mga nabanggit ko gaya na lamang nung naging Production Assistant (PA) kami. Nakakapunta kami sa iba’t ibang departments para magpasa o magpapirma ng mga papers and other documents. Nagamit namin dito ang aming interpersonal communication skills. Hehehe! Nakakakaba kung minsan kasi siyempre hindi mo kilala malay mo kung sino na pala yung taong kausap mo. Kaya always be polite sa bawat taong makakasalamuha mo. Naalala ko tuloy si Direk Doy Ongleo, hindi ko siya kakilala personally pero bigla nalang siyang tumabi sa amin sa office habang nagsusulat kami ng crime synopsis. Para niya kaming iniinterview sa kuwentuhan namin tapos ayun nagulat nalang kami nung malaman naming isang batikang Music Director pala ang kausap namin! Siya rin ang MD ng SOCO. Pambihira! Haha!
Tinutulungan rin namin si Sir Rick (PA Internal) magtransfer ng mga SF/CF Cards at pag-aayos ng mga scripts na natutunan din namin sakanya. Nagkaroon ako ng mas malalim na pananaw sa pagiging maingat at responsable sa bawat trabahong ginagawa mo. At siyempre yung prinsipyong huwag ka ng maghintay na utusan pa, dapat may kusa ka. Iyon agad ang napuna ko sa mga unang linggo namin. Hindi madali maging PA. Kaya sobrang saludo ako sa lahat ng mga naging successful sa media industry na hindi kinakahiya kung saan sila unang nagsimula! Lahat ng mga taga-media ay talagang dumadaan sa pagka-PA. Kumbaga ito yung magiging foundation mo kasi kapag PA ka lahat ng nasa production ay iikutan at dadaanan mo. Dito ka magiging bihasa sa lahat at maraming bagay when it comes to media industry. Kaya mahal ka namin Mang Rick, alam naming sobrang nakakapagod rin ang ginagawa mo kaya saludo kami sa inyo ni Don Robert! (PA External). Kahit nasa proseso parin ako ng adjustment ng mga panahong iyan ay hindi ito naging mahirap sa akin dahil lahat ng mga taga-SOCO ay sobrang gaang katrabaho. Ang saya lang sa puso kung paano nila kami tinanggap sa buong production team. Hindi lang basta estudyante o intern ang treatment nila sa amin dito pero pinadama talaga nila kung paano ba talaga ang maging isang media practitioner at maging isang tunay na Kapamilya! Kaya sobrang grateful ako na dito kami napunta.
For the LEVEL 2, it’s Research pull-out… Natatandaan ko yung sinabi ni Sir Ferds one time sa meeting/pitching, kung gusto mong makakuha ng magandang storya ang lahat ng iyan ay magsisimula sa isang research. Simple kung pakikinggan. Mukhang madaling gawin. But believe me or not pero ang totoo ay hindi pala ito basta-basta na research lang. Hindi madali. Kitang-kita ko kina Sir Lito at Sir Brian yung sacrifices nila makahanap lang ng isang magandang story. Unique crime story siyempre. It takes time and effort and ofcourse perseverance as well. Yung mga researchers ng SOCO ang unang-unang pumapasok ng maaga at gagawin na ang kanilang trabaho sa araw-araw. Mapa-online or outside of the office sa mga Police Stations ay wala silang sinasayang or binabale-walang source. Every details of information is very important! Bilang isang researcher dapat sigurado ka sa isang bagay na hinahanap mo. Dapat alam mo talaga yung ginagawa mo kasi hindi ka lang basta naghahanap ng storya pero bumubuo ka rin dito ng respeto at tiwala mula sa ibang tao. May kapangyarihan kang maghanap ng kuwento dapat maingat ka, mabusisi at matapang. Wala sa bokabularyo ng mga SOCO Researchers ang sumuko. Kasi mayroong instances na hindi talaga sila nabibigyan ng information na kailangan nila. Kung mabigyan man ay hindi ka rin dapat pumirmi lang sa kung anong nakuha mong story pero dapat mo ring siyasatin ang bawat anggulo nito. Malaking tulong ang PR skills at lalong-lalo na ang mga connection sa tao. Hanap ka ng hanap pero kung wala ka ng mga iyan at saka dedikasyon baka maghanap ka lang sa wala. O di kaya hanap ka ng hanap pero hindi mo namamalayan nasa tabi mo na pala yung storya hindi mo lang makita inshort dapat rin dito ang – FOCUS! Hindi ito hugot hehehe!
