Grace fun to draw! Statement. đđ„čđâšïž
EXPECTATIONS

JVL
Not today Justin

if i look back, i am lost
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

Product Placement
hello vonnie
Monterey Bay Aquarium
RMH

Discoholic đȘ©

#extradirty

pixel skylines
will byers stan first human second
untitled

No title available

blake kathryn
Sade Olutola
đ
wallacepolsom
Misplaced Lens Cap

seen from United States
seen from Germany
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Italy

seen from Canada

seen from France
seen from South Africa
seen from Netherlands
seen from Netherlands
seen from United States

seen from TĂŒrkiye

seen from TĂŒrkiye
seen from United States
seen from Ireland
seen from Italy

seen from France

seen from Germany
seen from United States
@diakobrokenhearted
Grace fun to draw! Statement. đđ„čđâšïž
Hayaan
Akoây nanatiling litong-lito
Ano na bang dapat kong gawin kung sakaling
Hindi mawari, kung baât nagkaganâto
Ang mga kathang isip kong ikaw ang sanhi
Kasalanan ba na
Magpadala sa nadarama?
Nais mang ipahalata ang kakaibang pagnanais ko
Ipagpapabukas na lang ba?
Bukas na lang ba?
Hayaan na muna sundin
Kung sigaw ng damdamin
Ang ngalan mong oh kay ganda
Tinatawag na tayo ng tadhana
Bukas makalawa gusto kita.
Hayaan na muna sundin
Kung sigaw ng damdamin mo ay ngalan ko rin...
Baât pa patatagalin?
Pumapayag na sa âtin ang tadhana
Bukas makalawa sanaây akin ka na
At siguro, hindi mo naman talaga binibigyang-pansin.
Baka nawala lang, nalukot, naipit sa pahina ng isang libro.
Nagbabakasakaling isang araw, muling mapadpad sa mga mata moâ
at sa isang saglit, naalala mo ako.
sometimes I wonderâ
did you ever keep any of them?
And if you did,
did you ever wonder why?
A,
I loved you now in a way the universe never allowed.
Not loudly, not boldly, but in stolen glances and unsaid words.
For years, I carried the weight of a love that never asked to be known,
never begged for a chanceâjust existed, quietly, beautifully, painfully.
Panginoon, kung paborable man saâyo ang kamatayan ko, KUNIN MO NA AKO. Pagod na akong lumaban. Ayoko na muling magkasala saâyo. Kusa mo nalang akong kunin.
HINDI PARA SA ATIN ANG HULING BUWAN NG TAON:
1. Hindi lahat ng huli ay para sa atin. Hindi lahat ng huling sandali ay nakatadhanang maging huli. Minsan, nakukuntento na lang ang panahon sa natitirang pagkakataon.
2. Pagkakataon na rin siguro para malaman mong hindi ko tanggap ang paglisang naganap pero sino ako para sabihing manatili ka?
3. Mananatiling iyo ang espasyong minsang naging iyo.
4. Iyo ang paglayang lagi mong hinihiling sa mga bituin. At akin ang pag-asang makalaya bago sumibol ang susunod na kabanata na kung saan, hindi naman talaga natin kailangang magbitaw ng isang kumusta at paalam.
5. Paalam sa mga pagkakataong hindi ko piniling sumubok muli dahil alam konv higit na mahalaga ang umalis kaysa magtiis sa mga sa isang bagay na wala namang patutunguhan.
6. Ngayon ang itinuturing kong sariling likhang-araw-ng-kalayaan. Ikaw ang labingdalawa ng Hunyo sa pinakamasakit na paraan ng paglaya; ikaw ang pinakamasakit na uri ng pagmamahal na naramdaman sa huling buwan ng taon.
