JEJEJE - JEJEMON ME. I LIKE THE SONG THOUGH.
art blog(derogatory)
noise dept.
The Stonewall Inn
I'd rather be in outer space 🛸
Lint Roller? I Barely Know Her
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

ellievsbear
No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Today's Document
Fai_Ryy
🩵 avery cochrane 🩵
The Bright Sessions

tannertan36
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Color Me Curious
Cosmic Funnies

bliss lane

Discoholic 🪩

Jimmy Eat World
seen from Serbia
seen from Azerbaijan

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Philippines
seen from Syria

seen from Malaysia
seen from France
seen from Switzerland
seen from United Kingdom

seen from Georgia
seen from United States

seen from United States

seen from Belgium

seen from United States

seen from Russia
seen from T1

seen from Indonesia
seen from Kyrgyzstan
seen from Bangladesh
@czatot-blog
JEJEJE - JEJEMON ME. I LIKE THE SONG THOUGH.
HAHAHA
After 3 years ngayon ko nalang ulit nabuksan 'tong tumblr ko na 'to. Natatawa nalang ako sa mga nakapost dito. Parang joke. Haha.
"Makahanap ka sana ng bf na mas makakapagtimpi sa ugali mo."
Saksak 12793740557047912-949457989124058743957x! Yan ang sinabi niya saken. Pinakamatinding banat na natanggap ko sa lahaaaaat ng naging boypren ko. Tinde! Parang napakasama ko namang girlpren. Pero ayos lang. Alam ko galit siya saken eh. Pero tama ba yan? Ang sakit kaya.
Sagot ko naman: "Ikaw naman, hanap ka gf na mabaet ha."
Eto pa isa pang matindi! Hindi ko alam kung iiyak ba ko o magagalit o pwedeng sabay nalang.
"Oo. Dali dali makahanap ng mabaet na gf dito eh. Pinas to. Kaliwa't kanan. Hehe." Sabi niya.
Kumulo dugo ko. Kaya nagpaalam ako kagad. Di ko na matake eh. Sakit eh.
Okay, wala NA NAMAN kame.
Aminado naman ako na ako may mali eh. Sobrang pinaghihigpitan ko siya. Sobrang TH (tamang hinala), gusto ko ako palage nasusunod. Imba nga daw eh. Alam ko masyado na ko nagiging selfish. Pero kase, mahal ko siya eh. Natatakot lang ako na baka may makilala siyang iba tapos ipagpalit niya ko. Ang layo layo layo layo pa man din niya saken, hindi ko alam kung ano talaga mga ginagawa niya. Tapos may mga naging issue pa dati na natatakot ako na baka maulit, baka kase gawin niya saken yung ginawa niya sa ex niya. Yun lang talaga, siya din naman dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh. Hindi naman ako magkakaganito kung una palang sana naging maayos na siya. Maayos din sana kame ngayon.
Iiwan ko lang sandali ang Tumblr. Ayoko na muna magpost.
Kelangan ba talaga tumawa agad ako sa ta/blog title palang? "BLOG, PIPI, BINGI":D Salamat sa follow, sana di ka maumay sa mga kabastusan/kahalayan/kalokohan/etc sa tumblog ko. :)
Kung gusto mo tumawa, sige. :))
Salamat din sa pag follow back. :D
13th Prindshapesary.
Prindshapesary na namin sa Pinas. Sakin mamaya pa.
Last month, LQ kami kaya hindi namin nacelebrate ang prindshapesary namin. Nagalit kasi ako sa kanya dahil sa mga ginawa niya sakin. Sinabi ko kasi sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Yung tungkol sa ex niya, bago kasi siya umuwi binawalan ko siya makipag-usap sa ex niya. Kahit simpleng usap ayoko. Tapos malalaman ko pa na nagkausap sila, nagkatext pa tapos nakita ko pa na may mga picture silang dalawa. Sinabi ko din yung tungkol sa hindi niya pagpaparamdam simula nung umuwi siya sa Pinas. Hindi man lang ako tinawagan. Once a week lang kung mag online. Hindi pa maayos ang Y!M niya, magtetext nga pero isang beses sa isang linggo din. Sobrang nasaktan talaga ako sa mga ginawa niya. Pakiramdam ko wala akong boyfriend nun. Basta masaya siya, nakalimutan niya na ko. Tapos pinaramdam niya pa sakin nun na nabawasan ang pagmamahal niya sakin. Lahat yan sinumbat ko sa kanya. Madami pa siya ginawa. Ayoko na isa-isahin at baka kumulo na naman ang dugo ko.