For the LEVEL 3, the final level of our SOCO internship is SP Coverage pull-outs. After makahanap ang mga dakilang researchers ng isang unique story na maipapalabas sa SOCO ay dadaan na ito sa mga Segment Producers (SP). Dito ko masasabi na listening is the best type of communication indeed! Naging totoo sa akin dito yung verse sa Bible na “Rejoice with those who rejoice; mourn with those who mourn.” - Romans 12:15. Nagkaroon sa akin ng malalim na impact yung tagline nila na “Walang takas ang may sala dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensya.” dahil bukod dun ay ang malasakit talaga sa kapwa ang number 1 priority nila. Hindi sila yung tipo ng programa na sobrang uhaw o matakaw sa storya for the sake na may maipalabas lang pero sa ilang buwang inilagi namin sa SOCO ay sobrang nakita ko kung paano sila ka-compassionate sa ibang tao. Dito ko natutunan kung papano maging tulay para sa mga taong nangangailangan. Yung maging instrumento ka ng pagtulong at malasakit sa kapwa. Yung maging mikropono ka ng mga taong labis ang sigaw sa mga puso pero walang nakakarinig sakanila. Yung maipadama mo sakanila na mayroong katarungan at hindi sila nag-iisa. Dito ko naramdamang mapulbos at kumurot ang puso ng todo sa pamamagitan ng pakikinig sa bawat coverage na sinamahan ko. Tunay na kapag sobra kang nalulungkot or kung gusto mo nang sumuko ay lagi lang nating iisipin na may mas worst pa na sitwasyon kaysa anumang pinagdadaanan natin. Naunawaan ko rito na pahalagahan mo yung buhay ng kapwa mo hindi lang yung sarili mo. Ito yung level na sobra kong naranasan na maging matapang! Take note for the first time dito ko lang na-experienced makakita, makapag-interview at makakilala ng hindi lang yung family ng mga victim pero pati narin ang suspect na responsable sa mga heinous crimes na nagaganap sa ating bansa! Rakenrol lang sa feeling! Whaaa!
Someday! In JESUS’ Name!!! <3
1st SP Coverage at Sta. Maria Bulacan
2nd SP Coverage at Subic <3
Tuesday is my favorite day sa SOCO because this is Reenactment day! Naka-mindset na ako sa mga posibleng mangyari sa taping. Mentally speaking, sobrang naiintindihan naming mga estudyante na kapag shooting ay humanda ka na kasi andiyan na yung mga bagay na maaaring mangyari kahit hindi mo pa inaasahan. Andiyan lumalabas ang mga drama sa likod ng buhay kung aming tawagin, may mga away, batuhan ng script, sigawan at murahan. Pero noong nasa realidad na kami kung papaano binubuo ang programa ng SOCO ay malayo, sobrang malayo sa mga bagay na naka-mindset sa akin. Ibang-iba sila sa nakasanayan namin rather. Salamat sa mga SP (Segment Producers) and to our Director, Direk JV Noriega na nakasama namin at gumabay sa amin sa bawat taping. Natutunan namin dito na dapat master mo ang bawat storya na nasa script na ipro-produce mo. Nakakatuwa kasi dito rin namin natutunan ang bawat technique when it comes to camera angles, lightnings, audio and sound mixing, and even handling good locations. Nakakamangha kasi honestly speaking lahat ng natutunan namin sa shooting ay sa SOCO lang namin natutunan. Kaya laking gulat namin. Yung tipong, “Wow! Puwede pala iyon!”, “Ganon pala iyon? AMAZING!” and “Lupet! Ang astig!!!” Hehehe! Ang saya-saya lang talaga! Lumawak ang aming mga ideas at