Bakit ikaw pa?
Marami akong tanong na pumapasok sa isipan ko na gulong gulo. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pantasyang ito oh ititigil ko na. Oo masakit kasi unti-unting nahuhulog na yung loob mo sa taong may mahal ng iba. Isa lang naman ang solusyon diyan eh.. Tumigil ka na kasi hindi na mangyayari ito ayon sa kagustuhan mo. Pero bakit sa lahat ikaw pa? Sana hindi nalang kita nakilala at sana natuto ng maaga yung puso kong umiwas sa tulad mong may iba ng prioridad.