7.. Taon-taon kong itatanong ang sariliâpara saan ba ang pag-ibig kung may pagbitiw?
8. Bibitawan kita sa panahong ikaw lang at ang pagmamahal ko sa'yo ang kinakapitan ng puso ko.
9. Puso ang ginamit ko nang ibigin kita. At baka nga nagkamali ako. Baka dapat ay inisip ko muna kung saan hahantong ang minsang pagsugal para hindi na natin kailangang mauwi sa paglaya at pagpaparaya.
10. Hindi ba't minsan din tayong naging alipin ng mga biglaang pagbagal at pagbilis ng oras? At hindi ako nabigyan ng pagkakataong hagkan ka ng mahigpit, hindi ko nasiguro na baka 'yun na ang huling beses na masisilayan natin ang pagtatalik ng liwanag at dilim. Dahil pagkagising natin, hindi na katulad ng dati ang lahat.
11. Lahat ay magbabago. Ituturing ko itong para bang nagsimula tayong muli bilang mga estranghero na nagtagpo sa 'di malamang dahilan. Ilang daan na rin ang tinahak ng mga 'di mapigil na paghinga.
12. Parang kahapon lang noong masaya pa tayong dalawa, hindi mo pa kailangang kailangang k'westiyunin kung bakit nga ba minahal kita.
13. Inisa-isa ko ang mga dahilan kung bakit ako uuwi sa pagsuko at pagbitiw.
14.
15. Susuko lang ako. Dahil kung pagsuko na lang ang paraan para mahagkan ang paglaya, sino ako para ipagkait ang bagay na 'yaon.
16. Malaya kitang ipauubaya sa iyong tadhana.
17. Nakatadhana nga siguro talagang mauwi tayo sa kasalukuyan nang sa gayon ay hindi na natin masasaktan ang damdamin ng isa't isa. Nakatadhana nga sigurong magtagpo tayo sa walang kasiguraduhan.
18. Hindi kailanman naging sigurado ang tadhana sa atin. Napapagod din pala 'toâkatulad natin.
19. Hindi kailanman atin ang sandaling ito.
20. Ito na ang huli pero bakit pakiramdam ko, simula pa lamang ito ng panibagong pag-alis?
21. Tinupad ng damdamin ko ang matagal ko nang hilingâmakilala ang huli.
22. Huli na ba talaga ang lahat para sa atin? Hindi na ba kayang pawiin ang pagkawala, pagkaligaw at pagod ng kahapon? Paano kung puwede pa palang sumubok pero takot lang tayo?
23. Tayo ang tumapos sa istoryang akala natin ay hindi magwawakas.
24. Nguni't may wakas ang lahat.
25. Lahat ay nawawala. Lahat ay napapagod. Lahat ay maaaring maligaw at hindi sapat ang pag-ibig para ibalik ka.
26. Hindi lahat ng pagbalik at pananatili ay nangangahulugang pag-ibig. Minsan, dito natin natatagpuan ang para sa atinâdito sa huling buwan ng taonâtamang pag-ibig, maling pagkakataon.
Palagiangâako'y ginigipit ng mga huling sandali. Ang sakit mong palayain.
Takot akong mawala ka, pero nawala kitaânang dahil sa pagmamahal.
https://open.spotify.com/track/24ngpWhBOxKJtIPnzSNX8c?si=Laeos8CoRn-d8KOZevSEmA&utm_source=copy-link
"Chicharong Bulaklak"
Inaantok na ako
at mahimbing
mong tulog
ang huli kong hiling
bago lunurin ako
ng idlip.
sana kahit
mapanaginipan
man lang kita.
Paalam,
"Chicharong Bulaklak"
Inaantok na ako
at mahimbing
mong tulog
ang huli kong hiling
bago lunurin ako
ng idlip.
sana kahit
mapanaginipan
man lang kita.
Paalam,
Binabaybay kitang dumadagundong ang aking puso sa pagkasabik,
hinahanap ng antatao ang kilalang-kilalang anino.
Buong maghapon, mag-iikot, nakakahilo, nakakaliyo
hindi dahil sa insenso ng usok ng tambutso, hindi dahil sa sari-saring dahong inilalako
