
祝日 / Permanent Vacation

Janaina Medeiros
ojovivo
trying on a metaphor
he wasn't even looking at me and he found me
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Claire Keane

#extradirty
hello vonnie

blake kathryn
DEAR READER
Sade Olutola

if i look back, i am lost
Keni
wallacepolsom

ellievsbear
cherry valley forever
we're not kids anymore.
will byers stan first human second
Mike Driver
seen from Germany
seen from United States
seen from South Africa
seen from Tunisia

seen from Malaysia

seen from Colombia

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Sri Lanka
seen from United States
@dzoantheexplorer
Stop the Abuse
This day, I feel so violated that I just need to jot it down to not feel this agony ever again.
I have a list of to-do lists for this first day of hayahay days only to be wasted by friendly user people who have nothing to think about is their very important self. Pity me, I let them. Tanga to the infinite levels.
Abuser 1: My sister- she asked me to accompany her in her dentist check up. I have scheduled for school but I still accompany her to fulfill the role of the good sister. I asked her if it will take long. She says, it depends. Only to find out that I will spend my entire morning and noon in a room full of expectant patients waiting for my sister’s turn. What a time-waster. I have to cut short the time wasting because I might miss my school duties altogether because it was my goal for the day in the first place. It was her goal to do the check up which she will finish soon while me, the probability of not doing anything valuable will put to waste.
Abuser 2: The Agent- after taking the lrt, we were interrupted by an insurance agent. My friend pointed me to the sales agent, saying I have my savings and blah blah because she was lured to the freebie- a freaking cheap tumbler. Then I find myself in a chic office, and voila offering me an insurance plan I’m not thinking of having due to my impending resignation. The process is tedious that I’m sick of arguing to the sales agent and just let her win in the argument. I agreed to buy that P4,500 life insurance i will not pray of having to use just to end the bullshit. My hard earned money went to drain. Poor me feels. I could have shouted all the foul words I could mutter in my head after the process. Ang tanga tanga talaga! We could have not stop our walking. I could have not decided to do the balance inquiry. I could have walked out! I can have my first drama queen moment! I could have do all that but decided not to because I thought my loud friend will have my back. Too bad, she didnt.
Abuser 3: My Friend- who asks me to go to school early to pay my tuition fee and get my registration card. Only to find out that the cashier is not open and I will not get my registration card. The receipt that I asked her to pay could have been her saving grace only to find out that she didn’t have it. It was obvious that she knows that she didn’t bring the receipt in the first place. The acting of looking it through all her stuffs is pure drama. Another bullshit moment! Gaahhh. iI should have not come to school in the first place!!!! For pete’s sake. I could have not lose a P4,500 pesos. I could have save my fare going to Cubao. What a user. You know what I did? I just went to school and wait for her to finish her duties and accompany her pay for her work-related bills and ended up talking about things I could only think of last like love life. Fuck to infinity times one.
This gotta end. All this bullshit and fuck. That this user people can get out of my selfless self. I’m so depressed for pete’s sake and they were using me. I should have kept my distance to this people most especially to the last one. No amount of apology can replace it. I should detach myself. I will not hang out.
I’m used to being alone. So What the fuck. PLSSS...I will stay in my cave. Is this friday the 13th? or a post April fools joke. Either one. I hate this day. Im hating myself more than ever on this. Depression is settling again. Cut the communication. This will never happen again. Never again. Treating me like trash is over. FSDFLKFJSDLFJDSFLKSJD.
