taguan | 🌻 03.16.22 12:35am
maglalaro tayo ng tagu taguan
maiba ang taya
kaya't bilisan ang paghula
bibilang ako ng tatlo
at ika'y mawawala
at hahanapin ka, kahit saang sulok
hanggang sa madapa
maya maya at nariyan ka na
sa aking likuran
na may mga ngiting dala
kaya ang pagiging taya
ay hindi alintana
sa tuwing natatagpuan ang mga ngiti sa iyong mukha
kaya't huwag ng magtago pa
dahil ika'y hahanap hanapin
masaliyan lamang ang iyong mukha














