Kung hindi si Duterte, Sino???
Kung hindi siya, sino kaya ngayon ang karamihang mamamatay sa droga, mga ordinaryong tao o kriminal?
Kung hindi siya, ano na kaya ngayon ang sitwasyon sa Mindanao?
Kung hindi siya, magkakaroon ba ng usad sa pakikipagusap sa maka-kaliwa?
Kung hindi siya, sino na kaya ang prioridad ng gobyerno ngayon, ang nakararami ba o ang mga kapitalista?
Kung hindi siya, magkakaron ba ng takot ang mga kumpanyang ng nagseserbisyo ng Internet?
Kung hindi siya, magiingat ba ang mga kumpanya ng minahan sa pagsira ng kalikasan?
Kung hindi siya, malalaman ba natin na kalahating dekada na naka binbin ang “common station” ng MRT/LRT dahil lang sa kapritso ng isang dambuhalang kumpanya?
Kung hindi siya, meron ba tayo malalapitan ngayon para isumbong ang mga mapangabuso na mangangalakal?
Kung hindi siya, malalaman ba ng nakararami na ang problema ng Mindanao ay nagugat sa mga aksyon ng mga Westerners?
Kung hindi siya, malalaman ba natin na ang criminalidad and abot sa kataastaasan posisyon sa gobyerno?
Kung hindi siya, malalaman ba natin na ang pag unlad at kasaganaan ng buhay ng ordinaryong pilipino ay nakasalalay sa maimpluwensyang desisyon ng mga iilang mayayamang kapitalista?
Kung hindi siya, sino ang tingin ninyo ang meron lakas ng loob labanan ang kriminalidad sa gobyerno at mga tinatawag “oligarch”?
Hindi kaya ni Duterte and lahat gawin. Kailangan ng tulong ng taong bayan. Magmasid, magbantay, at magsumbong...