MORE HERE | INSTAGRAM | FACEBOOK
Love Me If You Dare (France, 2005)
Ang pelikula ay tungkol sa dalawang magkakababata na naglalaro ng dare sa isa't isa gamit ang isang laruan na bigay ng namayapang ina ng bidang lalake. Hanggang sa paglaki nila ay nilalaro nila ang dare ngunit mas naging mapangahas at mapanghamon sa kanilang buhay.
Okay ang pacing ng pelikula. Maganda at orihinal ang istorya. Medyo nalito na lang ako sa dulong parte ng pelikula. May igaganda pa sana ito sa aking palagay. Magulo din ang ending. Hindi ko to gusto, in short buti na lang cute yung kanta na kinakanta ng dalawang bida. Hindi ako magtataka kung ma-remake ito ng ibang bansa. Magandang orihinal na materyal.
Mga taong makakarelate: Yung mga magkaibigan na mahilig magpustahan.
Pang-status na linya ng pelikula:Being an adult means to have a speedometer that marks 210 and not driving over 60.
Grado: 7/10
Good Will Hunting (United States, 1997)
Tungkol ang pelikula kay Will Hunting, isang janitor, na may pambihirang talino sa matematika. Maituturing mang henyo ay hindi naman nagagamit ito ng lubusan dahil sa problema sa paguugali ni Will. Muntikan na siyang makulong kung hindi lang dahil sa tulong ng isang Math Professor sa eskwelahang pinapasukan niya at nirekomenda si Will na sumailalim na lang ng counselling session kay Dr. Sean sa halip na manatili sa kulungan.
Napakahaba ng pelikula. Ramdam na ramdam ko na ang tagal ko na siya pinapanood. Nabagalan talaga ako sa pacing. Magaling yung mga artista. Maganda naman yung kuwento kahit hindi ko masyado bet ang ending. Tuturuan ka nito na ang buhay ay higit pa sa pormal na edukasyon. Na hindi mo lubusan maiintindihan ang mga bagay-bagay kung hindi mo naranasan at wala kang karapatang husgahan ang ibang tao base lang sa konting nalalaman mo.
P.S Nagulat ako ng malaman kong si Ben Affleck at Matt Damon yung nagsulat nitong pelikula. Wow.
Mga taong makakarelate: Yung mga taong takot magkaroon ng attachment sa ibang tao at yung may tinatago sa kanilang nakaraan.
Pang-status na linya ng pelikula: Nail them while they are vulnerable.
Grado: 7/10
Discovery of Romance (2014)
Director:Kim Sung-Yoon
Cast: Eric, Jung Yu Mi, Sung Joon, Kim Seul Gi
Country: South Korea
Si Han Yeo Rum at Kang Tae Ha ay magkarelasyon. Kapwa nila first love ang isa’t isa. Natapos din ang kanilang relasyon matapos silang maging magkasintahan ng limang taon. Lumipas ang ilang taon at may bago nang kasintahan si Han Yeo Rum. Magkikita muli si Han Yeo Rum at Kang Tae Ha. Manunumbalik ba ang kanilang pag-iibigan?
Review:
Sa totoo lang si Kim Seul Gi ang dahilan ko kung bakit ko naisipang panuorin ito. Nung mga unang episode magsasawa ka sa mga flashbacks. Pero Maayos ang pagkaka-detalye nang storyline. Natutunan kong magustuhan ang drama hindi lang dahil kay Kim Seul Gi pero dahil maganda ito. Halata man ang ending nito gugustuhin mo pa ding mapanuod ang mga pangyayari.
Maraming mapupulot na leksyon ang mga audience tungkol sa pag-ibig at relasyon.
Rating: 4/5
Me while reading the newspaper with DLSU Clipping.
Sister: Ate, magsasaka pala yung mga taga La Salle.
Me: Bakit?
Sister: "Ani mo"
Me: *smirk* HAHAH. (havey!)
Lucy (2014)
Director: Luc Besson
Cast: Scarlett Johansson, Morgan Freeman,Amr Waked, Choi Min Sik
Country: France
Si Lucy ay nag-aaral sa China. Nakilala niya si Richard at pinakiusapan siya nito na magdala ng isang malate sa isang hotel para kay Mr. Jang. Sa Hindi inaasahang pag-kakataon kinuha si Lucy at Pinatay si Richard ng mga guard ni Mr. Jang. Nagising na lang si Lucy na may nakalagay na sa kanyang tiyan na Drugs at papauwiin siya sa kanyang bansa. Aksidenteng naabsorb sa tiyan ni Lucy ang Drugs at ang katawan niya ay Nag-react ditto at siya’y naging mas malakas kesa sa normal na tao.
Review:
Hindi na bago na Makita si Scarlett sa mga ganitong roles. Maihahantulad siya kay Angelina Jolie. Kakaiba ang pelikula, tungkol sa buhay.Puno ito ng aksyon at agham. Hindi ko lang naintindihan ang punto sa Huli.
Rating: 3/5
One Direction: This is Us (UK/USA, 2013)
Isang dokumentaryo tungkol sa limang pinakasikat na kabataan sa henerasyon na ‘to, o mas kilala sa iisang pangalan na, One Direction. Pinakita dito ang kanilang istorya nung sila’y nagsimula sa XFactor hanggang makapag-world tour na sila sa iba’t ibang panig ng mundo.