diskarte na hindi lang namin magagamit sa aming mga future career pero magagamit din namin sa aming real life situations. Isa sa mga mamimiss ko sa reenactment ay yung may isang biglang magpapatawa sa buong team kapag nagseryoso na ang bawat isa or bumibigat na ang atmosphere dahil minsan sa mismong actual crime scene talaga nagshoo-shoot. Tapos back to normal na ang lahat, light na ulit ang mood and ambiance. Lahat sila sa buong Production Team ay masayang kasama! No dull moment. AS IN!!! Sobrang nakakablessed na makilala ang bawat isa sa set. Isa pa sa mga memorable moments ko ay yung makapag-cameo role ako, As a former theater enthusiast kasi sobrang mahal na mahal ko talaga ang pag-arte. At ito yung masasabi ko na kaya kong gawin kahit walang kapalit, kahit walang bayad. This is one of my passion! Kaya nung sumalang ako sa first TV exposure ko at iba pang cameo namin ay palagi akong go na go! Naks! Hahaha! Kahit anong role! Pero ooOppPS! Inaamin ko nung unang salang ko sa TV grabe! Nanginig talaga ako all over my body as in dahil sa sobrang kaba! Ibang-iba pala! Hahaha! Pero sabagay iba naman talaga ang discipline sa stage acting at ng on-screen na puro camera ang nakapaligid sayo. Haha! Dito ko rin naranasan yung magugulat ka nalang sa dami ng mga biglaang natetext at nagchachat sayo na napanood ka daw nila samantalang hindi ko naman sila naabisuhan na manood except sa family ko. Tapos yung mga taong matagal na panahong hindi nagpaparamdam sayo mantakin mo nga naman bigla kanalang pinansin! Naaappreciate ko talaga sila! Atleast diba fan din sila ng SOCO hehehe! Nakakataba sa puso. I’m more than grateful na maging parte ng pamilyang ‘to!
My first cameo-role! :D
1st REENACTMENTat Pandacan, Manila
2nd REENACTMENTat Don Antonio, Quezon City
3rd REENACTMENTat Bulacan
4th REENACTMENTat Cainta, Rizal
5th and last REENACTMENT at Cainta, Rizal :(
Lahat naman memorable pero sa lahat ito yung unforgettable reenactment ever! I think kailangan kong gumawa ng separate blog about this one! HAHA! #Aying :Dv
Every Wednesday is editing and every Thursday master editing and pitching!
The SOCO’s Master Editor! Sir Joemar! Hand Salute! /:D
(TO BE CONTINUED) ... :D
Apat na taon na pala tayo! :) Salamat sa mga panahong pinagsamahan. Isa ka sa mga comfort zone ko eh. Kapag kausap ko mag-isa sarili ko anjan ka palagi. Whoaha! You're my best imaginary friend! Don't worry, coz em trying to catch up with the things I've been doing. Mag-uupdate ako, soon! Tagal ko na palang di nakakapag-blog haaaixt xD HartHart! :D xx
The heaven's declare Your glory... :) Minsan nalang ako kumuha ng litrato ngayon, sabay ganyan pa makukunan ko. Nakakamiss... haaay... :) #sunset #sunsetlover <3
Be strong and of good courage! Stand up for GOD and lead the way... To GOD be the glory! :):):) #SYNC #WipeOutChallenge #YouthEmpoweredPH #COGDasma23
"Is any pleasure on earth as great as a circle of Christian friends by a good fire?"- C.S. Lewis ... "For where two or three gather in My Name, there Am I with them."- Matthew 18:20 #SistersInCHRIST #SYNC #love :">
May mga panahon talagang hindi mo alam kung saan ka sasandig.. Kung saan ka magtatago.. Kung kanino ka kakapit.. Buti nalang may langit... Kung san pwede kang tumingala at lumapit.....
