After years of moving on...
I was cheated by my former man. Ilang beses kong tinanggap, ilang beses din ako ginago. Naniniwala kasi ako noon sa saying na, "kapag mahal mo isang tao, hinding hindi ka magsasawang patawarin ito." GUESS WHAT? PUTANGINA NG SAYING NA YON. PANG-BOBO AT MARTYR LANG YON KAYA WAG NA WAG KAYO PAPALOKO.
I was too dumb and blinded by my love for him. Never idolize this shit ah. Hindi lahat ng love story ng iba, applicable rin sa atin. Kaya Girl, know your worth! Kapag may 2-3 red flags na nakita, ikaw na agad umalis. Habang mas maaga at mababaw pa ang lahat, mas madali makaalis. Trust your instinct Girl! Wag ka na maghanap pa ng rason just to justify his bullshits ah. Ikaw din mahihirapan at the end kaya please wag ka na magtiyaga. Sabi nga nila, there's plenty of fish in the sea. ANYWAY, here are some red flags on him pero tinanggap ko at binalewala ko dahil nga "MINAHAL KO" (Past tense)
1st: Religion. WTF? Religion di ba? Sabi ko noong una, ang babaw lang. Based naman kasi sa Bible, babae ang magpapasakop sa lalaki kaya willing ako. Noon pa man, okay lang sa akin. He tried to share their teachings and some are really interesting pero may ibang topics talaga na gusto ko tanungin pero hindi ko na tinuloy baka kasi ma-offend. Napaka-devoted ng family nila at isa rin yon sa plus points sa akin, closer to God.
2nd: Not allowed to meet his family. Laking factor di ba? Dahil to sa unang red flag, religion. Sobrang sakit sa akin pero tinanggap ko kasi naisip ko naman na laban namin 'tong dalawa. Hindi lang naman ako mag-isa lumalaban. Ang mahalaga noon sa akin, yung sasabihin niya at gagawin niya pero Girls, mali 'to ah. Kailangan i-consider niyo yung parents. Kailangan kilalanin niyo rin sila bago niyo sagutin yung guy. Masaya pumasok sa isang relasyon na tanggap kayo ng bawat pamilya ng isa't isa. Masarap sa feeling kaya DON'T SETTLE FOR LESS. Hindi kayo ang nawalan, hindi lang sila kawalan.
3rd: PRIVACY. Yes. I know, dapat irespeto privacy ang bawat isa. Okay lang naman sa akin yung not sharing of any passwords pero yung to the point na ayaw na magpahawak ng phone? Sis, magtaka ka na. Hindi lang ikaw kausap niyan. Reason niya pa sa akin noon, baka may makita ako at hindi kinonsider yung time and date pag-awayan namin BLAH BLAH. GIRL, WAG KA MANIWALA. SOBRANG BULLSHIT NON. Pinalalabas niya na ako ang may problema dahil sa titignan ko yung phone niya HAHAHAHAHA! Manipulator yan. Alis na. Hindi ko nagawa noon kasi ang hirap na kumawala nung narealize ko eh.
Last but not the least, Finances. I never considered this before pero after ko makalaya, dun ko narealize lahat. Masyado akong into him to the point na nakadepende na happiness ko sa kanya. Overnight trips na kailangan pa na mag-away kami bago ko siya mapapayag. Special trips, some of the dates. Gusto ko lang maranasan din yung mga first trips with him pero di ko alam ano talaga iniisip niya doon. You know where this shit going ;)
At the end, he still cheated on me. Not once, not twice but thrice. THE AUDACITY NO? Tinanggap ko. Still, iniwan pa rin ako. May part na kasalanan ko. Pagiging toxic at overthink ko. Nakakapagod ang ganong relasyon. Nakakapagod na laging feeling mo na lang ikaw yung mali. Ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang may problema. I tried to commit suicide after that painful breakup by means of car accident pero syempre nahiya ako sa magulang ko kasi hindi ko sasakyan yon HAHAHAHAHA.
Kaya sa lahat ng babaeng nagmamahal dyan, remember this: (1) KNOW YOUR WORTH, (2) NEVER SETTLE FOR LESS, and lastly (3) NEVER DEPEND YOUR HAPPINESS ON SOMEONE ELSE. You are definitely worth it Girl! Maraming lalaki ang marunong magmahal ng maayos, nasa maling tao ka lang. Hindi mo kailangan maghanap. Your time will come. Mapapasabi ka na lang, the long wait is over. Sasabihan niyo ko ng "Salamat, Master". Char HAHAHAHAH!
This shit was based on my experience only. Wala akong gustong saktan sa sinabi ko. Nagmahal lang ako. BTW, Okay na kami ng ex ko. May bago na kaming mahal sa buhay at masaya na ulit sa piling ng iba.