Magugustuhan ito ng mga tagahanga ng banda dahil dito nabigyan sila ng pagkakataon na masilip ang mga buhay ng kanilang mga idolo sa likod ng kamera. Napakakulit pala talaga ng One Direction. Takbo doon, Takbo dito, Parang mga bata talaga. Hindi mo din sila mapag-sayaw ng ayos dahil aminado ang lahat na hindi sila marunong sumayaw. Sa kabila nito, ay matutunghayan din sa pelikula na sila ay normal na mga kabataan na pinipilit na mabuhay ng pangkaraniwan sa kabila ng kanilang kakaibang estado sa buhay.
Mga taong makaka-relate: Wala masyadong makakarelate maliban na lang kung artista ka, pero magugustuhan ito ng mga directioners. Meheheh.
Pang-status na linya ng pelikula: One of the reasons why I don’t like the word famous it’s because then people use it afterwards. They go, like: He used to be famous but he is not famous anymore.
Grado: 6/10
Kiki’s Delivery Service (1989)
Director: Hayao Miyazaki
Cast:Minami Takayama, Rei Sakuma, Kappei Yamaguchi
Country: Japan
Si Kiki ay isang witch at tradisyon ng mga witch na pag nasa edad na 13 na sila ay aalis sila sa kanilang lugar para mag-sanay sa ibang lugar. Isang araw,nagdesisyon si Kiki na umalis matapos marinig sa radio ang weather forecast na maganda ang panahon at full moon. Napadpad si Kiki sa isang bayan na malapit sa kargatan at puno ng mga tao. Sa bago niyang tirahan naisipan ni Kiki na magtayo ng negosyo at ito ang delivery service.
Review:
Simple lang ang kwento ng Kiki’s Delivery Service. Nakakatuwa ang karakter ni Kiki at Maganda itong panuorin ng mga bata dahil puno ito ng kabutihan at leksyon.
Rating: 4/5
The Call (United States, 2013)
"Sequel! Sequel! Sequel!"
Yan ang mga katagang sinisigaw ng aking puso’t damdamin pagkatapos mapanood ang pelikula. Napakaganda at napakahusay ng pagkakagawa ng The Call. Ni hindi ako bumitaw sa panonood bawat eksena. Thriller at its finest ika nga.
Tungkol ito sa isang 911 Telephone Operator na si Jordan na nakatanggap ng emergency call sa isang dalaga na kinuha ng hindi makilalang lalake. Dahil nakatanggap na siya dati ng ganitong klaseng tawag at namatay ang dalaga pagkatapos niya tulungan, ay desidido na si Jordan na tulungan ang kanyang kasalukuyang caller na makawala sa kamay ng kanyang kidnapper.
Maganda at kapani-paniwala ang istorya, higit lalo ang paglalahad nito. Wala akong maitapon sa mga eksena. Ni hindi ko napansin ang oras ng aking mapanood. Mahusay ang mga artistang nagsipaganap. Kung meron man akong bagong pelikulang irerekomenda sa mga kaibigan ko ay eto na yun.
*clap* *clap* *clap*
Mga taong makakarelate: Magugustuhan ito ng mga crime thriller fans, kahit babae ang bida ay papasa ito sa panlasa ng lalakeng manonood.
Pang-status na linya ng pelikula:Never ever make promises. Because you can’t keep them.
Grado: 9.5/10
Phobia (2008)
Directors: Youngyooth Thongkonthun, Banjong Pisanthanakun, Parkpoom Wongpoom, and Paween Purijitpanya.
Cast:Laila Boonyasak,Maneerat Kham-uan, Apinya Sakuljaroensuk
Country: Thailand
Nahahati sa apat na kwento ang pelikula. Ang una ay tungkol kay Pin. Si Pin ay naninirahan sa isang apartment kasama ang kanyang kaibigan. Naiwan si Pin sa kanilang apartment nang umalis ang kanyang kaibigan. Pilay si Pin dahil sa isang aksidente at lubog siya sa utang. Isang araw nakatanggap si Pin ng isang text message mula sa isang di kilalang numero. Nakipag-textmate siya rito. Hindi niya alam na ang ka-text niya ay may kinalaman sa kanyang aksidente.
Pangalawang kwento naman ay tungkol sa mga Estudyanteng bullies. Pinagtutulungan nila ang isang mahinang estudyante. Sa di sinasadyang pagkakataon namatay ang isa nilang kaibigan at malalaman nila ang sumpa.
Ang ikatlong kwento ay umikot sa mga apat na magkakaibigang nag-camping sa isang gubat. Nang sumunod na araw sila naman ay nag-river rafting at nawala ang isa nilang kaibigan. Bumalik ang kanilang kaibigan sa kanilang tent nang kinagabihan. Pero may matutuklasan silang lahat.
Ang Pinaka-Huling kwento ay tungkol kay Pim. Si Pim ay isang flight attendant. Siya ay nautusang pagsilbihan ang isang prinsesa sa isang flight. Siya lamang ang flight attendant. Si Pim din ang kerida ng asawa nang prinsesang kanyang pinagsisilbihan. Ano ang mangyayari sa asawa at kerida?