Yahoooow! Thanks be to God! :))) Last Sunday, I just got my AsiaFest2013 ticket! 500php lang kaya bili narin kayo! Habang meron pa... Sulit na sulit yan kaya tara! Sama kana!! :D #AsiaFest2013 #YouthEmpoweredPH #excited #June06 #igers
Natatandaan ko "Alas-Tres" ang dating pamagat nito kasi alas-tres ko sya nagawa hehehe.. I praise God for this! :') ang ating Panginoon ay walang katulad! :) All glory always be to God... :)
My 2012 Success! :))
Water Baptism (Nov.10,2012) :) Credits to: COG Fotographista
"Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come; The old has gone, the new is here!" - 2 Corinthians 5:17 After our Water Baptism :)
After LSS! (Life in the Spirit Seminar) :) GOD is AMAZING!!! :)
Our CLDP 1 Graduation. yey! :)
My CLDP 1 Classmates and Spiritual Friends.. hehehe! :)
With Ptr.Ronald Camiling :)
With Ate Khen! :) Our cute teacher in CLDP 1! hehehe!! :)
With my prayer warrior buddy! :) Siz Cathy! :)
Not by might nor by power but by the Spirit of the LORD! :) All glory always be to GOD...♥
2013! :)
Speechless... Gagawin ko nalang... :)
Life is not about the people who act true to your face. It’s about the people who remain TRUE behind your back...
Being happy doesn’t mean that everything is perfect. It means you’ve decided to look beyond the imperfections..
Tears are words the heart can’t express ...
Happy New Year JESUS ! :)
Lord,
Ikaw po ang hinding-hindi dapat na makalimutan sa pagsalubong namin ng maligayang bagong taon.Maraming-maraming salamat po sa buong taong pagsasama noong 2011 at sa marami pang taon na darating kasama Ka.Happy New Year Tay ! :) Tanging pag-iyak nalang ng puso ko at pagsigaw nito sa tuwa ang paraan ko upang ipakita sa buong mundo ang iyong wagas na pag-ibig,kabutihan,kadakilaan,at walang hanggang katapatan.Pinagsisisihan ko po yung mga panahong naging bulag ako,matigas ang ulo lalong-lalo na ang puso ko.Kaya ngayon narito ako,patuloy mong binabago at patuloy na namamangha sa 'di ko maipaliwanag na pagmamahal mo.Hindi man ako deserving pero Iyong minarapat.Bakit AKO???ni-let go ko na ang katanungang iyan.Basta ang alam ko,patuloy mong pinaparamdam ang pagmamahal Mo saakin na palaging bago at walang hangganan.
Kung hindi mo ako minahal,malamang hanggang ngayon hindi parin kita kayang mahalin.Maraming-maraming salamat!Laging dumadating sa point na 'di ko na ma-contain itong nararamdaman ko.Kaya ako umiibig dahil una Mo akong Inibig.Gustong-gusto kong ipagsigawan Ka sa lahat kung gaano Ka kamangha-mangha.Kumikilos Ka sa paraang hindi kayang arukin ng tao kung gaano Ka kagaling!Ngayon handang-handa na ang puso ko na ipagmalaki ka sa lahat ng taong nakakasalamuha ko sa araw-araw.Yung walang bahid ng hiya at pag-aalinlangan.
Excited na akong tahakin ang buong taong 2012 na kasama Ka! Dahil sobrang sarap mabuhay sa piling Mo...Kilalang-kilala Mo ako.Alam kong hindi Ka pa tapos sa lahat ng plano Mo sa buhay ko.Patuloy kitang hihintayin.At maghihintay rin ako sa mga bagong bagay na ibabahagi Mo saakin.Palagi Mong itago sa presensya Mo ang puso ko...Mahal na Mahal Kita!! umaalab!!!Ito ang taon Mo.Muli,maligayang bagong taon po Sa'yo !at Maraming-maraming salamat...♥
In JESUS Mighty Name, A M E N !
Yours, Ceedee :)