Buti ngayon, maayos na kami. Kinakaya namin lahat ng problema. Kinakaya ang LDR.
Kaya eto 13th prindshapesary na namin. Next week 12th monthsary na.
Prindshapesary.
September 14, 2009
Nasa Washington D.C. na ko papunta ng train station. Nagtext siya ng good morning. Tinanong ko siya kung nakasilay na ba siya sa crush niya. Sabi niya: "Wala pa. Ang tagal nga eh, nagcommute pa kasi." Nagulantang ang beauty ko sa sinabi niya, baka ako yun. Baka ako nga yung crush niya. Pero ayoko mag assume baka kasi mamaya hindi pala ako e di nasaktan lang ang feelings ko nun.
Fast forward.
Break time.
Kakain na kami. Kasama namin yung iba naming friends. Habang inaantay namin ang pagkain namin sa microwave, tinutukso kami ng mga kaibigan namin. Bagay daw kami. Kilig na kilig na naman ako.
Nung kumakain na kami, nag share kami sa pagkain namin. Kapag hindi siya nakatingin o nakatalikod siya, todo smile ako sa mga friends ko sabay kikiligin. Pero 'pag haharap na siya, papademure effect ako para hindi niya halata na kinikilig ako. Pagkatapos namin kumain, nagkausap kami tungkol sa crush namin. Naghuhulaan kung sino ba ang crush niya. Nagbigay ng clue. Inisa isa ko na lahat ng mga pinoy na kasama namin sa caf pero wala sa isa sa mga yun ang crush niya. Sabi niya kasi nasa caf din, kasama namin. Hanggang sa kelangan ko na umuwi, hindi ko pa rin alam kung sino ang crush niya at hindi niya rin alam yung sakin.
Sa bus stop namin pinagpatuloy ang paghuhulaan. Kasama namin ang magsyota naming kaibigan. Habang naghuhulaan kami bigla sila kumanta. Kinanta nila yung kanta ko para sa crush ko: "Closer You and I". Dumating na ang bus hindi ko pa rin alam kung sino ang crush niya. Hanggang sa makarating na kami sa train station, naiwan na kaming dalawa dun.
Sa gitna ng daan pa kami nagkulitan tungkol sa crush namin. Napagusapan namin na magpalit ng selpon. Nasa inbox niya daw ang pangalan ng crush niya. Sabi ko, ganun din ako. Bilang "One! Two! Three! Palit!". Nagpalit kami. Tinignan ko ang inbox niya. Puro ako. Pero may isa dun na ibang babae. Sabi ko: "Si Arianne?" Sabi niya: "Hindi! Puro ikaw kaya nasa inbox ko. Kaya..." Sabay turo sakin.
"Ako?" sabi ko.
Waaaaaaaaaaaaah! Ako pala! Ako din pala ang crush niya!
Tinignan niya naman ang inbox ko. Madaming lalake. Kaya hindi niya alam kung sino talaga. Inisa isa niya ang mga pangalan. Lahat ng sinabi niya hindi tumama. Tinuro ko nalang ang pangalan niya. Parang hindi pa nga siya naniwala. Dumating na ang train. Kailangan ko na sumakay. Nagpaalam na ko sa kanya. Niyakap niya ko bago umalis. Pero half hug lang. Kinilig pa rin ako dun to da 11th power! Paano ba naman kasi first time niya ko i-hug.
Kaya memorable sakin ang araw na yan.
Sa araw na yan, nagkaaminan kaming dalawa. Nalaman ko na crush niya din pala ako. Kilig na kilig ako nun. Parang highschool. Hindi talaga ako makapaniwala na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. Kaya naging mag "M.U." kami.
"Prind" at "Krash" naging tawagan namin kaya nabuo yang "prindshapesary". Naging parang kami. Malabo. Hindi ko alam ang status namin. Akala nung iba kami na pero hindi. Araw araw na kami magkasama. Araw araw niya na ko hinahatid. Nagmamatch pa kami ng kulay ng damit. Sinusundo sa class ko. Sabay kumakain. Nag-hoholding hands.
Pero may isang problema.
May gf siya.
Countdown.
October 14 - 13th prindshapesary.
October 21 - 12th monthsary.
Hindi ko akalain na tumatagal kami.
