Sensya ka na sa title hah! Di ko naman talaga ugaling magmura. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Grrrrrrrrr…… putanginaa talaga!!!
Tinatamad akong mag aral ngayon. Wala akong ganang kumain. Ayokong pumasok. Hayyy…
Kaninang umaga binulabog ako ng kapatid ko sa mahimbing kong pagtulog. Tinatanong nya ko kung may load daw ako kasi daw nawawala yung phone nya(E63). Pa-miss call daw sana. Sabi ko wala kaya bumalik na uli ako sa Maganda kong panaginip.= )
Ilang sandali lang, nagising na naman ako sa boses nya. Sumisigaw sya at maasim ang mukha. Akala ko may sunog o kung anu man. Nawawala rin pala yung laptop namin. Tapos tinuro nya sakin yung bintana, bukas ampppp! Nagsimula nang tumindig ang balahibo ko sa kili-kili at tuluyan ng nawala ang antuk ko.
“Putang ina, putang ina talaga” paulit ulit ang pagmumura habang naglalakad kami papunta sa police station! Di na namin nagawa pang mag toothbrush o mag alis man lang ng muta. At habang naglalakad ay nagpipilit akong maging “detective conan” o “Sherlock holmes” dahil nagiisip na ako ng mga primary suspeks. Pero wala talaga kaya yung mga nakakasalubong ko na lang ang pinagtri-tripan ko at kinikilatis kung sinong mga mukhang magnanakaw!
As usual, wala kaming napala sa mga pulis pangkalawakang may malalaking tyan. Matagal kaming pinaghintay at apter 5 years lang ata bago kami inentertain. ayun napaBlotter naman pero dahil wala pa daw ang lecheng imbistigador nila kaya kailangan na lang naming bumalik! Grrrrrrr….
Sabi nga nila we learn from our mistakes nga daw. At putangina! Natuto na talaga kami. Eto ang ilang sa mga narealize ko.
1. dapat laging naka-lock ang pinto at lalo na ang bintana kasi dito pala mas trip dumaan ng mga magnanakaw.
2. dapat laging nakatago ang mga importanteng bagay gaya ng cellphone,laptop,.etc.kahit tutulog lang.
3. maghanda lagi ng trap sa bintana o pinto bago matulog para sa kung sino mang gagong magnanakaw.
4. at ang huli bawal ang tanga sa maynila!
Ganito pala sa Maynila. Gaguhan. Nakawan. Bawal talaga ang tanga! Parang gusto ko ng umuwi sa Mindoro. First time kaming nanakawan sa buong buhay namin at tang ina ganto pala ang feeling.Sobrang nakakapanlambot kasi ilang bwan yung pinaghirapan ng papa ko sa ibang bansa. pero gayunpaman, tumitingin na lang ako sa brighter side. Buti na lang walang nasaktan samin kasi kung nagising ako nung gabing yun… malamang sinunggaban ko na yung magna at siguro ay nasaksak na ako o narape? haha anu daw? Haay thank God na rin talaga. Dahil din dito nalaman ko yung mga taong concern talaga sa amin kaya kung concern ka rin, puede kang magpadala ng yong mga donations sa 254 Marzan St. Sampaloc Manila o itext ako sa number ko!heheheh….
Para sa magnanakaw, baka sakaling may account ka sa fs. Add mo ako tapos baka pwedeng isauli mo na yung mga ninakaw mo. Bibigyan ka namin ng pera at promise hindi ka namin isusumbong sa pulis! Ibalik mu lang sana please…
Pero syempre echoss lang yon at asa naman ako??? Kaya eto na lang ang sayo putang ina ka! Gago. Kalbo. Loko. Mukang kulugo. Hayop. Animal. Kupal. P0ta. Demonyo. Asshole. Bullshit. sOn of a bitch. Motherfucker. At lahat pa ng mura sa mundo, sayo na!
Haay… nalabas ko rin, salamat sa pagbasa kung meron man! Mamatay na sana lahat ng magna! Sana wag na maulit sakin at sayu.good day. peace^_^
- FRIENDSTER BLOGS ( July 24,2009 )