Minsan sa buhay walang sigurado. Na yung mismong bagay na pinapahalagahan mo nang sobra, yun pa yung bagay na wawasak sayo. Wawasak sa pagkatao mo. Wawasak sa mga prinsipyo mo sa buhay. Wawasak sa mga pangarap mo. At ang pinaka masaklap, ay ang wawasak sa puso mo na walang ginawa kundi mag mahal nang tunay. And it was a living proof na lahat nang sobra ay hindi makakabuti sa atin.
My life had completely changed. Nabagsak ako sa course ko na BS Accountancy, first year college ako nun that time. Sinong di mababagsak sa walang inatupag kundi umiyak gabi gabi at mag overthink araw araw? Nawala focus ko sa studies ko. Nawala sa isip ko ang pangarap ko na maging CPA. Hindi lang pangarap ko ang nawala, also my faith. Pinakawalan ko din ang aking Salah(prayers), ang bagay na makakatulong sa tao lalong lalo na pag down ang isang tao. Pero wala eh, pinakawalan ko ang lahat. Sinira ko ang buhay ko. Sinira ko lahat nang bagay na pwedeng masira. Yung dating bata na inocente, naging demonyo. Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Lakwatsa everywhere. Ako ay nilamon nang pag-ibig.
But we loved each other so much that we didn't know how to handle it. Our love was true, pero wala pa kami sa tamang pag-iisip. Wala pa kami sa tamang idad para sa relationship na pang habang buhay. Wala pa kami sa situation na alam na namin lahat to cope up. In short, hindi pa kami ready. Sa side ko, mas pinapairal ko lagi yung galit ko. Lahat nang pagdududa ko. Close minded pa. Angkitid kitid nang pag-iisip ko. Isip bata pa. Demanding, inconsiderate, etc. Sa side naman niya, that time siya yung tipong akala niya habang buhay ako magtitiis sakanya. That time kasi wala siyang time para sa akin. Wala kasi siyang inatupag kundi mga barkada niya at mag overnight at mag laro nang mag laro nang online games. He trusted the thought na hindi ko siya kayang iwan kahit na hindi niya ko tinatrato nang mabuti, kahit na wala siyang ka effort effort, kahit na wala siyang oras sakin. He trusted the thought so much hanggang sa dumating sa punto na sumuko na ako. Na napagod na ako kasi tao lang din naman ako. Lahat nang tao may capacity kung hanggang saan lang yung makakaya nila. And that time, was, perhaps the end of mine.
April 2012. Our official breakup. Angtagal ko rin pinanghawakan yung pangako namin sa isa't isa na walang bibitiw. Pero wala, pag ang nagpapasaya na sayo mismo ang wawasak sayo, wala na. Pag ang pag-ibig na mismo ang wawasak sayo, expect nothing kasi talagang walang matitira sayo. Walang matitira sa dating ikaw na may pasensya, na kahit ang sakit sakit na, andyan ka parin para umunawa. You'll turn to into someone na sasabihin sayo "Bakit? Ikaw lang ba marunong manggago? Ikaw lang ba marunong manakit ng tao? F*ck you." At ang masaklap, pinakawalan na din niya ako. Doon nagsimula ang pagiging "in" ko sa lahat nang bagay na pwedeng makasira sa buhay ko. That time, kami lang nang kapatid ko natira dito sa bahay kasi nasa ibang bansa parents namin at mga kapatid namin. So doon na ako natuto uminom. Doon nagsimula yung paglalasing ko gabi gabi. Araw araw. Ginawa ko lahat para lang makalimutan siya. Para makalimutan ang isang lalake na winasak ang buhay ko. Ang lalake na pinaka una kong minahal at pinakauna din akong sinaktan. Life's a bitch, right?
May 2012. Our supposedly third anniversary. Minsan mga tao baliktad kung mag isip. Yung tsaka pa nila hahabulin yung tao pag huli na ang lahat. Tsaka pa nila hahabulin yung tao pag sumuko na ang tao skanila. Tsaka pa sila mag e-effort na wala na yung taong ginawa lahat para lang skanila, para lang sa relationship nila. Gaya nga nang sinasabi nang iba na tsaka mo palang malalaman worth ng isang tao or bagay, pag ito ay wala na sayo. And that was exactly what happened. Siguro nagising na siya at na realize niya na wala yung dating ako na nagtitiyaga sakanya. Wala na yung dating ako na text nang text sakanya pag hindi na siya nakakareply or nakakatext dahil busy siya sa mga barkada niya and online games. Wala na yung dating ako na nagpapakatanga para lang sakanya. Wala na yung dating ako na minahal niya. Isang gabi yun nang May '12 nang nag iinuman kami nang mga kaibigan ko at biglang nagtext kapatid ko na si ex daw nasa bahay naghihintay sa gate namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun. But one thing was sure that time, sinabi ko sa sarili ko "No more turning back. You hate this guy for breaking your heart and worst, ruining your life. Feel nothing, be numb." Late na ako umuwi nun para umalis na din siya sa bahay kasi di pa ko ready na kaharap siya. Pero pag uwi ko, nadatnan ko siya sa labas nang gate namin na naghihintay parin sa akin. Mejo natamaan na ko nun kaya nung lumapit ako sakanya, parang wala lang sa akin. Walang reaction at all. Tinitigan niya mga mata ko, sabay hinawakan mga kamay ko at sabi niya "Please, sorry na. Sorry na kung ngayon palang ako nag effort pumunta dito at ayusin ang lahat. Sorry na. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana bigyan mo pa ako nang chance. Mahal na mahal kita. Ayusin natin ang lahat. Magbabago na ako, promise. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Sorry na. Please." At umiiyak siya habang sinasabi niya yan. Pero ako, wala. Wala. Wasak na wasak na puso ko para maawa man lang sakanya. Gaya nang sinabi ko kanina, hindi na ako yung tao na minahal niya dati. Dahil sa sobrang galit ko, sinabi ko sakanya "Sorry pero ayoko na. Wala na tayo. Hindi na kita mahal." Naririnig ko sarili ko na tinataboy siya. Hindi ko alam kung dahil ba mejo natamaan ako nun sa ininom namin, or talagang galit lang ako sakanya. Umalis ako ulit nang bahay dahil ayaw niyang umalis. After one hour around 12mn, bumalik ako at andon parin siya sa labas nang gate namin na naghihintay at umiiyak. Tapos pag lapit ko, sabi niya sa akin "Pasensya na kung na distorbo kita. Wag kang mag alala, last na ito. Hinding hindi na ako magpapakita o magpaparamdam pa sayo. Pakakawalan na kita." And those were the last words na narinig ko sakanya.