"Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay ay hindi yung makulay na murals na makikita sa mga Preschool. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno at mga bulaklak."
Itong linya na pinaka tumampok saakin matapos ko basahin ang akda na "ABNKKBSNPLAKO". Sa mundong ito, lahat ng tao ay aakalain nating may magaganda, masasaya, at makukulay na buhay kung ating pagbabasehan ang sarili nating perspektibo.
Pero kapag dumating ang panahon na tayo ay nasa malalim na na-pagkaunawa. Dun nating mapagtatanto, na bawat ngiti, halakhak, at saya ng bawat tao. Nakakubli ang nalulungkot at nahihinagpis na damdamin. Mga Pagkakamali, pagkukulang, at paghahangad na patuloy na umuusig sa kanilang puso't isipan. Kamaliang Pilit sinasabi ng isip na kailanpaman ay hindi na mababago pa ang mga pagkukulang na nagawa. Kalungkutan na nagsasabing wala nang kasiyahan pang mahahanap sa buhay na ito.
Gayon pala. Bilang isang kabataan. Nasasaisip natin ang mundo bilang makulay, masaya, puno ng kagalakan at pagpupugay.
Ngunit pag dumating ang panahon, Na Tumanda na ang ating kaisipan. Darating ang mga responsibilidad, sakripisyo…. at lawak ng kaisipan sa ating buhay…
Na Ang Buhay pala, Ay natamo upang magtiis, magsakripisyo….. at magtanggi ng sarili, Alang alang sa tama… at mabuti.