KUMAPIT- pinaka the best na paraan para iparamdam sa taong mahal mo kung gaano siya kahalaga sa'yo, kahit na pabitiw na siya.
Kahit na nasa'yo na lahat ng kaligayahan sa mundo, nonsense... KUNG HINDI KA MARUNONG MAKUNTENTO.
Hindi pantay ang kilay ko sa litrato na 'to.
sumasablay:
PROSESO PAGKATAPOS NG BREAK-UP
UNA, hindi mo pa matatanggap agad ang masalimuot na kinahinatnan ng kailan lang ay napaka-ligaya niyong pagmamahalan. Mag-rereminisce ka. Aasa na parang tanga dahil ikaw na lang talaga ang bumabalik sa nakaraan at siya’y moved on na moved on na. Malulungkot. iiyak bago matulog, may luha paggising, habang kumakain, kapag nakikinig ng mga malulungkot na awitin, mapadaan lang sa mga dating hang-outs niyong dalawa, maiiyak kapag nag-iisa at ang pinaka-grabe na kahit hanggang pag-tae mo’y dala mo pa rin ang sakit at puot ng inyong nakaraan. Iiyak ka ng iiyak at wala kang magagawa dun.
PANGALAWA, bigla mo na lang marerealize na pagod ka na sa kaiiyak at masyado ka namang gwapo o maganda para sakanya kaya ayos lang. Ilang araw, linggo o minsan pa ay umaabot ng ilang buwan, depende sa damage nito sa buhay mo, pagkatapos ng break-up, magiging BITTER ka talaga. Isusumpa mo siya. Marerealize mo lahat ng mga nakaka-turn off sakanya at ipagkakalat mo pa sa mga kaibigan mo. Buburahin mo siya sa friends’ list mo sa YM, Facebook, Multiply at unfollow sa Twitter at Tumblr. Buburahin mo ang cellphone number niya kahit kabisadong kabisado mo naman. Tititigan for the last time ang mga pictures niyo at itatago na sa hindi mo palagiang nakikita. Pipilitin mo siyang hindi isipin kasi wala siyang kwenta at sayang lang oras mo sakanya. Hindi mo na din ginugustong marinig kahit pangalan niya.
PANGATLO, maiisip mo na magpaganda at magpagwapo ka para anytime na makita ka niya o magkasalubong kayo, mayabang ka kasi pinakawalan ka. Mag-po-post ng mga magagandang pictures sa Facebook at Tumblr para kapag viniew niya ang profile mo, mayabang ka ulit kasi mas maganda at gwapo ka na kaysa nung kayo pa.
PANG-APAT, magsasaya ka. Pipiliting aliwin ang sarili kahit sa anong pamamaraan. Magpapaka-busy sa trabaho, pag-aaral, gimik at kung anu-ano pa. Magpapaka-dalubhasa sa kung anu-anong aspeto. Mag-fflirt. Makikipag-date kung kani-kanino. Iinom, mag-ka-clubbing, magbibisyo.
PANG-LIMA, bigla ka na lang magsasawa sa mga ginagawang pag-aaliw. Maiisip ng ayusin ang SARILI. Mag-fofocus sa mga prayoridad sa buhay. Pauunlarin ang SARILI. Magpapaganda at magpapa-gwapo hindi na dahil sa iyong EX kundi para sa SARILI. Matututo ka ng mainlove muna sa iyong SARILI. Lalawak ang iyong pang-unawa sa mga bagay-bagay. Magiging masaya at kuntento kahit papaano na mag-isang nag-iistroll sa mall, sa park, nanonood ng sine, kumakain sa masasarap na restoran. Matutuwa dahil isa ka ng SINGLE na pinapangarap ng ilan.
PANG-ANIM, sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo ka ng SOMEONE na bigla na lang darating sa iyong buhay na parang isang aksidente na hindi mo inaasahan. Lahat ay tama. Masarap sa pakiramdam. Mararamdamang umiibig ng muli ngunit, may pumipigil. Hindi pa maibibigay ang lahat dahil sa takot.
PAMPITO, kaya’t upang lubusan ng lumigaya, mag-LELET GO ka na talaga. Tutal, moved on ka na. Tatanggapin na ng maluwag ang pangit na ending niyo ng iyong EX. Positibo ka na sa mga panahong ito. Hindi ka na bitter. Patatawarin na siya kung may nagawa man siyang hindi maganda sa iyo. Makakangiti ka na ng totoo sa mundo.
PANG-WALO, dahil naka-let go-move-on ka na, maaari ka ng magmahal muli, ng buo at walang takot. Swerte ni SOMEONE kasi, mas maganda at gwapo ka, mas matatag at maibibigay na ang iyong sarili ng buong-buo sakanya. Bagong pag-ibig, bagong pag-asa.
