Bonode, Cordero, Paronda
PPTP PETA BLG.1
DBTI: Meliora Eligo (Impormatibo ni Dart Bonode)
Meliora Eligo, na sa ingles ay “I choose the better things”. Ang DBTI SHS ay isang paaralang Salesian kung saan nakatuon para sa mga kabataan sa isang kapaligirang pang-edukasyon at pagbuo. Nakatutok sa pag-aaral ng pag-uugali ng tao at mga pagbabago sa ating lipunan. Ang research-oriented at makabagong programa nito ay ipinatupad ng may karanasan, may kakayahan, at mga natuong guro at mga tauhan na nagbibigay na kalidad na edukasyon at holistic na pormasyon sa pamamagitan ng isang kurikulum na may teknolohikal na oryentasyon at matatag na batayan sa mga doktrina ng pananampalatayang Katoliko. Inilapat at pinasadyang mga asignatura na ipinag-uutos ng Departamento ng Edukasyon, ang paksang Kristiyano sa pamumuhay ay inaalok upang bumuo sa mga mag-aaral ng isang matalik at personal na karanasan ng kanilang pananampalataya; kaya nabubuo sila upang maging mabubuting Kristiyano at matutuwid na mamamayan.
DBTI: Asilo (Deskriptibo ni Joshua Cordero)
Isang mainit na pagtanggap sa aming pangalawang tahanan, ang nagsisilbing bukal ng aming mabuting edukasyon at kagandahang-asal. Asilo talagakung maituturing, dito mo mararamdaman ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isa pang pamilya. Hinihikayat lang naman dito sa amin ang kasabihan ni Juan Bosco na “Run, Jump, Shout but do not sin” na nagpapaalala sa bawat isa sa atin na mahalaga din ang pagbibigay importansya sa kasiyahan at mabuting kalusugan ng isip ng bawat magaaral, guro at kasapi ng institusyon na ito. Sa bawat araw na lumilipas sa loob ng institusyon na ito ay makikita mo ang isang kapaligiran na masigla at kalugod-lugod sa mata. Ano pa ba ang hinihintay mo? Halika na dito sa Don Bosco!
DBTI: Buhay ng isang Busko (Naratibo ni PJ Paronda)
May isang Senior High School Student na nag-aaral sa Don Bosco Technical Institute of Makati. Isang araw, noong nagkita sila ng kanyang mga kaibigan, ipinagmalaki niya ang kanyang paaralan. “Uy pre! Alam mo ba, buti talaga dito ako nag-aaral. Ang linis ng campus, mabait pa mga guro, at mapag-kaibigan ang mga mag-aaral dito. Hindi talaga ako nagsisisi.” Hindi makapaniwala ang kanyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Ano naman ang kagandahan ng paaralan mo?” Tanong ng isa sa kanyang kaibigan. “Maituturing mo ito na iyong pangalawang tahanan dahil pinapayagan kami maglaro tuwing break time at may lunch-out kami, ang mga guro naman ay sobrang bait, magaling rin sila magturo at tutulungan ka nila hanggang sa maka-move up ikaw.” tugon niya. Dahil sa kanyang nasabi, napa-wow nalang ang kanyang mga kaibigan.
















