Hayaan niyo lang ako.
Hayaan niyo lang ako. Sa bawat araw na nagdaan na siya pa din ang ginugusto ko. Sa mga masasakit na salitang sinasabi niya. Sa panahon na pinapamukha niyang hindi niya ko gusto. Hayaan niyo lang ako. Kahit halos gabi-gabi akong nilalamon ng utak ko. Kahit nagpapanggap akong inaantok, sa twing tutulo ang luha ko. Kahit nagpapakatanga na ako. Hayaan niyo lang ako. Mahirap man tanggapin na hanggang kaibigan lang kami, Masaya naman ako kung anong meron sa 'min. Hayaan niyo lang ako. Sanay naman ako maging ganito. Sanay ako na, ako lang ang nagmamahal. Sanay akong umaasa sa wala. Hinayaan ko yun sarili ko na saktan ng taong kagaya niya Hinayaan ko na maging bihag niya Hinayaan ko, hanggang sa 'di na ko makawala. Pinabayaan ko, Hinayaan ko.. kaso kulang pa din. Hindi niya pa din ako gusto. Hayaan niyo lang ako. Matatapos din ang pahina niya sa buhay ko. Makakalimutan ko din siya. Muli akong ngi-ngiti katulad ng dati. Hayaan niyo lang ako.. sa ngayon.














