Photography & Travel Maligayang araw! Ako ay si Destiny at nandito ka ngayon sa aking blog! Interesado ka ba sa ‘photography’ at paglalakbay? Dahil ika’y nasa tamang blog page na. Isa akong mag-aaral na gusto ang ‘photography’. Iyon na ang aking nakagawian kapag ako’y naglalakbay. Katulad ng mga kabataan ngayon, gusto ko ang ‘hobby’ na ito sapagkat napakadaling magsimula at unti-unti kang magiging magaling sa kinabukasan lalo na kapag ikaw ay masigasig. Ang ‘photography’ para sa akin ay importante dahil kinukuha nito ang mga magagandang sandali sa iyong buhay. Kahit na ako’y palaging naghahanda sa kinabukasan ay namimiss ko parin ang mga ala-ala sa nakaraan kung kaya ay nagkukuha ako ng mga litrato upang balikan ang mga sandaling iyon. Hindi ako propesyunal ngunit ang ‘photography’ ay napakasobrang saya na kahiligan kaya hindi ko basta-bastang mabitawan ito. Hindi ako gumagamit ng mga malalaking ‘camera’ gaya ng mga propesyunal. Ang aking selpon lamang ang aking kasa-kasama sa aking paglalakbay, basta’t makakuha lang ako ng magandang litrato na nakakapagpasaya sa akin. Ngayon ay ini-enjoy ko pa ang ‘photography’ dahil alam ko sa aking paglalakbay ay matututo rin ako at magiging magaling. Isa rin sa kahiligan ko ang paglalakbay o ‘travel’. Sa katunayan ay minsan lang talaga ako makakapaglakbay lalo na ngayon sa oras ng pandemya. Ngunit kung may pagkakataon man ay hindi ko iyon palalagpasin at kukuhanan ng mga litrato upang ibahagi sa social media lalo na sa mga platapormang gaya ng Tumblr at Instagram. Gusto kong maglakbay sa Pilipinas kahit na marami akong mga gustong bansa na bisitahin maliban sa Pilipinas. Gusto ko kasi paring ipagmalaki ang kultura at ang mga magagandang lugar sa Pilipinas. Sa mga larawang aking ibabahagi sa internet, sana’y maaari itong makaakit ng mga turista upang sila’y bibisita sa ating bansa. Sana’y may matutunan rin kayo kung ano at sino talaga ang mga Pilipino. Ang aking mga litrato ay purong kasiyahan sa sarili lamang, kung kaya ang iba siguro ay hindi sakto sa kanilang mga panlasa. Nag-iisa lamang po ako at walang tinatawag na ‘team’. Ako lang rin po ang nag-eedit sa aking mga litrato kaya ang iba ay hindi ganoon ka linis. Subalit tumatanggap po ako ng mga kritisismo dahil estudyante lamang po ako at iyon ay nakakatulong rin sa aking pag-laki. Itong mga litratong ito ay mga sandali sa aking buhay na may mga mabibigat na kahulugan at emosyon na nakalahad. Katulad ng lahat, may mga masasaya at masakit na karanasan na rin ako at maibabahagi ko ang mga ito dito sa aking ‘photo blog’. Kung may bagay man akong nakakuha sa iyong atensyon ay huwag mag-atubiling mag-mensahe at kausapin ako! Suriin ang aking iba pang mga social accounts sa ibaba. Maaari dito sa Tumblr o ‘DM’ sa aking Instagram. Kilalanin natin ang bawat isa! Mga litratista sa hinaharap at mga taong gusto ang Potograpiya!
Akala niyo ba ay nasa Espanya ako? O hindi kaya’y bumalik sa oras ng taong 1809? Kung oo ay pareho tayo dahil nagmimistulang ibinalik ako sa lugar na ito sa nakaraang panahon. Napakahiwaga at nakamamangha ang lugar na ito sa Pilipinas. Ang Vigan na isang Espanya sa Asya. Ang Vigan ay isang World Heritage Site at isa sa mga ilang ‘Hispanic towns’ sa Pilipinas at napakaswerte na nakapunta ako dito. Para akong nasa Europa. Nakamamangha ang mag museo at mga kalesa. Ang mga simbahan at plaza at nakakaiba sa karaniwan. Isa ako sa mga taong nagbibigay halaga sa kasaysayan ng Pilipinas at kultura nito. Napakaswerte ko talaga at mayroon mga bagong kaalaman sa kasaysayan ng aking bansa. Hindi ko aakalain na ito’y magiging isa sa aking pinakapaboritong lugar sa Pilipinas. Sana’y muli akong makabisita dito.
