No title available
Claire Keane
sheepfilms

pixel skylines
Lint Roller? I Barely Know Her

JBB: An Artblog!

⁂
TVSTRANGERTHINGS
Misplaced Lens Cap
will byers stan first human second

if i look back, i am lost
tumblr dot com
🪼
Acquired Stardust

PR's Tumblrdome

Discoholic 🪩
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
wallacepolsom
No title available
seen from Türkiye

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Singapore

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Canada

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia
seen from Malaysia
@dizzyiceangel
I’ll hold your hand, forever.
2024 boyfriend jungkook wallpapers
(does anyone still use this app?? I haven’t been active in years lol but will come back if ya’ll still have interest!)
Hello guys, musta na kayo rito? Kumusta na mga pangarap niyo? Kumusta na yung mga problemado dati sa pag-ibig na may mga asawa na? Sana okay lang kayo lahat. Sana you made it this far. Proud ako sa ating lahat. Masaya ako sa narating ng karamihan sa atin. Dala-dala natin ang memorya ng bawat isa. Andito lang ako palagi nakamasid sa lahat ng achievements niyo.
mabuti naman akong tao pero bakit lagi akong ginagago?
kapagod mag-explain sa ayaw makinig
puta ka, hindi kita kailangan
wow eh talaga namang pinadindigan ang pagiging walang kwenta - aalis lang kapag gusto, ni ‘di man lang nagsasabi eh? kahit ‘di na magpaalam, respeto na lang sa tinitirhan na bahay.
‘di na ako mag-eexplain, ‘di rin naman pakikinggan
“I still catch myself feeling sad about things that don’t matter anymore.”
— Kurt Vonnegut
Post-Partum Diaries Entry #7
Kanina kasi may duty ako pero siya off niya, narinig ko na parang aalis siya pero 'di siya nagsabi sa akin. Katapos ng duty ko, namalengke sila ni tita kaya naiwan ako mag-isa kay baby. Ayaw din matulog pa ni baby kaya naman puyat na puyat ako.
Kadating nila, agad rin siyang umalis at hindi nagsabi ulit sa akin. Nagchat na lang nung pauwi na. Sabi niya nagpatulong yung kaibigan niya. Wow, eh ako ba naisip niya na puyat sa work at nag-alaga pa kay baby simula nung umalis sila, pero tinuloy niya pa rin? Siguro, mas mahalaga nga para sa kanya ang kaibigan at hindi niya pa maisapuso ang pahkakaroon ng pamilya. Hindi naman ako nagagalit kapag umaalis siya eh, saan ka nakakita ng asawang 'di nagagalit kahit alis ng alis yung asawa? Tapos yung mga inutos ko 'di niya muna unahin kaysa sa pag-alis niya. Ano ba naman yung responsibilidad muna bago barkada or kung anuman.. Napapagod na ako na paulit-ulit na ganyan. Basta barkada, mabilis pa sa alas-kwatro. 'Di man lang ako iisipin, kung ano, kung okay lang ba, ganito ganyan.
Kailan ba magbabago ng mindset 'to? Kailan ba magmamature? Kailan niya ba uunahin palagi ang pamilya???
'Di niya pa kasi alam ngayon na kapag lahat na ng kaibigan niya eh nagkapamilya na di na nila uunahin ang barkada. Di pa niya makita ngayon kasi siya pa lang may pamilya. pero ang tanong mapapagtanto niya kaya???
Sana naman dumating yung araw na maging responsable at maging masipag siya. Hindi kapag may sinabi ako puro mamaya. Yung uunahin niya naman ako/kami o iisipin kapakanan ko.
Lord, kailan? Kailan kaya?
Walang nakakaintindi sa mga nanay kundi kapwa mga nanay lang din...
Post-Partum Diaries Entry #6
Ang hirap pala kapag ikaw lang ang may pamilya sa mga kaibigan mo, walang nakakaintindi sa'yo at nahihiya kang magsabi ng mga problema mo kasi walang nakaka-relate sa'yo..
Totoo nga ang post-partum depression, 'di ko alam bakit ganito. Feeling ko, walang nakakaintindi sa akin tapos ganyan pa inaasta ng taong inaasahan ko.
