Hindi trigger warning - LONG POST lang.
Ito na nga. Grabe itong taon na 'to like super duper daming nangyari. Kaya gusto kong ikwento yung mga nangyari for the past months.
January - start of the year nagcelebrate kami ng new year sa bahay, ayon lang lagi ang ganap namin, kasi nga new year dapat may tao sa bahay, pangit daw naman kapag umalis ka ng bahay like unang araw ng taon, edi gagawin mo sya ng buong taon, mga ganong supertitious beliefs. HAHAHAHA. We also celebrated the birthday of one of my bestie's - si NET, (o Janet). Nagpunta kami ng WOLHWA GALBI, yan medyo malapit sa MOA, samgyupsalan yan sya. Masarap naman i-rate ko sya mga 8/10. Medyo matagal lang ang waiting time kasi maraming nakain. Nagpunta din kami ng IKEA tapos dumerecho ng Mall of Asia, bumili kasi ng mga essentials yung isa din namin bestie - si RHY. Tapos napagod kami kakaikot kaya nag-Breadtalk. Tapos umuwi na.
Nagpabunot din ako ng ngipin ko. Isa din pala sa highlights ng 2025 ko is nag-enrol ako sa graduate school sa PERPS. Bali nagstart kami ng August 2024 tapos nag end yung 1st semester ng December 2024. January 2025 ang start ng second semester, 4 na subjects kada sem so naka 12 units na kami, bali by the end of second sem makaka - 24 units na. Synchoronous naman ang mode of Learning every saturdays and sunday of the month, kada module. Medyo okay naman, yun nga lang minsan nakaka stress din kasi teacher ka for 5 days tapos 2 days student ka naman, na para bang nagjojoggle ka ng tatlong katauhan sa isang linggo - anak, guro, saka pagiging estudyante.
February - Gusto ko lang i-highlight dito yung isa naming subject sa Graduate school. Yung final project namin - gumawa ng craft. So ako bilang napaka galing ko sa arts (joke) medyo na-stress dahil hindi ko alam ang gagawin, naghanap ako sa youtube at ending ang ginawa ko pencil case. Ayoko na idetalye. Napagtagumpayan ko naman ang subject na 'yun at naipasa.
March - May - is para sa tatlong natitirang subjects ko sa Graduate school medyo di ko na din idedetalye. Pero nasurvived ko yung tatlong subjects with flying colors. Yung May din is Graduate - Recognition namin sa school. Nagkita kita ulit kami nila Net, Rhy, at Bec para magbonding. Kumain sa Vermosa tapos nagpamassage sa NUAT THAI sa may Golden City Village. Nanood din pala kami ng aking kapatid na bunso ng Final Destination - Bloodlines. Second week din ng May ay Mother's Day nagcelebrate kami sa Giliigans sa may Vermosa.
June - second week ay brigada pero di ako umattend, medyo nag uulan ulan kasi that time. 2 weeks na lang din at balik na din kami para magturo sa school. Grabe 'tong start ng school year. 3 saturdays kaming magseseminar ng Revised K12 curriculum for Grade 8 ito ha, isinama kasi ako ng aking MasterTeacher/Coordinator sa seminar kasi need daw kasi nakabudget na. Tapos June 16 - start of Hell week sa school. June 17 is my Mama's Birthday din, second week din ng June ay Fathers day. Kumain kami sa Modern Shang sa may Vermosa din.
July - is TLE month. Busy month din itong July na ito dahil Nutrition Month. Kada isa sa amin ay may toka. Ang napunta sa akin ay ang Mr and Ms Nutrition Month 2025, may kasama ako dito na ka-department din. Medyo ito ata yung medyo mahirap na task dahil may eliminations pa tapos may Finals pa para sa culmination, na para bang Miss Universe ang atake. HAHAHAHAHA.Naitawid naman ang buong month of July.
August - "salt air" (jk). Maraming walang pasok dito sa month na ito dahil ito ay bagyo month. Parang may isang linggo kaming walang pasok, ending puro kami asynchronous class. Buwan ng Wika pala ito, so may pakulo sa amin na dapat every Monday ay nakagown jk, nakabarong at naka Filipiniana. Nagpunta din pala ako ng Ilocos nito. Nagpunta kami sa famous falls - Aw-asen. Tapos sidetrip ng Elyu.
September - start ng aming feeding program toka na naman ako sa panghapon. tapos isama mo pa ang ARAL program ng DepEd. Ito rin yung time na nag-aayos kami ng papers for reclassification. Grabe naalala ko lang kahit nabagyo napunta kami sa school para ayusin yung mga papeles namin kasi ang deadline ay last week ng September. Pero nawalan ng pasok yung deadline kaya i-minove kinalunesan ng Oktobre. Nakapagsubmit naman kami ng papeles kaya happy naman ang mga tao.