Lahat ay may proseso. Hindi agad. Masasaktan ka pero, makakatayo ka ulit. Magiging mas mabuting tao, mas magiging masaya at kuntento.
Puro salita. Hindi naman ginagawa.
Ang totoong nagmamahal,
salitangwalangkwenta:
Marunong maghintay.
048. PAGTATAKSIL
sumasablay:
Nagawa mo sakanya. Pwedeng saakin din.
HEART ATTACK
Ang entry na ito ay hindi tungkol sa mga kaso ng mga atake sa puso na napapanood sa tv o nangyayari sa totoong buhay. Wala itong kinalaman sa high blood, pagkain ng taba at alta presyon. Ito ay isang lamang literal na paglalahad ng iba’t-ibang pag-atake ng ating mga puso sa mga haayyy san-pa-nga-ba eh di sa usapang pampuso.
Inatake na ba ang puso mo? Naranasan mo na ba pagpawisan ng malamig habang humahabol ka sa bilis ng tibok nito? Eh yung pakiramdam na parang mahuhulog na ito at kahit anong pigil mo, indi ito maawat sa gusto niya? Eh yung paninikip nito na halos sumabog na sa kinalalagyan sa sobrang ligalig? Minsan ang wild ng imagination mo, feeling mo malaki ito mashado na gustu mong ibahagi sa ibang tao. Pero pag sumakit naman ito, daig pang pinitpit at dinurog na parang pamintang durog, ang saket! Minsan nga pakiramdam mo wala nang natira rito. (Kamusta ka naman buti buhay ka pa kung wala ka na nito.)
Bakit ba ako nagtatanong ng ganito? Bakit nga ba inaatake ang puso natin? Masama ba talaga ito? Meron ba talagang nakakaiwas dito? Meron na bang tao na nagtagumpay na nakaiwas sa pag-atake nito? Kung meron, anu kaya ang nangyari sa kanila? Buhay pa rin kaya sila?
May iba-ibang kaso ng pag-atake ang puso. Mapa-bulgar o palihim. Pinipilit itanggi o loud and proud lang. Kahit pagandahin mo pa ang deskripsyon, isa pa rin ang ibig sabihin nito… INAATAKE KA NA NG PUSO MO.
Attack #1: Slowly but surely. Ito ang estado ng puso ng isang tao kung saan tahimik na namumuhay ito. Masaya naman kahit hindi ganun kagarbo pero keri na rin. Chillax lang sa isang sulok, walang inaalala…walang pinuproblema pero bigla na lang itong susundot na parang surot. Unexpected. Magugulat ka na lang isang araw na ang puso mo, biglang ngumingiti ng kusa. May anxiety attack factor on the side. Indi ka mapakali, meron kang gustung laging nakikita at kahit marinig lang ang boses iba ang saya, parang may malamig na haplos. Iba sa normal na pakiramdam. Kung dati, ok na sayo ang manood ng tv with matching chips at softdrink tuwing weekend. Ngayon, may mga lugar ka nang pinupuntahan at laging may inaabangan sa cellphone, telepono, email at YM. Lagi kang excited, kahit mainit ang panahon indi maalis ang smile… para itong naka-tattoo. Pag ganito na ang pakiramdam mo… ito na ang unang pag-atake ng puso mo.
Attack #2: Bulls eye! Ang estado ng puso kung saan ito ay nagpumiglas na para magpatihulog na hindi man lang kumukunsulta sa amo niya. Dito nate-test kung gaano ka-independent ang mga puso natin. Risk taker. Walang takot. Walang kaba. Sumusugod kahit kulang ang bala. Walang kasiguruhan at kahit malinaw pa sa sikat ng araw na talo siya sa laban, sige lang dahil sa ganitong estado… there’s nothing to lose. Itotodo na lahat hangga’t meron. Bakit? Walang pero. Walang bakit. Walang dahilan. Isa lang direksyon lang ang tinitingnan at kahit may mga humps, construction o kahit ano’ng sagabal. Kung may patibong man, ready na sila mag-dive in… plunge at mag-sink dahil ito na ang moment na pinakahihintay nila. Ang sitwasyon at lugar kung saan walang masakit. Lahat kayang lampasan. Lahat kakayanin.
