Always fun with these bunch!

bliss lane
Today's Document

tannertan36
I'd rather be in outer space 🛸
trying on a metaphor
wallacepolsom
Cosimo Galluzzi
noise dept.
No title available
tumblr dot com
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Sade Olutola

titsay
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
hello vonnie
Show & Tell

JVL

❣ Chile in a Photography ❣

if i look back, i am lost

★
seen from Canada

seen from Switzerland

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Russia
seen from Türkiye
seen from United States

seen from Australia
seen from Bangladesh

seen from Iceland
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
@crisdiane-blog
Always fun with these bunch!
#2 Taympers
Sisimulan ko ang blog post na ‘to sa isang mabigat na buntong hininga... “HAYYYYYYYYY”.
At hi din pala muna. Sabi ko sa unang blog post ko, magbabalik ako sa tumblr, sa pag susulat, sa pagkukwento ng nangyayari sa araw ko. Pero anyare? Wala. Walang nangyari dahil di ako binibigyan ng pagkakataon ng buhay na to na madalas magkaroon ng gantong oras. Yun bang at the end of the day, kaya mo pang umupo sa pc at magkwento... yun bang kaya mo pang labanan ang antok at bigat ng pinagsama-samang feels mo sa mundo.
Ikaw, kamusta ka?
Ako... nasa punto ako ng buhay ko na nagsisisi kung bakit dati pinagdarasal ko na bumilis ang oras, na sana tumanda na ako at magkatrabaho. Nasulit ko naman ang pagkabata ko, pero ngayon naiisip ko bakit hindi ko mas-sinulit? Dumating ka na rin ba sa point na to? Malamang oo, pakiramdam ko kasi 9/10 sa mga tao ngayon, pinapangarap makabalik sa oras na pag tulog lang sa tanghali ang problema para makapag laro sa hapon, mga oras na pinoproblema lang kung saan mag tatago pag naglalaro ng bangsak. Yung 1/10 yung mayayaman, yung ngumunguya ng pera sa agahan. Feeling ko lang naman.
Tangina kasi, minsan gusto ko nalang sumigaw ng “taympersssssssss” sa buhay. May mga umagang pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mata ko, ipipikit ko na ulit ang mga ito at magdadasal na sana hindi ko pa kailangan bumangon, na sana pwedeng matulog na lang ng matulog, na sana nakahiga na lang ako sa pera at pwedeng hindi na mag trabaho.
Sobrang saya pala ng buhay nung hindi ka pa isa sa mga stressed na tao sa mundo, tawag ata nila... “adults”. Kung alam ko lang na yun ang pinakamasayang stage ng buhay, edi sana tinambayan ko muna. Nung elementary, problema ko lang noon pano gigising ng maaga para maaga makapasok at makapag laro pa ng sipa bago ang klase. Akalain mo yun, top 1 pa ‘ko nun sa klase, ‘kala ko pa nga ang cool ko kasi kalaro ko puro lalaki ng lower section pero likas kasi yung talent ko sa sipa kaya sorry nalang sa mga tinatalo ko sa sipa noon. Pero ayun na nga, top 1 ako ng klase noon! Kung saan saang school ako dumadayo, pinanlalaban. Proud na proud parents ko nun sakin kasi para daw akong may iba’t ibang katauhan, batang kalsada sa bahay tapos achiever sa school. Aba panis. Di nila alam, dala ko pa rin naman ang pagiging batang kalsada ko sa school. Sobrang dami kong nasalihang contest nun, ‘kala ko tuloy nun matalino talaga ako. Every year kasali kami sa math quizbee, nakasali na rin ako sa spellingbee kung saan umabsent pa ko ng isang araw bago yung contest para magmemorize ng definitions ng mga lintik na iispell na yan, scidama since grade 3 dahil nirecommend ako ni Gino at di naman sya nagkamali, champion ako kasi nga ‘kala ko talaga magaling ako. Kasali rin ako sa journalism, dito ko nakilala ibang kaklase ko nung high school e, nakasali na rin sa chess tournament pero di ako proud dito kasi di ko gets bakit biglang nilaban ako? Mamser, di po porke nangunguna sa klase ay best in chess na din. Wow. Panlaban din ako sa science quizbee, tandang tanda ko pa yung last question na nagpanalo sakin sa clincher round nung grade 5, ano daw yung nagtatransmit ng neuron signals... ay tama ba. Di ko sure pala, tinatamad ako igoogle kasi bakit pa e wala naman may alam nitong blog ko. Effort pa eh. So basic ng tanong, which requires a very basic answer... axons ata ang sagot kung di ako nagkakamali. Wow anyabang talaga. Basta madami pang contests, nakakatamad isa-isahin lahat, baka sabihin nyo anyabang ko. Sabi ko naman sainyo, ‘kala ko kasi nun magaling na ako.
