Ako si Jackielyn G. Ragasa kinuhanan ako ng aking mama nitong picture noong tatlong taong gulang palang ako nakikita naman na masiyahin akong bata na wala pa akong kaalam alam sa mundo kundi candy lang ang iniiyakan ko noon. Simula noon ang aming papa ay nagpasya na kami ay lumipat dito sa ilocos dahil dito siya lumaki at dahil dito na siyang nasanay na tumira at nandito din lahat ng mga kakilala ni papa. Mahirap para sakin at ako ay naninibago dahil hindi ito ang bahay na kinalakihan ko, madami pa kasi akong di kakilala at ako ay nahihiya kasi diko pa alam kung sino sino sila at yun dumating na yung oras na kailangan kunang pumasok sa day care center at yun na yung nagkaroon ako ng mga mababait at mga inosenteng mga kaibigan na palagi kami na nagkukulitan at naghaharutan ng mga kaibigan ko gusto ko nang palagi akong nasa eskwelahan dahil doon ay palagi kung nagagawa lahat ng gusto ko kasi kapag nandun lang ako sa bahay ay nakakasawa din pero palagi parin ako binabantayan ni mama sa eskwelahan kasama ng mga ibang mga nanay.
Noong nasa anim na baitang na ako ay natutunan kunang mag ayos sa aking sarili para di ako maiwan sa mga pauso nila kaya di na ako masyadong nakikipag laro sa mga kaibigan ko kasi nagiging dalaga na ako at alam kuna kung ano ba yung dapat kung gawin o hindi kasi natutunan ko yun sa aking mga mababait na mga guro napakasaya ko dahil nakilala ko ang mga akin mga matatalik na kaibigan pinapahalagahan ko sila dahil napakaimportante nila para sakin kung wala sila diko lang maisip nalulungkot nalang ako at dito ko rin natutunan na di lahat ay kailangan mong pakawalan at ito rin yung time na magragraduate na ako napkasaya ko at napakalungkot ko din kasi maalala ko lahat ng mga magagandang alaala ko ng mga kaibigan ko dahil sa ibang school na akong mag aaral at magiging bago nanaman ang lahat para saakin.
Noong ako ay nasa ika walong baitang namulat na sa katutuhanan dahil doon ko lang na realize kung gaano kaimportanteng kailangang pumasok palagi sa eskwelahan dahil kung dika pumapasok sa eskwelahan wala kang mapupuntahan sa buhay mo kung hindi ka makakakuha ng mga magandang grado dika makakakuha ng magandang trabaho. Dito ko napagtanto na kailangan kong pagbutihin ang aking pag-aaral dahil ito ang susi para sa magandang kinabukasan. Pakiramdam ko kung hindi mo subukan ang iyong pinakamahirap na pagsusubok sa buhay ay hindi mo magagawang magtagumpay at makamit ang iyong mga layunin. At ngayon ko lang nalaman na napakasaya dahil napakabait ng mga bestfriends ko at mga kaibigan ko nagppasalamat akong nakilala ko sila kung di dahil sakanila siguro mag isa lang ako at napakalungkot ko sila ang nagbibigay ng aking sigla araw araw dahil ay pinaramdam nila saakin na ako ay napakahalaga para sakanila dahil sila ang nagpapalakas ng loob ko at minsan di rin namin maiwasan an palaging mapagalitan din sa aming mga guro dahil sa aming pagkadaldal at dahil napakakulit namin at nagpapasalamat din ako sa mga guro ko napaka_
-napakadaming pagsubok na dumating saakin unawa at napakalungkot din pala minsan sa eskwelahan dahil dito talaga ay hindi natin maiiwasan ang mga taong talagang masyadong mapanghusga sa mga kapwa nilang mga tao at di natin maiiwasan ang di maissue minsan sa kunting kamali mulang napakalaking bagay na sakanila na parang naghihintay sila ng pagkakamali mo para may maichismis sila na para idown nila yung sariling kapwa nila yun at diko rin maiwasan na minsan nang umiyak dahil sa mga masasakit na salitang isinasambit nila saakin napakasakit pero kahit man na masyado na akong nalungkot at dahil madami din akong problema pero kahit na kung anong sinasabi nila ay diko nalang pinapakinggan dahil alam ko kung tama o mali ang sinasabi nila hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko sakanila hanggat alam kong ako ang tama mananatili akong tahimik pero pag once na nalaman kong mali na ang kanilang sinasabi ako na mismo kakausap sakanila pero hindi para makipag-away kundi dedepensahan ko lang ang sarili ko at alam ko na meron din yung isang araw na marerealize nila ang mga di maganda nilang nagawa sa mga sarili nilang kapwa.