Kung interesado ka sa lugar, tingnan ito http://vigancity.gov.ph/
Hayskul. Isa sa pinakagandang sandali sa iyong buhay ang makapagtungtong ng hayskul. Iba’t-ibang klaseng mga tao at karanasan ang darating sa buhay mo. Dito magbabago ang buhay mo at marami kang magagawang mga ala-ala sa hayskul. Ang litratong ito ay kinuha sa taon 2019 at isang buwan na lang at matatapos na kami sa S.Y. na iyon. Sa sandaling ito ay nag-eensayo kami sa aming gagawing presentasyon na ‘Miss Saigon’. Maraming paghahanda ang kailangan gawin kaya sa aming oras ng pahinga, naglibot-libot kami sa aming paaralan at kumukuha ng mga litrato. Masaya ako sa mga oras na ito ay dala ko ang aking selpon at nakakuha kami ng ganitong mga litrato. Ngayon ay malinaw pa rin ang mga sandaling iyon dahil sa larawan na ito. Nakakamiss ang mga panahong iyon. Kahit na pagod ay masaya parin lalo na’t magkakasama kayo sa iyong mga kaklase sa lahat ng mga gawain sa paaralan.
Ang kumuha sa litrato na ito ay si Vincent Saniel, tingnan niyo ang kanyang Instagram account https://www.instagram.com/sanielxvincentt/
Sa gabi ay mayroon paring liwanag. May kapayapaan sa kadiliman at katahimikan. May kagandahan sa liwanag ng dilim.
Cordova, Cebu
Ito ang unang beses kong makakita ng mga nagmimistulang mga bituin na abot-kamay lamang. Nandito lang sa aking lungsod at ilang oras lang byahe upang makarating, ang 10,000 Roses sa Cebu. Kinuha ko ang litratong ito sa buwan ng Nobyembre sa taon 2019. Malamig ang simoy ng hangin at payapa ang buong lugar. May ilang mga turista ngunit hindi ganoon ka dami. Napakaganda ng ‘café’ at ‘souvenir shop’ nito. Pwedeng-pwede mong dalhin ang iyong kasintahan dahil isa ito sa pinaka-romantikong lugar sa lungsod ng Cebu. Perpektong-perpekto para isang ‘dating-spot’. Ngunit kung ika’y gustong manood lamang sa tanawin at namnamin ang lugar ay napakapwede rin. Tulad ko na nalilibang lang sa pagkuha ng mga litrato sa mga bulaklak. Sa oras na ito ay marami akong kailangang gawin sa eskwela kaya pagod ang aking isip at katawan, napakasaya ko at nagpapasalamat ako sa aking tita at tito sa pagdala sa akin sa lugar. Mistulang nawala saglit ang aking mga problema sa paglalakbay na ito.
Kung interesado ka sa lugar, tingnan ito https://sugbo.ph/2017/10000-roses-cafe-cebu/
Isa sa aking mga gustong panoorin ay ang kalangitan sa iba’t-iba nitong mga kulay. Nagdadala ito sa akin ng kapayapaan sa bawat oras. Pinakapaborito ko ang paglubog ng araw kung saan sumisilip ang araw at mistulang nagpapaalam sa akin. Dito sa syudad ay mahirap makita ang paglubog ng araw dahil sa mga malalaking mga gusali kaya masaya ako kahit na ang pag-iba ng kulay ng langit lamang ang kaing makikita. Isa k aba sa mga taong katulad na kinukuha ang litrato ng kalangitan? Marami akong kilala na ganito rin at masaya ako na nasasayahan rin sila sa simpleng bagay gaya ng pag-iba ng kulay ng kalangitan. Tunay na malikhain at maganda ang loob ng Diyos sa pagbigay sa atin ng mga tanawin na gaya nito.
Pagdating ko sa Kamaynilaan, ibang pakiramdam agad ang aking naramdaman. Nabaguhan ako sapagkat ito ang aking unang beses na makapunta sa isang bayan ng Luzon. Hindi rin ako ganoon kagaling mag-tagalog kung kaya nabulabog ako. Kung magulo ang lungsod ng Cebu, dumoble naman sa Maynila. Hindi ako magsisinungaling at natatakot talaga ako sa Kamaynilaan. Malaki ang lungsod at nakaka-intimidate. Pilipino ako ngunit para akong banyaga sa lugar na ito. Kadalasan sa aming oras sa Maynila ay nananatili lamang kami sa isang ‘hotel’. Ito’y isang painting sa loob ng ‘hotel’ na aming pinatilihan. Pagod at hindi ako komportable sa mga sandaling ito. Ibang antas ang kabaguhan ko dito. Parang masikip at kailangan palagi kang mag-iingat. Malayo ako sa aking tahanan kung saan komportable ako sa lahat. Bago itong karanasan na hinding-hindi ko malilimutan.