Tapos dumating ang high school. Sobrang saya ng high school! Best part ata tong balikan. Sobrang saya kasi ito yung time na may isip ka na talga, mulat ka na sa bagay-bagay kahit papano pero hindi pa enough para mamroblema ka ng husto. Kumbaga... saks lang. Kaya sobrang babaw ng kasiyahan non. Ultimo pagpapaulan, kinatutuwaan. Tipong, bibili ka lang ng footsocks sa kanto pero sama-sama pa kayo ng mga kaibigan mo. Yung ansarap gawin ng mga bawal, basta sama-sama kayo. Yung inspired ka sa mga crush mo, pasikat ka, kunwari wala lang sayo pero ang totoo bawat pitik ng daliri mo, para sakanya talaga... para mapansin ka. Wow Diane, kala mo alam talaga e. Nung high school sa tagsci ako namulat na di pala ako magaling. ‘Kala ko lang pala talaga matalino ako. Sa highschool ko naranasan mag remedial class sa math, kasi di ata hilig ng section namin mag aral nun. Tipong sa di ko nasagutan yung isang page ng exam sa finals sa math kasi di ko nakita pero ako pa yung nag highest. Ganern. Pak maipasok lang. Pero sa totoo lang, hirap talaga section namin sa math nung 1st year. Dito ko narealize na ansarap mabuhay, ansarap pumasok sa school, di nakakatakot, di nakakapressure ang exams... not until magkaroon kami ng Physics. Tanginang physics yan e. Hirap na hirap ako dyan. Tipong lunch time nag aaral kami ni Paul para sa quiz pero mababa pa rin ako. Ayoko talaga ng physics, or siguro di lang talaga kami nakikinig kay Ma’am Nemis tuwing klase. Pero bakit ako lang yung nahihirapan. Hayyyy ‘kala ko lang kasi talaga magaling ako. Paulit-ulit wow. Sobrang saya ng highschool, hindi deserve na part lang sya ng post, pang isang buong blog post kung high school ang pag uusapan. Pero ayun na nga... sobrang lungkot din nung grumaduate ng highschool. Ako lang ata saming magkakaibigan yung hindi nag UP. Ay tama ba? Ay hindi. Si Janina, nag UST tapos si John Mar nag MINT. Okay... ako nag PUP. Oppps dati akala ko pinagsisisihan ko. Pero ang galing... kahit katiting nawala lahat ng akala ko.
No ragrets. Why? Kasi dito ko nameet yung mga college friends ko. Malamang, college e? De... srsly, dito ko nameet yung mga taong dumagdag sa buhay ko. Nung akala kong high school friends lang ang forever friends ko... mali pala. I’ve been given the chance (wow english talaga???) na makakilala pa ng mga totoong kaibigan before masatisfy and masabing, okay na ako sa circle ko... okay na ako sa friends na meron ako. Sa college yung phase ng buhay mong mulat ka na enough para maintindihan yung mga bagay bagay kaya marami ka nang pinoproblema, marami considering nasa college life ka pa lang. Sobrang daming nangyari sa college life ko. Dito ko napatunayan na di talaga ako matalino but magaling ako. Magaling... magaling kasi kinaya kong matapos yung college despite everything na nangyari sa bahay... sa buhay... ewan. Kaya to all the graduates out there... (wow ‘kala mo may reader, e wala nga may alam nito???) it wasn’t about all the uno na meron tayo sa class card... but the determination na ilaban ang mga singkos at magpakahappy sa bawat tres na meron tayo. Panis. Nakakamiss ang college :( Yung mga panahong, kapag di mo kayang bumangon sa umaga... di mo nalang papasukan yung first period