Kundi hindi minsang makayanan ang tibok niyaring puso
at ang pagbukal ng isang kakaibang pakiramdam
doon sa aking sulok at sa aking kaibuturan
Magsasalubong ngunit hindi mata sa mata,
Sayang at sana'y ang hagyang titig ay malalaman mo na.
Lalandasin ko sana ang mga butas ng karayom,
hanggang ang dilim ang sa atin ang maglalagom.
Hindi tayo lubusang magkakilala, ikaw ang aking dulce extranjero.
Tatakbong unti-unti ang oras, at hahabulin nating buong gilas
hanggang sa marating natin ang sikip at lawak ng isang lihim na pagtitipanan.
At matapos ang lahat, matapos ang pagkilala sa isaât isa.
Muling maglalakad, magkahiwalay, muling lalamunin ang himig ng ating mga lalamunan ng ingay ng lungsod at usok ng kawalanang awit na nalilikha lamang kung pabayayaang ipaghele sana tayong mga anghel sa ating isipanâŠ
https://open.spotify.com/track/7kqNH63z8o5RS0J3KEOZKG?si=NyTXKosuToiHTjuSmnfCkw&utm_source=copy-link
some things are better left unsaid.
My 20s have been the loneliest era in my life. I am surrounded by people but tired of connecting with anyone alreadt. Everyone is living their own lives while I am still waiting for mine to start. I feel lost between what I should be feeling and how I actually feel.
Masyado pala akong nakampante na hinding hindi ka mawawala. Na hindi ka mang-iiwan. Na sobra mo akong mamahalin at magmamahal pa kaya walang pagsubok ang maaaring tumagal. Masyado ko na ring binuhat 'yaong ideyang hindi natin magagawang sukuan ang ating sumpaan. Pero nalimutan kong maaaring magbago pala ang lahat. Na ang bawat araw ay hindi palaging masaya. Nalimutan kong kailangan mo rin palang huminga. Na masyado nang nakakasakal ang manatili sa ating dalawa. Nalimutan kong pupuwede rin palang mapagod ang pagmamahal at pagsugal. Na ang dating matibay ay posible din palang maghiwalay.
Masyado kasi akong nakampante na palagi mo nalang akong tatanggapin. Na palagi kang babalik. Na palagi mo akong pasasalubungan ng mga yakap at halik matapos ang mga away-bati. Masyado akong nakampante at nakalimutan kong hindi pala ganun ang pag-ibig. Na ang tunay na pag-ibig ay araw-araw na pag-iingat, pagrespeto at laging paglago. Nalimutan kong matuto sa bawat pagkakamali na nagawa ko noon. Kaya minsay napagdedesisyon ka na lang na lumayo para siguro matagpuan ko ang pagkatuto na kailangan ko at para matagpuan mo ang kapayapaang hindi ko naibigay noon.
Masyado kasi akong nakampante na magtatagal tayo. Na ako na ang unaât huling taong ipakikilala mo sa mundo. Na ikaw na 'yung makakasama kong bubuo ng pamilya at kasamang manunumpa sa harap ng diyos. Pero may mga kuwento palang maagang nagtatapos. Muntik na nating marating ang dulo. Ilang hakbang na lang pero mukhang kinakapos. Napapagod ka dahil pinagod kita at nauubos ka nang nauubos. Patawad. Masyado nalang akong nakampante na hindi ka mawawala sa tabi ko. Na palagi mo akong tatanggapin, babalikan, at pipiliin.
Pero tao ka lang din at hindi pupuwedeng habangbuhay ka na lang magtitiis sa akin.
âMahal, patawad kung nagkamali ka man ng taong piniling mahalin. Patawad kung maling pag-ibig yata ang nakita mo sa akin.â