Review:
May iba’t ibang ipinakita ang apat na kwento. Sa unang parte Yung vibration nang cellphone ang nakakadagdag sa takot effect. Simple lang ang detalye at epektibo ito. Hindi ko naman nagustuhan ang pangalawang kwento dahil sa sobrang paggamit ng effects at hindi na ito nag mukhang makatotohanan. Ang pangatlo ay ang pinaka-paborito kong kwento. Nakakatawa ang mga eksena kahit na dapat nakakatakot. Nakakatuwa din ang script. Ang huling kwento ay hindi din nagpatalo sa takot.
Rating: 4/5
Hindi ko itataya ang buhay ko sa mga taong abusado.
Halfway (2009)
Director: Eriko Kitagawa
Cast: Kei Kitano, Masaki Okada, Junpei Mizobata, Hiroki Narimiya
Country: Japan
Si Shinozaki at si Hiro ay mga High School students. Sila ay nagkaroon ng relasyon. Si Shinozaki ay matalino at balak mag-aral sa Tokyo. Si Hiro naman ay sa isang state college lang balak pumasok sa college. Nang malaman ni Hiro ang balak ni Shinozaki siya’y nadismaya at pinilit si Shinozaki na huwag ituloy ang kanyang balak. Samantala, si Shinozaki naman ay naguguluhan kung ano ang kanyang pipiliin: pag-ibig o ang kanyang kinabukasan?
Review:
Ang pelikula ay umikot lamang sa dalawang bida. Masasabi kong cute ang mga scenes dahil ipinapakita nila ang matamis na pagibig ng mga teens. Puro kulitan lang halos, Walang masyadong pinakitang paglalambingan.Masyado ding shaky yung camera. Karamihan nang eksena ay bike scenes.
Sa huli ang desisyon pa rin natin ang mahalaga.
Rating: 3/5
KICK-ASS 2 (United States, 2013)
Ang binata na nagbigay ng inspirasyon sa nakararami na ilabas ang pagka-superhero nila ay nagbabalik sa pangalawang pelikula nito, Ang Kick Ass 2.
Pagkatapos magretiro sa kanyang berdeng uniporme, Nagdesisyon si Dave na ibalik ang kanyang pagkabayani. Humingi siya ng tulong kay Hit Girl, ang dati niyang kapareha sa pakikidigma. Kahit may pagdududa ay tinulungan naman siya ng huli na hasain ang kanyang pakikibaglaban sa kaaway. Nagkaroon tuloy ulit ng pakikipagsagupa sa mga masasamang loob sa tulong ng mga bagong nilang kilalang kaibigan/ superhero.
Nakakatuwang tignan na ang mga nagsiganap sa unang pelikula ay nagsipaglakihan na. Dalaga na si Hit Girl. Si Dave naman ay ganun pa din. Hindi ko lang talaga akalain na kasama pala si Jim Carrey sa pelikula. Salamat sa kanyang mascara. Walang masyadong pinagbago sa background ng mga karakter. Ang istorya naman ay sakto lang sa aking panlasa. Pero may pagkakataon naman na yung mga aksyon na eksena ay grabe sa pagkakadiri. Sa pangkalahatan, pareho pa rin ang elemento ng pelikula sa nauna. Wala masyadong bago. Sana kung magkaroon ng bagong pelikula ay may bago silang ihandog sa manonood maliban sa mga bagong karakter.
Mga taong makakarelate: Mga taong may lihim na kagustuhan na maging superhero at ipaglaban ang mga naapi laban sa kampon ng kasamaan.
Pang-status na linya ng pelikula: This is real life. There is no sequel.
Grado: 6/10
Lilting (2014)
Director: Hong Khaou
Cast: Ben Whishaw, Pei-pei Cheng, Peter Bowles, Naomi Christie, Andrew Leung
Country: United Kingdom
Si Junn ay kasalukuyang nakatira sa isang Santuwaryo para sa matatanda. Hindi marunong mag-ingles si Junn pero may namumuong relasyon ito sa kapwa niyang matanda na si Alan.Kamamatay lang ng kanyang anak na si Kai. Si Richard naman ay ang kasintahan ni Kai pero kilala ito ni Junn bilang kaibigan lamang ni Kai. Dahil sa pagkawala ni Kai sinusubukan ni Richard na alagaan ang ina nito. Kahit na sa una pa lang ay alam na ni Richard na hindi siya gusto ni Junn. Kumuha siya nang isang translator para magkaintindihan si Junn at si Alan at ito ay si Van. Magkakasundo nga kaya si Junn at Richard?
Review:
Nakakatuwa ang Pelikula. Napaka-cute dahil parang ang tambalang Alan at Junn ang naging focus ng kwento kesa sa pagpanaw ni Kai at sa relasyon ni Junn at Richard. Pero sa huli ipinakita nito na dapat tayong magpatuloy sa buhay at Harapin ang katotohanan.
Kakaiba ito sa ibang mga pelikulang aking napanuod dahil sa set up. Tatlong tao ang naguusap pero sa dalawang tao lang nanggagaling ang mga pangungusap.
Rating: 4/5