Hindi ako literal na nalulunod sa Cebu Ocean Park ngunit ako’y nalulunod na sa mga emosyon. Nakakatawa dahil sakto sa araw ng aming paglakbay dito ay maraming laman ang aking isip. Kinuha ko ang litratong ito sa buwan ng Setyembre sa taong 2019. Bago lamang nagbukas ang gusaling ito at ito’y naging ‘tourist spot’ agad. Ang Cebu Ocean Park lamang ang natatangi at nag-iisang ‘marine theme park’ sa lungsod ng Cebu at napakaswerte namin dahil ilang minuto lamang ang byahe papunta dito.
Iba’t-ibang klaseng mga hayop ang nandito at maganda itong lugar para sa mga ‘school trip’. Ngunit sa panahon ngayon, malabong makapaglakbay ka sa lugar ng malaya. Magkakaroon ng maraming mga pag-iinspeksyon dahil may mga protocol na dapat sundin. Ngunit sa pangkalahatan, maganda ang aking karanasan dito. Nakakamangha dahil puno ng bughaw at tubig ang gusali. Hindi pa ganoon ka rami ang mga hayop dito ngunit nakakamangha parin. Kung nandito ka sa Cebu, huwag mong palampasin ang lugar na ito sa iyong paglalakbay kapag matatapos na ang pandemik.
Kung interesado ka sa lugar, tingnan ito https://sugbo.ph/2019/cebu-ocean-park/
Ito ang literal na using beses ko sa himpapawid. Nakakatawa man ngunit talagang napakasaya ko sa mga sandaling ito. Para akong bata na hindi makahintay na makasakay sa ‘carousel’. Ito ay parang isang tagumpay sa aking buhay dahil gusto ko talagang maranasan ang pagsakay ng eroplano kung kaya’t hindi ko maiwasan ang pagkuha ng litrato nito. Papunta kami sa Manila sa mga oras na ito. Tirik ang araw sa Davao airport ngunit mas nangingibabaw ang aking kasabikan. Kasama ko ang aking ama, lola at dalawang nakakabatang kapatid. Iba’t-ibang emosyona ng naramdaman kosa aking pagyapak sa eroplano. Ibang emosyon rin noong umaandar na ito at lumipad sa kalangitan. Nakakatakot ngunit nakakaaliw. Maraming tumatakbo sa aking utak habang kami ay nasa himpapawid. Pagod man at nawawala sa mundo ang aking isip ay nagpapasalamat pa rin ako sa mga oportunidad na gaya nito.
Ano ang iyong naramdaman sa iyong beses sa pagsakay ng eroplano?
Pinakamatandang lumulutang na merkado sa bansang Thailand at isang ‘landmark’ sa loob ng mga dekada, ang ‘floating market’ ng Damnoen Saduak. Sa aming panghuling araw sa bansa ng Thailand, pumunta kami sa sikat na ‘floating market’ sa lungsod ng Bangkok. Marami kaming napuntahan sa Thailand ngunit para sa akin, ito ang pinaka-malumanay naming paglilibot. Sa mga unang araw namin kasi sa bansang ito ay puno ng paglalakbay sa malaking lungsod ng Bangkok. Ang ‘floating market na ito ay nasa Bangkok man ay ilang oras ka pang magbabyahe upang marating ang lugar kung kaya’t hindi masyadong matao dito. Maraming mga turista ngunit hindi magulo. Sasakay ka isang bangka upang ilibot ka sa ilog ng Bangkok hanggang sa marating niyo ang merkado na matao talaga. Nakakawili dahil maraming mga Thai doon ang nakikipaghalubilo sa mga turista. Pagdating sa mismong merkado ay maraming mga bangka ang naghahanda at nagtitinda ng mga ‘noodles’ at pansit. Sa dulong bahagi naman ay mga ‘souvenirs’ gaya ng ‘bag’ , ‘ref magnets’, ‘figurines’, at mga pintura na gawa ng mga Thai. Ang balakid lang sa lugar na ito ay masyadong mapresyo ang mga ‘souvenirs’ kaya sa aming paglilibot ay wala kaming nabili. Ngunit sa pangkalahatan, maganda ang aking karanasan.
Sa paglabas namin sa merkado ay nalibot kami sa ilog kung saan nakikita ko ang kultura ng Thailand. Napakalinis ng kanilang mga ilog. Kakaiba ang kanilang mga bahay at ang mga tao ay napaka-relihiyoso. Marami akong nakikita na mga maliliit na templo at sa mga templong iyon ay may mga ‘offers’. Nakakamangha ang bansang ito. Kung may pagkakataon man ay babalik ako dito at lilibot pa sa ilang sikat nitong mga lungsod.