subject nyo. Yung mga panahong, pwede ka lang mamili ng papasukang klase sa buong araw. Yung mga panahong, ang hahaba ng vacant time kaya more bonding kayo ng mga kaklase mo. Yung mga panahong, mag aayaan kayo kumain sa labas dahil sukang suka na kayo sa mga pagkain sa canteen. Mga panahong, kahit maghapon kayong pagod na pagod, nagtatawanan pa rin kayong uuwi. Mga panahong puro kwentuhan habang nag hihintay sa prof na di mo naman alam kung darating. Yung mga panahong naglolokohan at nag gagaguhan lang kayo sa reporting. Hay... eto na naman yung linya ko --- hindi sapat na parte lang ng post na ‘to ang buong college life na namimiss ko, pag nagkaroon ng time gusto ko gumawa ng post tungkol sa lahat ng bagay na namimiss ko. Hay... kolehiyala days. Wow.
So ayun na nga... nakakatulong talaga yung ganito. Yung nagkekwento ka lang. Tulad ngayon, di ko na namalayan na nakwento ko na elementary, high school at college life ko... isusunod ko nalang yung sa review at board exams experience ko. Ay wuw. Tipong kunwari may readers ka, pero wala ka naman talagang pake kung may makabasa o wala kasi gusto mo lang magkwento. Nakakabawas ng stress sa totoo lang. Haaaayyy, ayan mas magaan na yung buntong-hininga ko.
Sana dumating yung time na ganado na ulit ako in life. Yung bawat araw excited ako gumising sa umaga, at tatapusin ang araw with a blog post. Yung masaya kang ikekwento yung nangyari sa araw mo. Sa ngayon kasi... kung araw-araw magkekwento ako... iisa lang ang magiging laman. Reklamo. Reklamo at pagsuko sa mga bagay-bagay. Sa ngayon, pakiramdam ko ang hina hina ko. At... gusto ko na lang matulog.
Bye!
Good Life.
#1 Hello.
Ang fresh naman, bagong blog! Anyway, sa kaalaman ng mga taong maaaring makabasa nito sa future (lakas makapasikat) ... ako nga pala si Diane. 20 something, di katandaan pero hindi maipagkakailang hindi na rin kabataan. Ngayong alam mo na ang pangalan ko, hayaan mo muna ako magkwento. Unang post naman to, pagbigyan mo na. Kwentuhan muna tayo.
Una akong pumasok sa pagbablog nung high school, 3rd year hs yata kung di ako nagkakamali so malamang mga 2009 yun. Repost repost lang nung una sa personal blog ko then nagkaroon ako ng another blog na medyo pafamous ako nung una kasi di ako nagpapakilala pero dun ako naging active sa text posts nung college mga 2011 or 2012 yata. College kasi e, dami ko hinaing at reklamo nun sa buhay, puro “di ako nakareview shet exam bukas, puyat na puyat ako” but at the end of the day nakailang text posts din pala ako sa tumblr. Yung pangalawang blog ko ang naging sandalan ko sa mga panahon non na extremes ang emosyon ko, either masyadong masaya or masyadong malungkot. Kung tutuusin, ilang taong sumalamin ang blog na yun ng mga nararamdaman ko, mga emotions na hindi nakikita at napapansin ng mga tao. Pero may mga sapat din naman akong dahilan kung bakit iiwan ko na ang blog na yun at magsisimula ng panibago.
Tagal na rin pala nun. College pa ako. Bakit? Engineer na ako ngayon. Ops, di ako nagmamayabang ha? wala naman kasi ako maipagmamayabang. Gusto ko lang sabihin na engineer na ako, di naman din siguro masama tutal limang taon at anim na buwan ko rin naman “pinagsikapan” yan. Sa ilang taon na yun, napakarami na ring nangyari sa buhay ko na di ko naidokumento, napakarami na ring nagbago.
Mga ilang bagay na kasama sa mga nangyari at nagbago:
Nagpreboards kami bago makagraduate. Ito yung isa sa peak ng college life namin, dito nagkandagulo-gulo ang buhay namin nung 5thyear. Dito ko nakilala yung mga kaklase ko sa oras ng kagipitan, dito ko napatunayan sino ang totoo. Number 1 nga pala ako dito. Di kahanga-hanga kasi niyurakan ng sistema yung bagay na pinaghirapan naman talaga namin. Pero wala lang... at the end, grumaduate naman kami, yun yung mahalaga.