Attack #3: Paranoia. Akala ng puso na sumugod sa laban, lagi siyang nasa cloud nine. Laging masaya. Laging may bertdeyan. Laging piyestahan. Nakalimutan niya na minsan indi laging masaya ang mga okasyon kasi bumabagyo din. Walang handa. Ang mga saklaan, nire-raid din pati na ang mga beerhaus at sauna. Minsan ang mga pinggan at ang ilang kagamitan sa bahay, nabubulabog sa paglipad-lipad. Mga tawag at text na walang reply. Mga tanong na sinasagot ng tanong din. Ang ulam na tumatabang. Mga bulsang butas. Mga problemang walang lunas. Cellphone na dedbat at walang load. Mga damit na namanchahan. Mga pusong sugatan. Nilalamon ng duda, inggit, insecurities, selos, at ang pinakasikat na pride. Ngayon, naalala na ng pusong sumugod ang pakiramdam na masaktan. Maisantabi. Malinlang. Masugatan. Ngayon, sinasabi niyang ayaw na niyang magmahal. Pati si Kuya Jesus nakukuhang tanungin kung bakit. Kinukwestyon. Hinahamon. Nawala na yung tapang. Nawala na yung spirit. Nawala na yung love.
Attack #4: DOA (“Dead On Arrival”) Anu ba ang pakiramdam ng pusong sugatan na binuhusan pa ng alcohol at dinaanan pa ng pison? Pinipilit tumayo pero indi pa rin magawa. Hindi dahil sa ayaw kundi dahil hindi alam kung saan magsisimula. Ang pakiramdam na wala ng rason para ituloy ang buhay. Ang iba sa inaatake ng DOA, sa Sarhento Mariano ang bagsak. Ang iba naman ay sa Hospicio de San Jose. Meron din sa mga madidilim, maiingay at indi magkariningang lugar tulad ng club at bar. Sa mga pusong nakakapag-isip pa ng maayos, makikita sila sa loob ng simbahan. Hindi nawawalan ng makakausap. Mga kaibigang takbuhan… hingahan… karamay sa lungkot with matching alak on the side. Ang buhay ginawang routine, trabaho-bahay,bahay-trabaho. Ang pusong dating matapang, ngayon wala ng buhay. Dapang-dapa na. Nabura na ng depresyon ang dating sigla. Indi na makangiti. Nawalan na ng pag-asa. Sinumpa nang umibig ulit. Sumuko na. Umayaw na. Tinanggap na ang pagkatalo.
Attack #5: REBORN. At sinung makakapagsabing ang mga puso ay marunong magtanim ng galit? Kahit anung sakit ang dinaanan ng puso. Kahit na saksakin ito, ipagtatwa, ipagtulakan, ibigti, iligaw, at ipapulis…. iibig at iibig pa rin ito. Walang sinuman ang pwedeng pumigil dito. Walang makakapagsabi dito kung anu ang dapat at hindi dapat para sa kanya. Puso lang siya pero napakalaki ng parte niya sa desisyon pagdating sa pag-ibig. Unang-unang binibigyan ng konsiderasyon. Nasasaktan pero indi nagtatanim ng galit na parang walang nangyari. Basta masaya, indi mo matitinag. Prenteng-prente, walang inaalala. Pero pag nasaktan naman, parang kinawawa. Pag umiibig, parang wala ng bukas. Hindi tumitigil hangga’t hindi nakakahanap ng mag-aalaga, tatanggap at kukupkup sa kanya at magpapatunay ng salitang poreber. Yan ang puso. Makulit. Mapusok. Paulit-ulit.
Ayon kay Bob Ong, ang puso daw ay ginawa para mag-pump ng blood na nagsi-circulate sa katawan ng tao kaya hindi natin dapat isisi dito kung anuman ang sakit na dulot ng pag-ibig. Wala siyang kinalaman dito kasama na ang iba pang parte ng katawan natin. Love is a feeling, not a decision. Pag pinasok mo ang isang sitwasyon… utak at emosyon mo ang gumagana. Kung naging matagumpay ka, swerte. Kung indi, weder-weder lang yan. Better luck next time. Ginagamit lang natin ang puso para meron tayong sisihin when in fact walang ibang may sala kundi ang sarili natin. Masarap umibig, ito na yata ang isa sa pinakamasarap na parte ng pagiging buhay. Isang regalong masarap buksan. Isang bagay na hinahangad ng lahat. Walang nakakaligtas sa atake ng puso. Walang taong indi inatake ng puso. “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.”
Good luck sa mga aatakehin ng puso, i hope you’ll make the right decisions.