Kung interesado ka sa lugar, tingnan ito https://theculturetrip.com/asia/thailand/articles/an-introduction-to-thailands-floating-markets/
Ang ating mundo’y rumaranas ngayon ng nakakatakot na krisis. Ang paglaganap ng Coronavirus disease ay umapekto sa lahat. Marami ang nalulunod sa takot at paghati sa dami ng mga buhay na nawala. Ako’y nalulungkot sa mga taong unti-unting nawawalan ng pag-asa dulot sa pinsalang dala nito. Labis na nasalanta ang Pilipinas sa sitwasyon. Maraming Pinoy ang nagdurusa dulot sa kawalan ng trabaho, pera, kunsumong pagkain, at kabuhayan. Dumating pa ang bagyong Ulysses sa gitna ng pandemya at tuluyang winasak ang pag-asa ng mga Pilipino.
Ngunit sa lahat ng ito, may mga ngiti pa rin ang mga Pinoy na winawasak ang aking puso. Ang mga masayahing Pinoy ay talagang napakatatag at ipinagmamalaki ko iyon. Hindi ko alam kung kailan o ilang taon pang matatapos ang dilimang ito ngunit palagi po tayong ngumiti. Manalangin po tayo dahil sa Kanya ay may pag-asa. Sisikat pa rin ang araw sa atin. Lulubog ito at iiwan tayo sa Kanyang mapayapang mga kamay. May pag-asa at iyon ang paniniwalaan ko. Ang lahat ng ito ay matatapos rin at babalik tayo sa ating mga buhay kasama ang ating mga mahal sa buhay.
Pangalawang araw sa bansang Thailand. Bumisita kami sa iba’t-ibang mga sikat na templo dito. Ito ang unang templo at ito ang aking pinakapaborito. Puti ang panlabas, malinis ang paligid, mapayapa dito at tahimik. Ang kanilang mga templo ay isa sa mga sagisag sa bansa. Ang ilang mga Buddhist na templo ay sentro ng kultura sa mga pangunahing lokasyon at ilang mga Buddhist na monghe naman ay nanininwala na ang isang kahanga-hangang gusali ay aakit ng mas maraming mga deboto. Humigit-kumulang sa apatnapung libo ang kanilang mga templo. Kung kayo’y pupunta man sa Thailand, huwag niyong palampasin ang pagbisita sa kanilang mga templo. Kakaiba itong karanasan at totoong nakamamangha. Pwedeng kumuha ng mga litrato sa kanilang mga templo ngunit tandaan lamang ang mga kanilang mga panuntunan dahil dumidepende ito.
Ang kanilang mga templo ay tinatawag na Wat. Ang mga templong ito ay isang malaking tulong para sa mga pamilyang Thai na hindi kayang bigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak.
Hindi ako makapaghintay na bumalik dito at bisitahin ang kanilang pinakamalaking templo.
Pagkatapos mag-ensayo, gagawa na kami ng mga ‘props’ para sa aming teatrong pagsasadula. Ang mga kagamitan ay nasa bahay ng aking isang kaklase ngunit ilan lamang ang may alam kung saan ang kanila. Wala na rin kaming mga pera upang ipamasahe sa jeep. Kaya napagdesisyunan ng lahat na maglakad na lamang. Sa aming paglalakbay , hindi ko aakalaing ang magulo na lugar ng Metro Cebu ay may mga tanawin na gaya nito. May mga gusali at simbahan na nakakabighani parin. Maraming pang mga tao sa panahong ito at abala pa ang mga kalye. Napakasaya dahil napakarami naming naglalakad at naka-uniporme. Papalubog na araw at tapos na ang mga klase ng lahat. Ito’y isang napakagandang karanasan kasama ang aking mga kaklase.
Huling araw namin sa Vigan, sinalubong kami ng napakagandang lilang kalangitan. Sa Plaza Salcedo kung saan ang 'fountain light show' ay nagpahinga kami sa maing nakakapagod ngunit napakasayang paglalakbay. Tahimik ngunit mapayapa ang gabi. Ito'y isang napakagandang paraan upang tapusin ang aming paglilibot sa Vigan City. Hinding-hindi ko malilimutan ang mainit na pagtanggap sa amin ng Ilokanong kamag-anak ng aking lola. Sinamahan niya kami at inilibot sa lugar kahit matirik ang araw at mainit ang panahon. Sumakay kami ng kalesa, nakapunta kami sa Calle Crisologo, Baluarte Resort, at Vigan Hidden Garden kung saan may mga napakaraming turista. Napakasulit ng aming mahabang paglalakad. Babalik ulit ako dito sa hinaharap kung maayos na ang lahat.