Nag dorm kami sa manila for 6 months para magreview. Ibubukod ko ng kwento to kasi sobrang halaga rin ng anim na buwan na to sa buhay ko.
Nagboards, pumasa sa boards, engineer na ngayon.
After 1 week pagkatapos lumabas ng results, oo isang linggo palang ako nag eenjoy ng halos anim na taon na pinaghirapan ko, iniwan kami ng papa ko. No words can describe gaano kasakit... kasi hanggang ngayon nararamdaman ko pa. Hanggang ngayon di ko pa kaya magkwento, hanggang ngayon di ko pa mailabas ‘tong sakit na matagal ko nang dinadala. Nakakahiya kasi, and malamang wala rin naman makakaintindi. And yes, I need to vent out. Naisip ko, baka itong tumblr ulit yung makatulong sakin. Baka kailangan ko lang masanay, kailangan ko lang mailabas, hanggang sa maging normal na, hanggang sa matanggap ko na? Labo no. Sabi ko naman sainyo.
Umuwi ang ate ko nung nawala ang papa ko, pero kinailangan nya munang bumalik ulit sa Abu Dhabi, nabaon kami sa utang nung mawala yung papa ko. After ilang buwan, umuwi na ulit yung ate ko dito sa Pilipinas. Pakiramdam namin, pilay na pilay yung pamilya namin nung mawala yung papa ko. Hindi financially, pero emotionally... tipong laging may kulang. Yung dating masayang pamilyang pinagmamalaki ko, buo, kumpleto... wala na. Kulang na ngayon. Umuwi yung ate ko, kaya kahit papano lumakas naman kami. Suportahan sa isa’t isa, pero pakiramdam ko nagbubulagbulagan lang kami sa nararamdaman ng bawat isa. Kumbaga halos lahat may maskara, nagpapanggap na masaya para di maapektuhan yung iba pero malamang sa gabi, tulad ko... hindi rin sila pinapatulog ng lungkot at pangungulila.
Wala pang isang taon nung mawala yung papa ko, wala pang trabaho ang ate ko, na-stroke naman yung mama ko. Nabanggit ko nang nabaon kami sa utang nung mawala ang papa ko, at hanggang ngayon di pa namin bayad yun at nung mastroke si mama, mas nabaon kami... natabunan na kami ng utang. Ako lang ang nagtatrabaho at malamang hindi sapat ang kita ko sa nagastos sa ospital, kinailangan syang matutukan sa ICU dahil kritikal ang kondisyon ng abnormal na pagtaas at biglang pagbagsak ng BP nya. Awa ng Diyos, nag papagaling na sya ngayon. Bulsa nalang namin ang duguan at sugatan. Lavahrnnn? Laban.
Isang taon na rin mula nung mawala si papa nitong October. Trivia: wow may patrivia??? Nung mawala yung papa ko, ni hindi ko magawang magpost, sumulat or kahit anong tungkol sakanya. Yung ate ko nung mawala yung papa ko, nakapagpost sya agad sa facebook, kaya lang nalaman ng mga tao. Nung nilibing yung papa ko, sinubukan ko sumulat... anong nangyari? Wala. Di ko pa rin nagawa. Hindi ko alam, ang hirap iexplain. Hindi naman kailangan creative writing levels, yung tamang kwento lang... pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa siguro dahil hindi ko makayang sariwain yung mga alaala ng papa ko, mag iisang taon ko nang sinusubukan gumawa ng isang kwento tungkol sa nararamdaman ko, tungkol sa papa ko... at mag iisang taon na rin akong bigo. Hindi ko alam, hindi ko magawa, nahihirapan ako. Pero in time... kapag kaya ko na, makekwento at maiilabas ko rin lahat to. Lavahrnnn? Laban.
Yan ang mga highlights ng buhay ko. Sa ngayon, nasa state ako ng buhay ko na “sakto lang” di ko maipaliwanag pero sakto lang. Masaya na siguro ako na lumalaban kami, sa loob ng mga panahon na lumipas, mas minahal ko ang pamilya ko. Mas naintindihan ko yung halaga nila, mas gusto kong sulitin bawat oras kasama sila.
Lumilipas ang oras e, ambilis ng takbo ng buhay, bukas makalawa sino bang makakapagsabing may buhay ka pang pwedeng aksayahin o pwedeng sulitin?
Kaya heto ako, nagbabalik sa pagsusulat. Susubukang mas sulitin ang bawat oras ko sa pagkekwento ng kung anek-anek sa buhay ko.
Hello nga pala.