Nasaktan ng sinumang di nangilabot ng ito'y gawin, pakanang demonyong kurakot ng budhing kalyuhin.
Bakit ba ganito sa ating lipunan? Ang api ay laging api-apihan. Kung yaring merong matuwid na inilalaban, ginigipit lalo ng may kapangyarihan.
Batas at hustisya, hindi nag-uugma. Mas kinikilala sa pagkabalintuna. Batas ng mayama'y iba sa timawa, patas lang sa wari ng lisyang tiwala. Maaaring katarungang pantay sa lahat ng uri. Binali ng batas para wag mangyari. Ipinagkaloob man kapalit ay puri, at dangal ng tao'y dito humihingi. Kailan ba tutuldukan ganitong sistema? At ating pairalin pantay na hustisya. Batas ay palitan ng para sa masa,nang biyaya nito'y ating matamasa. PSTAGUINMOAUTELI. :>
23 Thoughts/Realizations While Watching "More Than Blue":
1. Kailangan ba talaga na maging mali muna ang pananatili bago piliin ang pag-alis?
2. Palaging may darating sa buhay natin para bigyang-buhay ang mga alaala na matagal na nating inilibing.
3. Ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na kaya kang sagipin kahit sa mga araw na hindi ka humihingi ng tulong. Pero ang tanong, hanggang kailan sila magiging ganoân?
4. Hindi tayo kayang gamutin ng pag-ibig pero kaya nitong baguhin ang mga paniniwala natin.
5. May mga pangako na napapako dahil mas kailangan nating magsakripisyo.
6. Mabigat ang katahimikan. Mabigat ang hindi pag-amin sa tunay na nararamdaman.
7. Hindi lang kung paano mahulog at magmahal ang itinuturo ng pag-ibig, kunâdi tinuturuan din tayong pahalagahan ang oras na gustong-gusto nating ilaan sa isang tao o sa isang bagay.
8. Takot ang pinakamatinding kalaban ng pag-ibig.
9. Ang isang pagkabigo ay katumbas ng isang malaking pagbabago na maaaring bumuo sa atin at maaari din nating ikadurog.
10. Winawasak tayo ng sarili nating mga desisyon. Winawasak tayo ng ating pagiging malambot, ng pagpili natin ng tama kaysa sa kung saan tayo magiging masaya.
11. Minsan, nakukuntento na lang tayo sa pagiging kaibigan sa pag-asang baka makita nila tayo nang higit pa sa pagkakaibigan.
12. Nagmamahal tayo nang sobra at umaabot ito sa puntong sana hindi na lang tayo sumugal para hindi na tayo kailangang masaktan nang sobra.
13. Ano pa ang hindi natin kayang gawin tuwing nagmamahal?
14. Minsan, ipinapaubaya natin sila dahil hindi natin kayang ibigay ang pinapangarap nilang buhay.
15. Nakamamatay ang mga pagsisisi. Nakamamatay ang mga baka-sakali.
16. Hindi tayo nagluluksa sa maling tao. Nagluluksa tayo sa maling panahon at maling pagkakataon.
17. Required ba talaga na magparaya kahit hindi naman talaga tayo rito sasaya?
18. Hanggang sa huli, iniisip pa rin natin kung ano âyong makabubuti kahit ito pa ang pinakamasakit.
19. Walang âsayangâ kung naibigay mo ang lahat. Naibigay mo ba talaga ang lahat?
20. Sa huli, hahanapin pa rin tayo ng pag-ibig kahit ilang beses pa nating piliin na umalis.
21. Bakit mo ipagdadamot ang hindi naman sa âyo?
22. Kulang na kulang ang oras para maging masaya. Kulang na kulang ang oras tuwing nagmamahal.
23. Sapat ba talaga na pinili natin ang magmahal kahit alam nating may hangganan ang lahat?
365 Days of Colin Characters - Day 94 [Ben - Â The Euthanizer]