Kyungsoo - First year college (BS education)
Jongin - Second year college( Engineering)
Inagaw ni Kyungsoo ang milo na sana ay papakin ni Jongin, nagalit si Jongin kaya kinuha nito ang walis at ipinukpok sa ulo ni kyungsoo. Sa lakas ng kanyang paghampas niya umiyak si kyungsoo at tumakbo kay Kuya Kris, ang nakatandang kapatid ni kyungsoo, nagsumbong ito sa kuya niyang astigin.
Kahit nasa tamang edad na si Kyungsoo nagpapa baby parin ito sa kanyang mga kuya. Si Kris, Tao at Yixing ang kanyang mga kuya. Swerte ni Jongin kasi wala ang Kuya si kuya Tao at Yixing.
To the rescue naman agad si Kuya, lumapit ito kay Jongin kahit na busy ito sa paglalandi kay Suho, ang kanyang dalagang pilipinang jowa.
“Hoy Jongin, Pinaiyak mo na naman ba si Kyungsoo?”
Nanginginig na sa takot si Jongin nasa harapan niya na ang astigin at barumbadong kuya ng kanyang kaibigan. Hindi makasagot si Jongin naiihi na siya, gusto niya na tumakbo pero natatakot siya na hindi na siya pabalikin dito sa bahay nila kyungsoo.
“Ano Jongin? Titigan mo lang ba ako?”
Wala na tapos na ang maliligayang araw ni Jongin. “Ano kasi Kuya— Hindi ko sinasadya nabigla lang po ako. Di ko na po uulitin, Sorry po”. Paumanhin nito sa mahinang boses.
Parang santo si Jongin sa harap ni kuya Kris.
“Wag kang humingi ng sorry kay kyungsoo. Hoy Kyungsoo! wag ka ngang pabebe mag usap kayo ni Jongin sarap niyo iuntog sa pader iniistorbo niyo kami ni Suho”.
Naiwan ang dalawa sa sala pumasok na si Kuya Kris sa kanyang kwarto para ipagpatuloy amg naudlot nilang landian ni Suho. Naku! Kawawa naman si Suho hindi naman ito makakalakad ng maayos bukas.
Kinalabit ni Jongin si Kyungsoo pero parang matigas na tinapay si Kyungsoo hindi niya parin ito pinapansin kahit na gustong gusto niya na sakalin si Jongin.
“Sige ka pag di mo ko pinansin liligawan ko si Krystal clear drinking water. Crush pa naman ako non”
Isa. Dalawa. Tatlo. Isang napakalakas na hampas ang binigay ni kyungsoo sa likod ni Jongin.
“Pag niligawan mo yun di mo na ko mahahalikan tuwing break mo doon nalang ako magpapahalik kay Chanyeol. Sige na ligawan mo na si Krystal clear mo at wala ka ng kyungsoo na mahahalikan”
Sa tono ng boses ni kyungsoo alam na ni Jongin kung paano paamuhin uli si Kyungsoo. Konting lambing lang at puso nito'y magniningning.
“Sorry na kasi Kyungsoo ko. Biro lang naman yun alam mo namang adik ako sa labi mo eh. Sorry pala kanina Soo ha kung nahampas ko ang ulo mo ng walis nagulat lang kasi ako ilang araw na kasi akong di nagpapapak ng milo eh.”
Niyakap niya ang kanyang Kyungsoo at tulad ng inaasahan niyakap din niya ito pabalik.
“Labi ko na lang ang papakin mo” Pang aakit ni kyungsoo kay Jongin. Tumayo na ang dapat tumayo pero dahil sa eksperto si jongin napigilan ang pagtayo.
“Soo, bukas nalang sa break ko ha nandito tayo sa bahay niyo eh baka mahuli tayo ni Kuya Kris, wala ka namang pasok tuwing break ko diba? doon nalang tayo sa likod ng lumang canteen.
Tumango agad si Kyungsoo may grasya naman siyang matatanggap bukas. Nakasanayan na nilang dalawa ang magkita ng palihim sa likod ng lumang canteen tuwing recess at doon nila ginagawa ang kakaibang milagro samantala walang pasok, wala silang permanenteng lugar minsan sa likod ng maisan minsan naman sa garahe ng bahay nila Jongin. Ayon kay Jongin ang halik daw ni kyungsoo ay parang vitamins 2 times a day, iba naman ang kay kyungsoo, vitamilk mula kay jongin ang lagi nitong kinokunsumo 2 times a day din daw.
Ang hindi alam ng dalawa may mga pares ng taenga ang nakikinig sa kanilang usapan.
Naghihintay na si Jongin sa labas ng bahay nila kyungsoo samantala si Kyungsoo naman busy pa sa pagpapabango. Magkapitbahay lang si Jongin at Kyungsoo kaya minsan sabay sila pumapasok sa eskwelahan.
Lumabas na si kyungsoo at tumamabad sa kanyang harapan ang isang gwapong nilalang.
“Hmmm ang sarap ng Engineer” pangmamanyak ni kyungsoo kay jongin kanyang isipan.
Naglalakad na sila papuntang terminal ng napadaan sila sa isang eskinita na may mga nakaupog tambay.
“Tol, amin nalang yang chicks mo parang ang sarap. Hmmmm! amoy silka, amoy asawa”.
Nagtawanan ang 3 tambay na panis na espasol. Huminto at hinarap ni Jongin ang mga nambastos kay kyungsoo samantala si Kyungsoo naman nagtatago sa likod ng kanyang knight in shining armour.
“Gusto niyo?” Tanong ni Jongin.
Humalakhak pa ng todo ang ang tatlong tambay “Ayan na pala boy binibigay na sa atin”.
Kinurot ni kyungsoo ang tagiliran ni Jongin. “Gago ka ba Jongin? Bat mo ako ibibigay don eh ang papangit niyan? Akala mo sa akin lollipop na paghiningi ibibigay mo lang?
Halata sa boses ni kyungsoo ang takot mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa uniform ni Jongin.Sa isip isip ni Jongin: "tangna Soo kakaplantsa palng niyan kagabi pasalamat ka mahal kita”
Ramdam ni Jongin ang takot ni kyungsoo
“Psshhhh! Wait ka lang Mahal ko, kyungsoo ko di pa ako tapos.
Hinarap uli ni Jongin ang tatlong tambay malalaking tao ito hindi niya ito kaya patumbahin na siya lang mag isa.
Tumango naman ang tatlong tambay halatang tigang at hayuk na hayuk sa laman.
"Gusto niyo sumabog mukha niyo”.
Sa sinabi ni Jongin nagalit ang tatlo kinorner nito ang binata sa pader. Si kyungsoo naman di alam ang gagawin tatawagan niya ba mga kuya or tatakbo.
Susuntukin na sana ng mama si Jongin lumapit naman dito si kyungsoo at inispray sa kanilamg mata gamit ang kanyang pabango, ang Bambini.
Habang sumisigaw sa hapdi ang tatlo tumakbo na papalayo ang dalawa. Sa wakas, nakasakay na sila sa trycyle.