October - Teachers Month. Very awkward na naman sa akin itong araw ng Teachers Day dahil wala akong advisory. Kaya minsan mas maigi pang umabsent ako sa araw na isinecelebrate namin itong Araw ng Guro kaysa pumasok ako sa school. Pero pumasok ako sa school dahil ayokong umabsent. May 2 akong nakuhang awards. Perfect Attendance saka Most Punctual tapos may pa-gift ang aming principal bawat award bali naka 2 gifts ako. May seminar na naman kami - 3 sabado na naman. Dahil sa mga sabadong ito hindi ako nakakalaro ng tennis. Martes at Sabado kasi ang laro ng tennis sa amin. Na-survived naman ang tatlong sabado. Ito din pala ang time namin na nagte-training na kami para sa TECHNOLYMPICS. Isa na naman ako sa bunot dahil ako ang COACH ng Food Processing. Ayun tatlong linggo kaming mageensayo tapos by November 14 ay sasabak na kami para makipagtunggali sa mga iba pang kalahok sa mga kasaling schools sa Las Pinas. Medyo stress din ako dahil sa may pa-meeting din itong division namin tungkol sa mga nagpasa para sa reclass. "Bali uunahin daw asikasuhin ang mga 55 and up, o yung mga magreretire 5 years from now. Yes, tama naman yun, na dapat unahin sila, nakasaad yun sa DepEd order pero, dapat ieevaluate lahat ng mga nagpasa ng papel para malaman kung qualified ba o disqualified. Sabi din January daw magstart ng Demonstration at Interview para sa NCOI.
October 31 - nagpunta na din kami sa Providence para dalawin si kuya, lolo at lola sa kanilang puntod. Nagpunta kami ng maaga dahil last year gabi na kami nagpunta tapos na-traffic kami.
PS para sa October: dahil anniversary ng kasal ng aming bunso nagpunta sila ng CORON. Epic na naman ang aming pagnavigate ng daan dahil ihahatid namin sila sa terminal 1. Naihatid sa terminal 1. di ko sure kung 1 o 2. Pero dahil nga malituhin kami sa mga sanga-sangang daan at hindi pamilyar si papa sa pauwi itong si PAPA ayon naligaw na naman. Imbis na paganon, naging paganon. HAHAHAHAHAHA.
November - may reunion kami sa aming Probinsya, pumunta kami sa Nampicuan. Dinalaw na din namin si lolo, (father's side) tapos yung mga tita tito at ilang mga kamag-anakan namin dun sa camposanto. After 3 years nakabalik ulit kami sa province. Medyo slow pace talaga sa probinsya no, tapos ang init pa. Buti na lang talaga hindi naglasing itong si Papa kundi di kami makakauwi agad. Sunday kasi ang November 2, so di ako makakapasok pag di kami umuwi agad. Ayon mga alas tres ata nagbabyahe na kami. Jusko buti na lang talaga may Skyway na kung hindi baka ilang oras pa kami sa Maynila tapos nalito lito pa si Papa dahil di kabisado ang daan. Pero super epic din pagkaakyat namin ng skyway - okay naman. Pero ayon nawindang na naman ang aming Papa dahil hindi dumerecho at napakaliwa dun sa may pa-ALABANG. Imbis ang labas ay pa-MCX, ayon pa-ALABANG ang exit. HAHAHAHA pero okay lang alam naman namin ang palabas lol.
PS sa NOVEMBER - nanalo kami 3rd place sa TECHNOLYMPICS - Food Processing. First time coach - winner agad. lol.
Seminar pala ulit kami nito dalawang araw 25-26. From 8-5 pm.
December - (to edit ito) Ito na nga, dahil Demo na namin for reclass, ayon nagprepare kami, super tagal nilang dumating like mga pasado alas 3 na. Natapos naman ang demo at ang interview.
Gender and Development seminar - december 6 sa Laguna. Medyo masaya lang. Medyo nainis ng konti di ko nasasabihin basta.
December 12 - nakita ang score sa reclass medyo nagexpect ako dito na medyo mataas ang score ending, ayon okay lang naman ang score pero basta medyo hmm lang. Pero okay na ko ginawa ko na lahat, basta sana mareclass this year yun lang aking birthday wish.
Christmas party pala ng aming division / christmas party ng department sa SOUTHMALL kumain sa YABU na dapat sa BOTEJYU. Pero masarap sa YABU unli rice, cabbage, yung iced tea din. Exchange gift din namin - nakuha ko yung wishlist - phone case. Nagpicture sa WACKY Studio, nag SB tapos umuwi.
December 16 - birthday ko, absent ako sa school. Nagtournament kami dito sa amin, TALO naman. Pero okay lang. Masaya pa din.
December 17 - dapat aabsent pa din ako, nagpigil lang jk. May pa-cake ang aking Coor - SAYA. Hehehehe.
Actually ayoko talaga masyadong sinecelebrate ang birthday, ordinary day lang sa akin ang birthday ewan ko ba.
December 19 - Year end party sa school. Masayang masaya. Nanalo sa game - yung sa tiktok - yung huhulaan yung kay Whitney Houston hahahahahaha.. tapos nanalo din ulit ako sa isa pang game yung papaypayin yung isda. Nabunot sa raffle ng 3 times. Pero yung last e, invalid dahil nakadalawa na ako, give chance sa isa palang na nabubunot.Complete attendance kami so - 100 pesos each. Umuwi ng masaya kahit ginabi na kami. HAHAHAHAAHHAHAHAHA.
December 20 - December 30. Hindi ko na maalala ang mga happenings. pero 20 - nagtennis ata ako, pero di naglaro, nagpalo lang.
December 25 - Nanood ng Call me mother.
December 31. Nagprepare for New Year.
Kung umabot ka dito thank you for reading. Hehe. See you sa 2026.