Hindi niya ako maintindihan. Hindi niya ako iniintindi.
Hindi ko alam kung napaoansin niya bang 'di niya na ako gini-greet sa mga monthsary namin, nung anniversary din namin, gin-reet lang ako, nung kasal namin wala din siyang regalo tapos imbes umuwi agad, inumaga sa inuman, sinabi ko naman na lahat sa kanya 'yon pero walang nangyayari.
Napapagod na akong maghintay na magbabago siya at magmama-mature. Nawawalan na ng pag-asa ganun ba.
Lagi niyang sinasabi na "I love you" pero kulang naman sa gawa. Panay naman ako post ng mga parinig sa Facebook pero wala namang kibo.
Pero kapag may lakad siya, mabilis pa sa alas-kwatro, naalala niya pa palagi. Walang mintis kumbaga. Di ba, sana all...
Ni mga ginagawa ko, parang di niya na-aappreciate kasi "normal" naman para sa isang nanay 'yon. Ang hirap talaga maging babae ano?
Ano bang dapat kong gawin???
Wala akong maasahan kundi sarili ko lang pero paano na ako kapag bumigay na ako?
Post-Partum Diaries Entry #5
Madalas akong nakakakita ng mga Tiktok vids tungkol sa mga tatay na very hands-on sa mga baby nila. Hands-on naman din ang asawa ko kaso kulang sa initiative at common sense. 🤦🏻♀️ Minsan napapagod na akong intindihin siya. At kapag ako yung napapagod at wala sa mood, siya pa ang nagagalit dahil 'di daw ako nagsasabi. Eh kapag nagsasabi naman ako, 'di niya ako pinapakinggan, nakikisabay siya. Saan naman ako lulugar? Ulit-ulit ko nang sinasabi sa kanya na mas mahaba pa yung oras na nagseselpon siya kaysa nag-aalaga ng bata. At kapag tulog ako, nagigising ako madalas na umiiyak ang bata pero 'di niya pinapansin, 'di ko alam kung sinasadya ba dahil alam niya namang magigising ako o talagang walang pakiealam lang?
Iniisip ko parang 'di naman siya nagpapaka-tatay. Gagampanan niya lang kapag gusto niya. Aba, 'di naman pwede yun. Dalawa kami dito pero bakit ako yung pagod na pagod, walang pahinga. 'Di naman ako nagrereklamo sa anak ko, pero nasaan ba ang suporta niya?
Nung isang araw nasa bahay ang tita ko para sa monthly celebration ni Akio. Tama bang naglaro pa sa computer at hinayaan na kaming dalawa ni tita ang kumilos? 'Di man lang nahiya? Talagang pinakita na walang pakiealam. Imbes na tumulong at makaligo na ako, wala naglaro pa rin. Nagbuset na ako pero tinuloy pa rin ang paglalaro. Ang galing talaga. Ang galing.
Sabi nga ni Angelica Panganiban sa pelikula niya.. "Ang pera 'di basta-basta nauubos, pero yung pasensya ko, konting-konti na lang.."
"You must appreciate what has no price."
Post-Partum Diaries Entry #4
Isang araw nagtanong siya sa akin kung magkano na ang ipon ni baby, sinabi ko naman ang amount at breakdown ng lahat ng nagastos, natira, at kung anuman. Pero pilit niyang sinasabi dapat ganitong halaga pa rin ang pera ni baby. Na-offend ako, para bang pinapahiwatig niyang kumukuha ako sa pera ni baby na 'di ko sinasabi? Makapag-salita na lang siya ay parang 'di niya naisip na ako ay asawa niya na? Ganun talaga siya eh, 'yon din ang ayaw ko kapag galit siya. Nakakalimutan niya kung ano ang dapat niyang itrato sa akin. Kada himihingi siya ng pera sa baby para ipang-talpak niya, 'di ako nagrereklamo at wala siyang naririnig sa akin kahit natatalo siya. 'Di ako nagsusumbat kasi pera niya 'yon. Pero bakit kaya ganun no? Ang dami talagang nababago kapag usapan na ay pera.
Post-Partum Diaries Entry #3
Ngayon, naiintindihan ko na mga nanay bakit protective sila sa mga anak nila. Iba talaga pala no? Iba yung pakiramdam, iba yung pagmamahal.
'Di alintana sa akin ang mapuyat gabi-gabi basta't maalagaan ko lang siya. Kung kaya ko lang gawin ang lahat para sa'yo anak, gagawin ko.
Mahal na mahal ka ni nanay. 💗